Bea Binene on handling her relationship with Jake Vargas: "What’s between us remains between us."

"May haters ka na talaga namang ginagawa ang lahat to pull you guys apart. Pero siyempre, nasa amin yun, e. Pero siguro yun ang biggest challenge for us," says Bea Binene when asked about her relationship with boyfriend Jake Vargas.


Ibinahagi ni Bea Binene na hindi pa niya gaanong napapansin kung anong pagbabago sa kanyang buhay, partikular sa kanyang lovelife, ngayong 17 years old na siya.

Sa loob ng mahigit dalawang taong relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas, madalas na may chaperone sila sa tuwing nagde-date.

Nito namang mga nakaraang araw ay tiyempong abala sila sa kani-kanilang trabaho kaya hindi pa sila nakakalabas nang silang dalawa lang ng 22-year-old Kapuso actor.

Pahayag ni Bea ukol dito, “Kasi simula nung nag-seventeen years old ako [nung November 5], hanggang ngayon, hindi pa po ako nakakalabas ulit dahil palaging nagte-taping.

“Siguro, ano, why not? Pero kasi kapag lumalabas kami, laging kasama si Mama or someone [else].

“Hindi ko lang alam these days [kung papayagan ako na dalawa lang kami ni Jake].”

Ang totoo ay wala raw kaso sa Kapuso teen actress kahit kasama niya ang ina sa mga lakad nila ng nobyo.

Sabi pa ng Strawberry Lane actress, “Nasa pag-handle naman ’yan. ’Tsaka kahit kasama naman sila [parents], puwede pa rin kami mag-spend time together [ni Jake].”

Ganunpaman, kumpiyansa si Bea na malaki ang tiwala sa kanya ng ina pagdating sa pakikipagrelasyon.

“She trusts us and she knows that we know our limits.

“Nagkukuwento kasi kami sa kanya, e. As long as alam niya na okay kami, okay din naman si Mama,” dagdag pa ni Bea.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa kanyang birthday party kasama ng mga inabandonang matatanda sa Haven For The Elderly sa Tanay, Rizal, kahapon, November 13.

INSEPARABLE. Ayon pa sa StarStruck Kids alumna, nananatiling masaya at matatag ang relasyon nila ni Jake, lalo pa’t natuto na silang makitungo sa isa’t isa sa tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

“We’re very okay. We’re going strong.

“Halos every day kami nagkakasama kasi minsan nasa Vampire Ang Daddy Ko siya. Ako naman, nasa Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos pareho kami magkasama sa SAS [Sunday All Stars],” saad ni Bea.

Isa sa advantage nito ay pareho raw silang inspirado ni Jake na magtrabaho kapag araw-araw silang nagkikita sa set.

Ngunit noong bago pa lang ang kanilang relasyon, hindi maiwasang naaapektuhan ang kanilang trabaho kapag may pinagdadaanan silang personal na alitan.

Paliwanag ni Bea, “Kasi kunyari may misunderstanding or kapag kunwari hindi kami okay, halatang-halata sa amin, so halata rin ng mga tao.

“Pero as time goes by, naha-handle naman namin at natutunan din naman namin na what’s between us remains between us.”

Natutunan daw nilang huwag masyadong maging bukas tungkol sa kanilang relasyon, lalo na kapag mayroon silang problema.

Ito ay sa upang maiwasan ang paninira ng ibang tao sa magandang samahan nila ni Jake.

“Siguro hindi naman mawawala yun na may mga bashers ka.

“May haters ka na talaga namang ginagawa ang lahat to pull you guys apart. Pero siyempre, nasa amin yun, e.

“Pero siguro, yun ang biggest challenge for us.

"Yung may mga nagsasabi ng mga bagay kahit hindi naman totoo ’tapos makakaapekto sa amin.”

Bukod sa mga nabanggit na TV shows, nakatakda ring ipalabas ang kauna-unahang pinagbidahang pelikula nila ni Jake, ang Liwanag Sa Dilim sa ilalim ng APT Entertainment.

May iba pa ba siyang hinihiling gayong tila parehong maganda ang takbo ng kanyang showbiz career at lovelife?

Sagot ni Bea, “Happiness, hindi lang para sa akin, pero para na rin sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN