Julie Anne San Jose denies rumored romance with rapper Abra

Julie Anne San Jose on being romantically linked to rapper Abra: “Wala namang dapat na mangyaring pag-link kasi work po ito. Yung friendship naman namin ni Abra ay para sa trabaho namin.”


Natatawa na lang ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose kapag nakakarinig siya ng mga tsismis na nali-link daw siya sa rapper na si Abra.

Nagkaroon na nga raw sila ng sarili nilang fans on social media matapos nilang mag-perform sa Sunday All Stars kamakailan.

Bagay raw sila dahil pareho silang very talented at kapwa rin sila marunong magsulat ng sarili nilang music.

Pero idiniin naman ni Julie Anne na friends lang daw sila nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 14 sa GMA Network Center.

“I-link kami talaga agad? Friends lang po kami ni Abra,” sabay tawa niya.

“Maganda po kasi yung nagiging collaboration namin lalo na when we perform together.

“Wala namang dapat na mangyaring pag-link kasi work po ito.

“Yung friendship naman namin ni Abra ay para sa trabaho namin.

“We don’t go out. Kapag may trabaho lang, dun lang kami nagkakasama.”

May nai-record na ngang song collaboration sina Julie Anne at Abra na may titulong Dedma at na-perform na nila ito sa Sunday All Stars.

MOVIE. Bukod pa rito ay magkasama rin sila sa Metro Manila Film Festival official entry na Kubot: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Sa Kubot, kasama sila sa mga makakatulong ni Dingdong na labanan ang mga aswang.

“Nakakatuwa naman at sinama nga kami ni Kuya Dong sa movie na ito.

“It will be my first time na magkaroon ng movie sa Metro Manila Film Festival.

“Hindi naman ako masyadong gumagawa ng pelikula. The last movie I did was in 2012 pa, yung One Last Summer.

“Pero hindi ko matanggihan ang movie na ito kasi it’s very different from what I have been doing on TV.

“’Tapos kasama rin si Abra kaya all the more na masaya,” ngiti niya.

NEW LOVETEAM? Ready na ba si Julie na matawag ang team-up nila ni Abra bilang “JuliAbra”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bagong loveteam ba ito?” tawa pa niya ulit.

“That would be nice kasi madalas nga kaming nagkakatrabaho ni Abra.

“Kung may mga fans na ngang nabuo because of our collaboration, why not? Walang masama.

“It’s nice to know na meron pala kaming mga supporters na and malaking tulong iyon for the music that we will be working on in the future.”

MAJOR CONCERT. Isa rin si Abra sa mga special guests ni Julie sa kanyang first big concert sa Mall of Asia Arena na pinamagatang Hologram, na magaganap sa December 13.

Kasama rin dito bilang special guests sina Sam Concepcion, Christian Bautista, at Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Inamin ni Julie Anne na habang papalapit ang kanyang concert ay kinakabahan siya.

“It’s perhaps the biggest concert na gagawin ko, kaya we’re really preparing for it.

“Iniisip ko pa lang yung laki ng venue, kinakabahan na po ako.

“But I am praying that things will turn out well.

“I am doing this for the fans. Sila ang dahilan kung bakit ako na-push na gawin ito.

“They deserve this kind of show from me dahil sa sobrang pagsuporta nila sa career ko mula sa simula pa lang.

“Bale Christmas gift ko sa kanila itong Hologram concert,” diin niya.

NEW IMAGE. Pangako pa ni Julie na puro bago ang makikita sa kanya sa concert na ito.

“It will be a different Julie Anne San Jose.

“Mas mature na po tayo pati na sa choice of songs natin.

“I will be doing specially-arranged duets with my guests.

“Kaya exciting and at the same time, may malakas na kabog sa dibdib natin,” masaya niyang balita.

FOCUS ON SINGING CAREER. Wala pa nga raw na aabangan na teleserye ang mga fans ni Julie dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa kanyang singing career. Ang kanyang bagong album na Deeper ay patuloy na lumalakas ang benta at certified platinum na nga raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasabi ko na nga noon na hindi muna ako magte-teleserye because I would like to focus more on my music at sa school.

“Kung gagawa pa ako ng teleserye, may maisasakripisyo ako either my music or school. Mahirap kasi ipagsabay lahat.

“Like when I did yung Kahit Nasaan Ka Man last year, marami akong hindi nagawa dahil sa naging schedule ng taping.

“Kaya I decided na wala munang teleserye.

“Tutal madalas naman nila akong kunin to sing the theme songs of teleseryes. Tulad ng Kambal Sirena, Strawberry Lane and Ang Dalawang Mrs. Real. Mas okey na yun muna ang gawin natin.

“Kaya I have more time with my school work at sa singing career ko,” dugtong pa ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN