John "Sweet" Lapus attests to KathNiel popularity in Canada

John Lapus on "kissing photo" of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: “Halos every day kami magkakasama kaya malalaman namin ang mga kinikilos nila. At dyusko naman, nandoon ang mommy ni Kathryn at yung auntie ni DJ. May bantay ang mga bata kaya hindi puwedeng may maganap na milagro!”


Nakabalik na si John “Sweet” Lapus mula sa series of shows nila sa Canada, kasama si Kim Chiu at ang magka-loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Two weeks inaliw ng grupo ang fans at subscribers ng TFC (The Filipino Channel) mula sa Filipino communities ng Toronto, Edmonton, Winnipeg, at Vancouver para sa One Magical Night Canada Tour ng Kapamilya network.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet, via private messaging ng Facebook, ibinalita nito ang super successful na shows nila sa Canada.

“Grabe, soldout lahat ng shows namin!

“Ang lakas ng tambalang KathNiel at pati na si Kim Chui.

“Salamat sa lahat ng Kapamilya sa Canada dahil talagang umaapaw ang suporta nila sa mga shows ng ABS-CBN.

“At nakakatuwa dahil nataon na Halloween nandoon kami kaya pati kami ay naki-Halloween. Nag-Trick Or Treat kami with matching costume.

“Next year, magkaroon ulit ng One Magical Night Tour sa US naman. Bandang summer naman iyon. Siguro Holy Week.

“This time, baka kasama na namin si Xian Lim. Para naman hindi ma-sad si Kim.

“Feeling ko, nainggit sa ka-sweet-an nina Kathryn at Daniel sa Canada!” sabay tawa ni Sweet.

KATHNIEL LOVETEAM. Sikat na sikat daw sa Canada ang loveteam na KathNiel, at saksi nga si Sweet sa pagdumog ng maraming fans sa dalawa kahit saan sila magpunta.

“Grabe ang lakas ng loveteam nila!

“Hindi mapigilan ang mga tao na kiligin kapag nasa stage na sila.

“E, very sweet pa naman sila sa isa’t isa.

“As in, on and off camera, may tao man o wala, consistent ang pagiging sweet nila.

“Yun nga lang, nakakaawa ang dalawa, kasi halos hindi nakakalabas ng hotel kasi kinukuyog ng mga fans.

“Ibang level ang mga fans nila doon.

“Mahirap din maging big stars talaga.

“Biro mo, nasa kuwarto lang yung mga bata. Hindi makapasyal kasi sinusundan sila kahit saan ng mga fans.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinabulaanan din ni Sweet ang nabalitang “kissing scandal” ng dalawa.

“Yung kissing scandal, hindi naman totoo ‘yon.

“Sweet lang talaga si Daniel at parang gigil na gigil kay Kathryn.

“Halos every day kami magkakasama kaya malalaman namin ang mga kinikilos nila.

“At dyusko naman, nandoon ang mommy ni Kathryn at yung auntie ni DJ.

“May bantay ang mga bata kaya hindi puwedeng may maganap na milagro!”



BOX-OFFICE HIT. Sobra namang saya ni Sweet na pag-uwi niya ay nabalitaan niyang patok sa box-office ang pelikula niya with Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, at Matteo Guidicelli na Moron 5.2 The Transformation.

Sabi niya, “Masayang-masaya ako dahil sinuportahan ng marami ang Moron 5.2. Salamat sa lahat ng nag-watch.

“Natutuwa ako sa magandang feedback na naman about my character, Beckie Pamintuan.

“May mga nagtatanong nga sa akin kung magkaroon pa ng Part 3 dahil mukhang hindi pa susuko si Beckie.

“Depende po ‘yan sa Viva Films. Kung feel nilang may Part 3, e, di go lang tayo dahil maganda ‘yan.”

May nagsa-suggest nga na sana magkaroon ng spin-off or prequel ang character niyang si Beckie Pamintuan.

“Ay, maganda ‘yan! Tutal uso naman ang may mga prequel, ‘di ba? Parang X-Men lang.

“Ang sina-suggest ko nga kay Direk Wenn Deramas ay pagsamahin kami ni Joey Paras.

“Since siya naman si Bekikang at may contract siya sa Viva. Ako naman, may isang movie pa qko dapat na na-expire lang ang contract ko.

“Parang Beckie Meets Bekikang.”



SRR XV. Sa 2014 Metro Manila Film Festival ay may entry si Sweet, ang Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Entertainment.

Sabi niya, “Alam mo na at suki ako ng Shake, Rattle & Roll, ‘di ba?

“’Tsaka matagal din akong walang pelikula sa MMFF. Kaya sobra akong thankful kay Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo na kinuha nila ako for not just one but three episodes ng SSR XV!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong malaman nga nila na expired na ang contract ko with Viva Films, tinawagan ako agad at dalawang movies ang ipinagawa sa akin.

“Una ay yung Mara with Isabelle Daza, Jasmine Curtis-Smith, Paulo Avelino, at yung bata sa Honesto na si Raikko Mateo.

“Horror film din yung Mara at dapat noong October pa ipinalabas for Halloween sana.

"Kaso, hindi na umabot kaya early next year na siya ipalabas.

“Ginagawa ko pa lang ang Mara noong ibigay na ang SSR XV. Yun nga at sa tatlong episodes ako kasama.

“First time ‘yan sa history ng SRR na may artista na kasama sa tatlong episodes, kaya exciting ang SSR XV.

“Yung first episode ay titled ‘AHAS’ at tungkol ito sa higanteng ahas sa isang shopping mall. Familiar, ‘di ba? Bida dito sina Erich Gonzales and JC de Vera.

“Yung second episode is ‘ULAM,’ with Carla Abellana and Dennis Trillo naman. Tungkol ito sa mag-asawa na mahilig kumain.

“At yung third episode ay ‘Flight 666’ with Lovi Poe, Daniel Matsunaga, at Matteo Guidicelli. Tiyanak on a plane ito kaya nakakatakot!”



TELESERYE. Sa TV naman ay may teleseryeng gagawin si Sweet na magsisimula na sa December. Makakasama raw niya rito ang isang sikat na loveteam din.

“Yung last teleserye ko was Mirabella with Julia Barretto and Enrique Gil. Itong bago, hindi pa puwedeng itsika dahil confidential pa.

“Ngayon ay kasama rin ako sa Wansapanataym ni Kathryn Bernardo na ‘Puppy Ko Si Papi.’

“Nasa Tropa Mo Ko, Nice Di Ba? ako ng TV5. May segment ako doon with Alwyn Uytingco na ‘Anino At Abundat Tonight.’

“Naku, funny ang segment na ‘yon kaya watch nila parati.”

Hindi pa raw sila nagkikita ni Jolina Magdangal na nagbalik-Kapamilya na katulad niya.

Sabi ni Sweet, “Happy naman ako at balik sa ABS-CBN si Jolens. Huli kaming nagkasama sa Adik Sa ‘Yo sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, bago pa natsismis na babalik siya sa Dos, knows ko na true iyon dahil sa mga sources ko sa Dos.

“Pinag-uusapan na nila ‘yon bago pa man pumutok ang news.

“Kaya marami kaming pagkukuwentuhan ni Jolens kapag nagkita kami.”

Sa Pasko ay very busy si Sweet pero nagpapasalamat siya sa umaapaw na blessings na dumating sa kanya bago matapos ang taong 2014.

“Naku, thank you Lord talaga sa mga biyaya na dumating towards the end of the year.

“Positive lahat at ang sarap sa pakiramdam na marami kang trabaho.

“Magiging busy ako sa promotion ng SRR XV for the MMFF. Pinaghahandaan ko ang parade—alam mo na!

“Wish ko naman na sana matuloy next year ang Here Comes The Bride Part 2.

“Matagal nang inaabangan ‘yan ng marami at gagawin naman daw ng Star Cinema at Quantum ang project.

“Siyempre, memorable sa akin ang movie na ‘yan dahil diyan ako nanalo ng first acting award ko bilang Best Actor in a Comedy [sa Golden Screen Awards], ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN