Marian Rivera clarifies rumors about Koreanovela stint

Marian Rivera sheds light on rumors about starring in a Koreanovela with Hyun Bin: “Depende sa kundisyon. Ang arte ko, ’no? Tumanggi ba ako? E, alangan namang doon ako mag-stay e may asawa akong tao? Alangan namang hindi ko maalagaan yung asawa ko?”


“Actually, sobrang... siyempre nung una kaming nagkita muna, parang... ’Hi!’ ’Hi!’

“Ganyan-ganyan. Introduce dun sa partner niya, siyempre ako din kay Dong, ganyan.

“’Tapos sabi niya, ‘O, ready ka nang isukat yung damit mo?’

“O, e di isinukat ko na yung damit ko.

“’Tapos alam mo nung nakita ko yung damit ko, nakatingin ako sa salamin, wala pa yung mga beads or anything, sabi ko, talaga, ’Haayyy…’

“Parang naiiyak ako! ’Tapos nilapitan ko si Michael, niyakap ko, sabi ko, ’Thank you!’

“Kasi tinupad niya kung ano yung sinabi ko sa kanyang description, kung ano talaga yung gusto kong gown.

“Wala siyang binago, as in kung ano yung sinabi ko, iyon ang ginawa niya,” panimulang kuwento ni Marian Rivera kung ano ang naramdaman niya noong pumunta sila ni Dingdong Dantes sa Dubai at nakaharap ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco para sa fitting ng wedding gown ni Marian.

Mula Dubai ay lilipad papuntang Pilipinas si Michael sa December para ito mismo ang magbihis kay Marian sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes sa December 30.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kahapon, November 14, sa Cerchio Grill and Lounge sa Scout Limbaga sa Quezon City para sa launch ni Marian bilang endorser ng Nailandia Nail Salon and Body Spa.

Nagkabiruan nga na tamang-tama ang bagong endorsement ni Marian dahil tiyak na magandang-maganda ang mga kuko niya sa kamay bago siya suotan ng wedding ring ni Dingdong sa kasal nila.

“Naman!” ang tumatawang bulalas ng Kapuso Primetime Queen.

KOREANOVELA IN THE WORKS? Natanong naman si Marian kung totoo ang balitang gagawa siya ng isang Koreanovela at siya ang Filipina leading lady ng Korean male actor na si Hyun Bin?

Ang taping diumano ng soap opera ay sa Korea at sa Pilipinas at kakailanganin pa raw na mamamalagi si Marian sa Korea for sometime para mag-aral ng Korean language.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw iyon totoo, sa pagkakaalam niya.

Kung mangyayari nga iyon, tatanggapin ba niya?

Ayon kay Marian, “Depende sa kundisyon. Ang arte ko ’no? Tumanggi ba ako?

“E, alangan namang doon ako mag-stay, e, may asawa akong tao?

“Alangan namang hindi ko maalagaan yung asawa ko?”

Sanay na si Marian na gamitin ang mga salitang “asawa ko?”

“Oo!” sabay tili na tila kinikilig ni Marian.

DANCE SHOW CONTINUES. Samantala, napabalita rin na ilang linggo na lamang na ipapalabas ang kanyang self-titled Saturday dance show.

Nilinaw ito ng aktres.

“Alam mo hindi, alam mo sabi nila, hanggang gusto ko raw, hanggang kaya ko, may Marian.”

Siya mismo, sa tingin niya, hanggang kailan niya kakayanin na ipagpatuloy ang kanyang dance show?

“Nami-miss kong mag-soap, e! Na-miss kong mag-soap,” pag-amin niya.

Pero sa ngayon ay patuloy na mapapanood ang Marian sa GMA tuwing Sabado ng gabi.

NAME CHANGE. Going back to her wedding, gagayahin ba ni Marian si Regine, na matapos ikasal ay naging Regine Velasquez-Alcasid?

Sagot niya, “Depende sa management. Pero at least naman yung totoong mga contract naman, Marian Gracia Dantes.

“Pero siguro, depende rin siguro sa host [kapag ini-introduce siya], o kung paano ang approach na gagawin.

“Kasi known ako ng tao as Marian Rivera although alam nilang pakakasalan ko si Dingdong, so puwede naman...

“Puwedeng Marian Rivera, puwedeng Marian… e kung gagawin din naman nilang Dantes, kailangan Marian Gracia Dantes.

“Kasi Gracia talaga ako.”

Puwede namang mag-stick pa rin siya sa kanyang screen name.

“O yung Rivera na lang,” pahabol niya.

Pero kung para sa ibang tao ay gagawin siyang Marian Rivera-Dantes?

“Okey lang. Ang ganda kaya ng apelyidong Dantes!” natutuwa niyang pagmamalaki.

FIRST BABY. Kung si Marian ang masusunod, ano ang gusto niyang maging unang anak nila ni Dingdong: babae o lalaki?

Saad ng excited bride-to-be, “Alam mo kahit ano ako, basta lagi nga naming sinasabi ni Dong, basta healthy, kung ano ang ibigay sa amin ng Diyos, kahit ano, okay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, gusto namin as soon as possible, mabigyan kami ng biyaya.

“Huwag nang magpatumpik-tumpik pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN