Zanjoe Marudo is in no hurry to get married, but he’s working on proposing to Bea Alonzo

Zanjoe Marudo on relationship with Bea Alonzo: "Kami rin lang ang magkakampi rito, kaming dalawa lang ang dapat mag-usap, kami rin ang dapat na magdesisyon. Nasa aming dalawa yun."


Kahit usung-uso raw ngayon ang marriage proposals sa mga showbiz couples, wala pa naman daw sa hinagap ni Zanjoe Marudo na makipagsabayan sa mga ito.

Maski secret marriage na ginawa ng ilang showbiz sweethearts ay wala rin daw sa isip nilang dalawa ni Bea Alonzo.

Matatandaang naging maugong ang balita tungkol sa mga engagement nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, pati na sina Isabel Oli at John Prats.

Naging laman din ng balita ang sikretong pagpapakasal nina Nadine Samonte at Richard Chua pati na rin sina Jennica Garcia at Alywn Uytingco.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng media si Zanjoe sa grand presscon ng Dream Dad kamakailan ay hindi naman nito ipinagkait na ipapaalam niya sa publiko kung sakaling mangyari ito.

Ang Dream Dad ang pinakabagong Primetime Bida series ng ABS-CBN na mapapanood simula bukas, Lunes, November 17.

Sabi ng Kapamilya actor, "Hindi naman namin isisikreto yun, kung sakaling maramdaman namin at mangyari na kailangan na, ’di ba?

"Hindi naman namin yun ililihim, at ipapaalam din namin."

NOT AFFECTED BY ISSUES. Sa mga pangyayaring ito sa mga showbiz couples, kasabay na rin ng mga intrigang pinupukol sa kanilang relasyon, mapadali kaya ang kanilang desisyon na magpakasal?

Diretsahang tugon niya, "Hindi naman kami apektado sa mga isyung yun, e.

"Kasi nga, kami naman yung magkakilala.

"Hindi nga kami nagpu-pose sa Instagram na magkasama sa mga ano, e.

"Ibig sabihin, hindi kami para patunayan pa sa tao na okey kami, hindi kami nag-aaway."

WEDDING PLANS? Pero muli naming inalam sa kanya kung talaga bang malayung-malayo sa plano niya na yayain nang pakasal ang kanyang kasintahan?

Tugon ng 32-year old model-actor, "Hindi naman siguro yung malayung-malayo, pero hindi pa rin siya sure, hindi pa sure...

"Hindi ko pa napag-iisipan kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero naiisip ko na rin na mag-propose pero, yung paano o yung set up, hindi ko pa alam."

Ngunit sa palagay ba niya, si Bea na talaga ang huling babae sa buhay niya?

Mabilis niyang sabi, "Hindi naman ako nag-iisip na mag-jump pa sa iba.

"Na matatapos pa itong relasyon namin.

"Ang mas iniintindi ko na lang ngayon ay kung paano siya magwu-work, kung saan magiging masaya.

"Hindi na yung parang, ’Ayoko na, ayoko na, maghanap na lang ng iba.’

"Hindi ganun, walang ganun."

Dugtong pa niya, "Sa edad ko ngayon, mas importante sa akin kung paano kami magiging masaya hanggang sa pagtanda namin."

ESSENTIAL INGREDIENT IN RELATIONSHIP. Ano ba ang mga plano niya para mas lalong maging maayos ang kanilang relasyon, sa kabila ng mga batikos na natatanggap nila?

Giit niya, "Hayun, communication talaga.

"Kailangang mag-usap, ’wag magpaapekto.

"Ang pinaka-importante naman talaga dun ay kung mahal niyo ang isa’t isa.

"Kahit anumang isyu o anumang balakid, ano...

"Kami rin lang ang magkakampi rito, kaming dalawa lang ang dapat mag-usap, kami rin ang dapat na magdesisyon.

"Nasa aming dalawa yun."

Pareho ba silang nag-a-adjust para mas maintindihan nila ang kanilang sitwasyon ngayon?

Diin ni Zanjoe, "Parehas, parehas kami.

"Si Bea madalas na nag-a-adjust, ako ganun din.

"Bigayan, give and take talaga."

NEW CHALLENGE IN DREAM DAD. Samantala, ano ba ang naging challenge niya sa role niya rito bilang isang ama, kung ihahalintulad ito sa role niya sa Annaliza na isang ama rin ang papel na ginampanan niya?

Si Jana Agoncillo ang anak niya sa Dream Dad, samantalang si Andrea Brillantes naman sa Annaliza.

Aniya, "Kasi dito, first time kong gumanap na isang executive, lahat po ng naging roles ko ay mahirap ako.

"Natutuwa ako na iba naman ito dun sa mga dati kong nagawa. Kumbaga, may growth yung character ko dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinu-compare ko siya sa buhay ni Zanjoe na sabay silang naggu-grow.

"Natutuwa ako dahil hindi ako pinabayaan ng production kasi, ang dami kong classes na pinuntahan, itinuro sa akin kung paano ba umarte o tumayo ang isang [business] executive."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN