Kathryn Bernardo says she and Daniel Padilla both learned a lot from his audio-video controversy

After spending a month-long break abroad, Kathryn Bernardo is eager to get back in front of the cameras, "Nakaka-miss din yung ganito… parang ready na ulit akong magtrabaho."


Sinagot ni Kathryn Bernardo kamakailan ang mga isyung kinasasangkutan niya at ng ka-love team na si Daniel Padilla.

Una ay ang "kissing photos" nila ni Daniel na naging viral.

Pinasinungalingan naman ito ni Kathryn at hindi raw siya hinahalikan noon ni Daniel kundi hinawakan lang siya sa magkabilang pisngi.

Read: Kathryn Bernardo clarifies "kissing photos" with Daniel Padilla

Pero bago iyon ay na-involve muna si Daniel sa kumalat na audio-video file kunsaan naringgan ang binata na nagsabing "kinilig na naman ang tumbong ko" para sa isang young actress na hindi naman si Kathryn.

“Siyempre, noong nalaman ko parang nagulat lang pero naayos na naman," sambit ng 19-year-old actress.

"Importante sa akin na marami kaming natutunan sa nangyari and feeling ko naman plinano naman yun ni God kung bakit nangyari.

"Basta ngayon, ayos na. Masaya na ulit,” ngiti niya.

Nabawasan ba ang pagmamahal niya kay Daniel pagkatapos lumabas ang audio scandal nito?

“Wow! Ang lalim," natatawang pakli ni Kathryn.

Saad pa niya, “Basta ngayon, siguro mas nag-grow kami pareho sa nangyari, and nag-grow lahat ng involved.”

Inamin niyang medyo nagtampo siya kay Daniel noong marinig niya ang mga sinabi ng ka-love team niya.

“Normal lang naman ‘yon.

"Kung paano ninyo iti-take yun, kung mangyari sa inyo ‘yon, ganoon din po siguro yung naramdaman ko.

“Pero inayos naman ni DJ, ni Tita Karla [Estrada, ina ni Daniel], nakita mo na lahat sila, ah.

"In-ensure ako kung ano talaga yung nangyari.

“And, of course, naniwala naman ako sa kanila and tiwala naman ako sa kanila.

"Yeah, masaya na. Okey na po.”

MOVING ON. Kung naapektuhan siya, malamang boyfriend niya talaga si Daniel, ‘di ba?

“Bakit, ah, yung mga fans nga naapektuhan sila, ako pa?

“Parang ganoon lang din, parang kahit sinong mai-involve sa ganoon, magugulat ka rin.”

Nasanay na ba siya sa mga isyu sa kanila ni Daniel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo," nangingiting pag-ayon niya.

“Pinagtatawanan na lang namin. Alam naman namin na hindi naman totoo.

"So, hindi naman isyu po sa amin ‘yon.”

FRESH FROM VACAY. Ilang araw lang ang lumipas noong dumating ng Pilipinas si Kathryn mula sa isang buwan bakasyon. Kumusta ang trip niya abroad?

“Tumaba ako, ha-ha-ha!

“Na-enjoy ko siya. Para siyang work-slash-vacation sa amin ni DJ, at kay Mama.

"So ngayon nakaka-miss din yung ganito… parang ready na ulit akong magtrabaho.

"Nagkaroon na ako ng enough break for myself. So gusto ko yun na parang nami-miss ko lahat yung ganito.”

HANGING OUT ABROAD. Ikinuwento ni Kathryn ang memorable moments nila sa U.S.

“Memorable sa akin noong nanood kami ng Ellen nang live.

Read: KathNiel on ’Ellen’

“Yung Ellen kasi, para namang lahat ng tao kung mabigyan ng chance manood nang live, sorbrang saya noon.

"And thankful ako sa kina Tita Mariole [Alberto], kay Kuya Gary [Valenciano] kasi sila yung tumulong sa amin para makanood doon."

Hindi raw siya nagkaroon ng chance ma-meet si Ellen DeGeneres, "Okey na sa akin na nakapanood kami. Naging fan ako bigla.”

Tumagal daw sila nang isang buwan sa ibang bansa dahil pagkatapos daw ng ASAP sa Los Angeles ay nag-Canada tour sila ni Daniel kasama sina Kim Chiu at John "Sweet" Lapus.

“Meron kaming one week na free. So, naisip namin na idiretso na lang namin kasi may Canada tour din kami with Ate Kim and Sweet.

Napuntahan ni Kathryn ang Niagara Falls sa Canada side nito sa Ontario na matagal nang nasa bucket list niya.

Bulalas niya, “Ang ganda! Ang ganda noong place. Ang ganda ng nature.

"Nature lover rin kasi ako. ’Tapos malamig. Na-enjoy mo yung weather, lahat.

"Yung mga tao ang babait. So, na-enjoy mo lahat.”

Ano ang na-discover ni Kathryn kay Daniel the whole time na magkasama sila sa ibang bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ba? Parang kilala ko naman si DJ kaya parang wala namang bago akong natuklasan sa kanya for one month,” natatawang sabi ni Kathryn.

“Siguro, ano, na-discover ko na mahilig pala talaga siyang kumain ng burger, ha-ha-ha!

“Ano pa ba? Na madali siyang kasama. Never naman siyang naging pabigat kapag kasama, game siyang kasama.”

BACK TO WORK. Kailan sila magsisimula para sa Pangako Sa ‘Yo?

“Ah, pelikula muna, of course with DJ pa rin and directed by Rory Quintos.

"After daw namin i-shoot yung movie, mag-i-start na kami agad for Pangako Sa ‘Yo, si Direk Rory din yun.

Positibo naman daw ang naging reaksyon ng original cast ng Pangako Sa ’Yo sa remake nila ni Daniel.

“Alam naman natin kung gaano kasikat… super fan din ako ni Kuya Jericho [Rosales] and Ms. Kristine Hermosa.

“Of course mas masaya kasi may approval na nila.

“Parang yung show na ‘yon, sumikat sila hindi lang sa Philippines kundi international pa. So, masaya.”

Malaki ba ang pressure ng pagre-remake nila ng Pangako... sa kanya?

“Sobra, sobrang bigat,” diin niya.

Meanwhile, thankful din si Kathryn sa pagtitiwala sa kanya ng mag-asawang Lester and Rosette Pimentel for renewing her contract as RBX endorser.

Three years ng endorser si Kathryn ng nabanggit na fastfood chain at halos magkasabay sila ng pag-asenso.

Kaya kahit na sikat na sikat na ito ngayon bilang artista at may ini-endorse din na isang malaking fastfood chain, hindi niya iniwan ang nauna nang fastfood company na kumuha sa kanya, na may mahigit 100 branches na pala.

“Dahil nauna naman po ang RBX, hindi ko naman po sila pwedeng basta iwan.

"What’s important ay pumayag po yung both parties. So, ngayon, happy po pareho sila,” pahayag ni Kathryn.

Happy naman sina Lester at Rosette na ino-honor ni Kathryn ang matagal na samahan nila, “We feel very honored. Baka sa iba, iniwan na kami, kasi mas malaki ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait lang talaga si Kathryn.”

Willing ba si Kathryn na yayain ang ka-love team niya para mag-endorse ng fastfood company nina Lester at Rosette?

“Kung kukunin nila why not? Mas okey,’” masayang sagot ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN