Rocco Nacino looks forward to meeting Lovi’s half-sister, Senator Grace Poe

Rocco Nacino on meeting Lovi Poe’s half-sister, Senator Grace Poe, for the first time: “It will be an honor for me to personally meet Senator Grace Poe. Sabi naman ni Lovi na malapit na raw niya kaming ipakilala sa isa’t isa. Very sweet and very nice naman daw si Senator Poe. Kailangan daw proper timing at special ang occasion for us to meet.”


First time daw na nagpatubo ng balbas at bigote ang Kapuso leading man na si Rocco Nacino para sa kanyang role bilang si Otep sa GMA teleserye na Hiram Na Alaala.

Malaking factor nga raw ang pagkakaroon niya ng ibang hitsura para lalo niyang madama ang pagganap bilang si Otep na matagal na nawalay sa kanyang kasintahan na si Andeng (played by Kris Bernal) na unti-unti nang nahuhulog ang loob kay Ivan (played by Dennis Trillo).

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco last November 14 sa taping set ng Hiram Na Alaala sa Paltok, Quezon City, kinuwento nito ang mas matinding hirap ng kanyang pagganap bilang si Otep.

“Marami na kasing pinagdaanan ang character ko kahit na matagal siyang nawala.

“Unti-unting naka-develop siya ng iba’t ibang trauma. Yung isa ay yung tinatawag nilang shell shock or combat stress reaction. ’Tapos meron pang PTSD or Post Traumatic Stress Disorder.

“Kaya lalong nagiging complex ang character ko dahil biglang nagkakaroon ng ’pitik’ sa pag-iisip si Otep.

“Dala nga iyon sa mga nangyari sa kanya physically and psychologically bilang sundalo.

“’Tapos dumagdag pa ang nangyari sa kanila ni Andeng which affected him emotionally naman.

“Kaya mas madalas nang magalit si Otep for no apparent reason. Basta nagagalit na lang siya.

“Kahit sa maliliit na bagay, napapraning siya. Nagiging confrontational siya—konti na lang maghuhuramentado na siya.

“Pero pagdating naman kay Andeng, doon biglang nag-iiba ang mood swings ni Otep.

“Kasi yung pagmamahal niya kay Andeng, yun ang lagi niyang dala-dala.

“Hindi lang niya matanggap na may lalaki na dumating sa buhay ng babaeng mahal niya.

“Marami pang magaganap na mabibigat na eksena at pinaghahandaan ko iyon.

“Si Direk Dominic Zapata pa naman, he wants only the best of what you can give sa character mo.

“Ako naman, kung kayang isagad ang pagiging violent ni Otep ay gagawin natin. Kahit na nagkakasakit tayo, trabaho natin ito bilang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s really physically and mentally draining.

“Kahit gano’n nga, ayoko rin naman kasi na makapagbigay ako ng half-baked performance,” diin pa ni Rocco.

SWITCHING OFF HIS CHARACTER. Inamin ni Rocco na minsan ay nahihirapan siyang kumawala sa character niyang si Otep, lalo na pagkatapos ng isang matinding eksena.

Ayon kay Rocco, “Yes there are times na ang hirap na i-turn off ang character mo.

“Tapos na ang eksena pero ramdam mo pa rin na nandoon si Otep sa katauhan mo.

“Kaya minsan kailangan may kausapin ako para lang ma-divert ang attention ko sa ibang bagay.

“I also think of happy thoughts—mga bagay lang na makakapaglayo sa isipan ko from my character.”

Isa nga sa nagpapakalma sa kanya ay ang girlfriend niyang si Lovi Poe.

Pagkatapos ng isang mahirap na eksena, tatawagan daw niya si Lovi para lang maging kalmado siya.

“Malaking tulong si Lovi. Marinig ko lang ang boses niya, okey na ang lahat.

“She brings me back to reality.

“Minsan concerned siya sa sobrang intense ng trabaho ko.

“She knows how dedicated I am sa Hiram Na Alaala. She supports the show through her social media accounts.

“But she also tells me to take it easy paminsan-minsan.

“Dumaan din kasi si Lovi sa ganyang situation na nahirapan din siyang makawala sa isang character na ginampanan niya sa isang movie.

“Kailangan mapag-aralan ko when to how to turn on and turn off my character.

“Lovi is helping me to do that,” pagpapasalamat niya.

ON GOOD TERMS WITH LOVI’S MOM. And speaking of Lovi, may nababalitang tila hindi raw boto sa kanilang relasyon ang ina ni Lovi na si Rowena Moran.

Pinabulaanan naman ito ni Rocco dahil nagkasama na raw sila ng ina ni Lovi sa isang family affair at maganda ang pakikitungo sa nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May nagsabi nga sa akin tungkol diyan. Parang blind item pa nga.

“Pero sa totoo lang, okey kami ng mommy ni Lovi.

“Ako pa naman, kung ang isang tao ay hindi ako gusto, mabilis kong mararamdaman ‘yon.

“With Lovi’s mom, hindi ko nararamdaman na hindi niya ako gusto.

“She’s very warm and welcoming. Ang bait-bait niya sa akin.

“At lagi kaming nag-uusap. Kung hindi niya ako gusto for Lovi, sana wala nang mga gano’ng gestures, ‘di ba?

“So hindi totoo ang balitang iyon. Isang tsismis lang ‘yon,” sabay tawa ni Rocco.

Hindi naman makakasama si Rocco sa magiging bakasyon ni Lovi kasama ang mother nito sa Japan. Magandang pagkakataon sana iyon na maka-bonding niya nang husto ang mother ng girlfriend niya.

“Next week na kasi ang lipad nila. Hindi ako puwedeng makasama dahil nga sa taping ng Hiram Na Alaala.

“Puro nga big scenes ang kukunan kaya kailangan focus tayo sa trabaho.

“Two weeks lang naman ang vacation nila sa Japan. Gusto kasing magpahinga ni Lovi dahil nagkasunud-sunod ang trabaho din niya.

“Tinapos niya yung Shake, Rattle & Roll XV at yung ginawa namin for Cinema One Original na soap opera.

“Siguro mag-Japan na lang kami next year. Sa Cherry Blossom Festival in April. Kasama na rin ang family ko,” kuwento niya.

HOPING TO MEET SENATOR GRACE POE. Gusto namang makilala ni Rocco nang personal ang kapatid ni Lovi na si Senator Grace Poe.

Sa isang TV interview ni Senator Poe, nabanggit nito na hindi pa niya nakikilala nang personal si Rocco pero nakita na raw niya ito sa TV at mukha naman daw mabait ito.

“It will be an honor for me to personally meet Senator Grace Poe.

“Sabi naman ni Lovi na malapit na raw niya kaming ipakilala sa isa’t isa. Very sweet and very nice naman daw si Senator Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan daw proper timing at special ang occasion for us to meet.

“Sabi ko naman, kahit kelan at saan ay okey sa akin basta ma-meet ko lang si Senator Grace Poe,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN