Piolo Pascual intimidated by Sarah Geronimo’s box-office record

“Mahirap sundan yung Starting Over Again and, of course, yung track record ni Sarah ay nakaka-intimidate. Pero trabaho lang because I’ve always wanted to work with her,” says Piolo Pascual about working with Sarah Geronimo in a movie.


Bagong konsepto ang unang hiling ni Piolo Pascual nang malaman niyang gagawa siya ng pelikula katambal si Sarah Geronimo.

Saad ng Kapamilya actor, “Sabi ko, konsepto. Konsepto ang importante.

“Siyempre, sa dami na ng nagawa nating pelikula, it’s important na bago.

"Mahirap sundan yung Starting Over Again and, of course, yung track record ni Sarah ay nakaka-intimidate.

“Pero trabaho lang because I’ve always wanted to work with her.

"Sana maganda yung kuwento, sana maganda ang istorya."

Hindi ba nag-alangan ang 37-year-old actor na tanggapin ang proyekto sa kabila ng age difference nila ng 26-year-old na si Sarah?

Sagot ni Piolo, “It’s not up to me. I mean, for me, I’m just gonna do my job.

“I’m just doing my job.

"Kasi, alam niyo naman ang Star Cinema, kapag alam nilang ’di magwo-work, bakit pa nila ipe-pair, ’di ba?

“I think they know better, so pupunta na lang ako doon para magtrabaho. I’ll just give my best.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Piolo sa press conference para sa finale ng teleseryeng Hawak Kamay, kaninang tanghali, November 13.



ROM-COM. Kung sakali, papayag din si Piolo na gumawa ng romantic-comedy movie, kung saan mas kilala si Sarah pagdating sa pelikula.

Pabiro pang pahayag niya, “Sabi ko naman kay Sarah, we saw each other sa ASAP, sabi ko, ’Sarah, as early as now, I have to tell you, hindi ako puwedeng kissing scene, hanggang holding hands lang ako. Hindi ako puwedeng mag-love scene.’

“Sabi ko sa kanya, may limit lang ang puwede kong gawin.

“Sinabi ko na bago kami magkatrabaho para clear na rin at hindi ako mag-expect.”

Pero seryosong dagdag ni Piolo, “Well, the thing is, Star Cinema is known for rom-com, bakit ka pa lalayo?

“I’ve done OTJ, I’ve done Manila, I’ve done films that hindi mainstream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero with Star Cinema and you’re paired with Sarah, it has to be a rom-com.

“Forte ’yan ng Star Cinema kaya walang problema.”



COMPETING WITH FIFTY SHADES OF GREY. Sa unang announcement tungkol sa pagsasama nina Piolo at Sarah sa pelikula, sinabing maaaring ipalabas ito sa Valentine’s Day 2015.

Kung matutuloy ito, makakasabay nito ang pagpapalabas ng movie adaptation ng sikat na erotic novel na Fifty Shades of Grey.

Pero hindi pa raw ito sigurado, sabi ni Piolo.

“I think Fifty Shades is gonna be shown before us.

“Post-Valentine’s ’ata kami, kung aabot kami.

"Pero since may [Kathryn Bernardo-Daniel Padilla movie], kung sino una matapos sa amin.

“I’d rather prioritize na matapos nang maayos kaysa may deadline.”

Diin pa ng Kapamilya hunk, “Ayokong nagmamadali sa pelikula kasi nagkaka-stress, nakaka-pressure.

“Magsa-suffer ang quality, not for anything, but mas maganda na yung napapaganda pa na may oras pa.

“So, kung hindi na umabot, it’s not about the playdate anyway.

“Basta may maganda kang pelikula, it doesn’t matter kailan ipapalabas.”

JOHN LLOYD-SARAH MOVIE. Samantala, nilinaw ni Piolo na hindi siya ang dahilan kung bakit wala pang kalinawan ang ika-apat na pelikula nina Sarah at John Lloyd Cruz.

Sabi niya, “It’s not up to us just like what I said.

“Trabahador lang din kami, artista lang din kami, gagawin namin kung ano mga nire-request.

“Labas naman kami dun, and I don’t think Lloydie will feel bad because he’s not paired with Sarah.

“Maraming beses na rin silang nagkapares, same thing with him and Toni [Gonzaga].

"So, maliit lang ang mundo, we have to share."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN