Iza Calzado hopes ABS-CBN will renew her network contract

Iza Calzado considers taking up a refresher course in acting abroad, "I still have to do so many things and explore so many facets of my artistry. I still want to continue growing and learning.”


Balak daw ni Iza Calzado na kumuha ng short acting course kung magkaroon siya ng pagkakataon.

“Pangarap ko lang siya, parang bucket list ko lang siya na never ko pang nagawa,” sabi ni Iza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters pagkatapos ng press conference para sa finale ng Hawak Kamay kahapon, November 13.

Sabi pa niya, “Parang torn pa ako, am I gonna do it in L.A., New York, London, or Sydney? Those are the four places that I’m considering.

“I still don’t know where would be the best place for me.

“Parang I haven’t even researched thoroughly kasi this year nagulat na lang na bigla akong naging very busy, I barely even have time for myself.

“I didn’t even have the time to take a full vacation. Inuna ko talaga muna ngayon ang trabaho.”

Sa tingin ng actress-TV host, marami pa siyang dapat matutunan tungkol sa kanyang trabaho bilang artista.

Sabi ni Iza, “Hindi naman nakukulangan. Sa tingin ko, napakalayo pa ng pwedeng kong marating bilang isang thespian, isang actress.

“I still have to do theater, I still have to do so many things and explore so many facets of my artistry.

“I think, hopefully, one day.

"I don’t think I’ll ever be satisfied. I still want to continue growing and learning.”



NETWORK CONTRACT. Depende raw ang magiging desisyon niya sa mga susunod na mangyayari pagkatapos ng kanyang kontrata sa ABS-CBN sa January 2015.

“Depende pa talaga kung saan ako dadalhin ng buhay ko next year,” sabi ni Iza.

“Hindi ako mawawala. But I haven’t even planned it.

“It depends also on what ABS-CBN will be giving for next year.

“That’s why it’s all up in the air. I need to find out what’s going to happen.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Iza ang tatanungin, gusto raw niyang manatili sa ABS-CBN.

Pahayag niya, “Nasa kanila po ’yon. But of course, I’d want to stay.

“ABS-CBN has given me so much especially this year. I’m grateful and I hope that we can continue to be partners in my career.

“I hope that they will still want me to be in ABS-CBN because I certainly wish to stay.”



NOT YET READY. May mga plano pa nga raw siya sa kanyang career kaya nasasabi niya na hindi pa siya handang bumuo ng pamilya.

Paliwanag ng dalaga, “I don’t see it yet happening anytime soon.

“It’s not that I don’t think it’s gonna happen, pero iniisip ko pa ’yong trabaho, e.

“Sobrang trabaho pa ang focus ko ngayon.

“There are still things that I still want to do. But it doesn’t mean na hindi ako magkakaroon ng pamilya.

“I want to have a family, especially sometimes may mga kasama kang mga bata.

"It warms your heart, it makes you want to have a family.”

Pareho raw sila ng saloobin ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Ben Wintle pagdating sa isyung ito.

“Siguro, pareho pa kami, that my boyfriend is not yet very ready.

"Siguro baka hilaw pa kung minadali, parang ang pangit naman no’n,” pagtatapos ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN