Zanjoe Marudo continues to dodge persistent breakup rumor: “Wala namang nagbago.”

Zanjoe Marudo on persistent rumors about breakup with Bea Alonzo: “Hindi ko nga alam kung saan nanggaling, e. Wala namang nagbago.”


Matapos gumanap ni Zanjoe Marudo bilang ama ni Andrea Brillantes sa Kapamilya teleseryeng Annaliza, ama na naman ng 5-year-old child star na si Jana Agoncillo ang papel na gagampanan niya sa bagong Primetime Bida series na Dream Dad.

Ang Dream Dad ang papalit sa timeslot na iiwan ng Pure Love at magsisimula nang umere sa Lunes, November 17.

Marami ang curious malaman kung ano ang pakiramdam ni Zanjoe na mukhang sa papel na ito na siya nalilinya ngayon.

Bungad ng Kapamilya actor, "Oo, actually, hindi naman sa heto na lang ang gusto kong gawin.

"Ito kasi, ang nao-offer at napakaganda ng story.

"Minsan din akong gumawa ng ganitong teleserye na napaka-light kasi nga, yung dati ko ay sobrang heavy drama, e.

"So ngayon parang ang sarap gumawa ng ganito na light lang, masaya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media ang aktor sa press launch ng Dream Dad sa 9501 Restaurant, sa ELJ Building sa ABS-CBN, noong November 13.

WILL ZANJOE BE A DREAM DAD? Dahil sa magkasunod na roles niya bilang ama, hindi ba siya nai-inspire na maging isang ama na rin sa totoong buhay?

Tugon ng boyfriend ng aktres na si Bea Alonzo, "Ah, siyempre, hindi nawawala sa isip ko na balang araw ay magiging tatay din ako.

"And, siyempre, ’di pa tama yung panahon siguro, marami pang dapat i-consider.

"Pangarap ko naman talagang maging isang tatay at magkaroon ng mga anak kasi naging close ako sa ibang bata, gusto ko sa totoong buhay ay maging close din ako sa magiging anak ko."

ALL-PRAISES FOR DAD. Dahil tungkol sa isang dream dad ang kabuuan ng serye, gustong malaman ng karamihan kung ang ama ba ni Zanjoe ay masasabi niyang isang ideal na ama na pinangarap niya.

Aniya, "Ako, ang pinakaimportante diyan...

"Ako, dahil na rin siguro sa na-experience ko, kung kaya nakakaarte ako na tatay kahit wala pa akong anak, siguro yung time na ibinigay ng tatay ko nung bata pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Importante yung maliit ka pa, e. Kasi, lahat nang gagawin mo nung bata pa kayo, kahit tumanda pa kayo ay hindi mo makakalimutan yun."

Dagdag pa ni Zanjoe, "Bitbit mo ’yan at ipinagmamalaki mo sa mga kaibigan mo, parang ganun.

"Kailangan mong mag-invest talaga sa umpisa habang maliliit pa, kasi importante talaga yun, e.

"’Pag pangit kasi ang naumpisahan, kahit ano pang time o regalo ang ibigay mo sa bata, mahirap nang habulin.

"Yung tatay ko, hindi lang basta dream dad ko, totoong tatay ko, he’s my real dad."

ANXIOUS ABOUT RATINGS? Dahil lead role siya sa teleseryeng ito, gustong malaman ng iba kung kinakabahan ba siya sa magiging resulta nito sa ratings game.

Pagsang-ayon naman niya, "Kung may kaba? Siyempre, hindi nawawala ang kaba.

"Importante yun kasi, dapat kinakabahan ka pa rin kahit paano.

"’Pag kampante kasi masyado, hindi naman maganda.

"Oo, e. Hindi ko alam, e, title role, oo. Pero ang title holder na nandito," pabirong sabi pa niya sabay turo sa kanilang co-star na si Gloria Diaz, dating Miss Universe.

CONFLICTING STATEMENTS? Sa puntong ito, napag-usapan naman ang tungkol sa pambubuking sa kanilang dalawa ni Bea.

Sabi kasi ni Gloria, nang minsang makausap niya raw si Bea at tanungin niya ito na, "Are you getting married?" Ang sagot daw nito sa kanya ay "yes."

Pero nang alamin naman niya ito kay Zanjoe, ang naging tugon nito sa kanya ay, "Parang hindi pa siguro."

PERSISTENT RUMOR. Ano ang take niya sa tipong pag-amin na yun ni Bea, sa kabila ng umikot na tsismis na hiwalay na sila?

Pagbibiro ng Kapamilya actor, "Hindi ko sure kung sino talagang Bea ang...

"Pero, nakakatuwa naman, kung totoo yun na kapag may nakakausap siyang ibang tao, yun ang nasasabi niya," kasunod ang maiksing paliwanag tungkol sa isyu ng hiwalayan.

"Hindi ko nga alam kung saan nanggaling, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang nagbago [sa kanilang dalawa ni Bea]."

LACK OF TIME FOR EACH OTHER? Isa nga raw sa dahilan ng kanilang diumano’y paghihiwalay ay ang kakulangan sa oras nila sa isa’t isa.

Ngunit nagpaliwanag na siya tungkol dito na kung saan inamin niya na nagkataon naman na nagsimula na siyang magtaping para sa Dream Dad pagkatapos na magwakas naman sa ere ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng kanyang girlfriend.

Hindi ba dapat dahil pareho naman silang nasa showbiz, mas maiintindihan nila supposedly ang ganitong set up sa kanilang relasyon?

Esplika ng 32-year-old actor, "Actually, naiintindihan naman namin.

"Habang tumatagal, napag-uusapan naman, naiintindihan naman.

"Wala, e. Ganun talaga, hindi naman puwedeng tumigil ang isa para lamang magkaroon ng time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN