Desiree del Valle maintains low-profile relationship with boyfriend Boom Labrusca

Desiree del Valle on playing non-kontrabida role for a change: “Parang lagi akong nata-typecast as kontrabida before. Pero siyempre, nagpapasalamat naman ako na nabigyan ako ng opportunity na magkaroon ng ibang klaseng role na kailangan kong i-share, ipakita o papaniwalain din yung mga viewers na mabait din ang karakter ko.”


Kumpara sa highly-publicized relationships ng ibang showbiz couples, nananatiling ‘low-profile’ ang magkasintahang sina Desiree del Valle at Boom Labrusca.

Hindi rin gaanong inuulan ng intriga at kontrobersiya ang kanilang relasyon, kaya hindi raw kataka-taka kung isa sa mga araw na ito ay mabalitaan na lang na nagpakasal na pala ang dalawa.

Pero napag-uusapan na nga ba nila ang kasal?

Sagot ni Desiree, “Siyempre napag-uusapan ninyo ‘yan as a couple.

"So, if it goes to that, e, di good, ‘di ba?

"Every girl wishes that naman."

Ano ang sikreto sa matatag at matibay na relasyon nila ni Boom?

Ayon sa Kapamilya actress, “We make each other grow.

“Ako, naniniwala ako na he makes me a better person.

“Malakas din yung faith niya, dun niya ako nadala din, e.

“Saka yung goals niya in life, halos pareho din kami.

"And we try to help each other and we trust each other din.

“If you really want something to work, you will make it happen no matter what, and that’s what we really want.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Desiree sa press conference ng ABS-CBN drama series na FlordeLiza kahapon, November 12.



FOR A CHANGE. Kilala si Desiree sa pagganap niya ng kontrabida roles, pero sa FlordeLiza ay mabait ang role na ginagampanan niya.

Saad niya tungkol dito, “Parang lagi akong nata-typecast as kontrabida before.

"Pero siyempre, nagpapasalamat naman ako na nabigyan ako ng opportunity na magkaroon ng ibang klaseng role na kailangan kong i-share, ipakita o papaniwalain din yung mga viewers na mabait din ang karakter ko.”

Paglalarawan pa ni Desiree sa kanyang role, “I’m a loving mother, I’m a loving wife, breadwinner ako ng family.

“So, lahat ng puwede kong maibigay sa family ko, ibibigay ko hanggang sa wala na akong maibigay. Sacrifice lahat para maging masaya sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not as simple as it is, kasi kahit ako, kailangan yung mga galaw ko, kontrolado.

“Kasi nasanay na ako na ‘pag kontrabida, laging mataas, laging powerful.

“Ngayon, I have to be softer, even sa nuances ko sa mata, the way I speak.”

Dahil wala pang anak si Desiree sa totoong buhay, ano ang challenges na kanyang kinaharap para mabigyan ng hustisya ang role niya bilang isang ina?

Saad ng aktres, “Yung part naman na ganun, thankful ako na gina-guide naman ako ni Direk Wenn [Deramas].

“Saka siyempre, may mga kailangan din akong panoorin na films para makita ko o isipin ko na lang din ang mommy ko, like how she is with me, how sweet she is, the way a mother should touch her kids or your husband.

“Naging imaginative ka. You have to give that part to make people believe yung ipinapakita mo.”



TABING ILOG. Inusisa rin si Desiree kung may pag-asa kayang magkaroon ng reunion project ang cast ng dating youth-oriented drama series na Tabing Ilog.

Isa si Desiree sa cast nito; kasama sina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Kaye Abad, Patrick Garcia, Paula Peralejo, at Baron Geisler.

Maliban kay Paula, lahat sila ay aktibo pa rin sa showbiz.

Sabi ni Desiree tungkol dito, “Kahit sa Instagram, marami ang nagsasabi na sana may reunion ang Tabing Ilog.

“Sa ASAP nga lang, it’s hard na magkakasama kami lahat, e. Iba-iba talaga ang schedule.

“Pero nakakatuwa na ‘pag nagkikita kami sa ABS, parang kailan lang yun, nakaka-bagets.

“Nagpa-follow-han kami sa isa’t isa. We don’t call each other every day or we don’t text naman as often.

“Before, may mga reunion, pero siyempre sa busy din ng sked, hindi nagkakatugma ng schedule.

“Pero ‘pag nagkikita naman kami, parang kahapon magkakasama lang kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN