Cristine Reyes denies hiding pregnancy: “Nung first three months ko po na akala ng lahat ay nagtatago ako, critical po yung stage ko.”

Kasalukuyan daw na sumasailalim sina Cristine Reyes (in photo) at ang boyfriend nitong si Ali Khatibi sa isang marriage counseling bilang paghahanda sa kanilang pagpapakasal.


Mag-aanim na buwan na sa darating na Disyembre ang ipinagbubuntis ng aktres na si Cristine Reyes.

Ito ang ipinaalam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang mapagkakatiwalaang source.

May kaugnayan pa rin ito sa pag-amin ni Cristine, 25, ngayong araw, November 16, na siya ay nagdadalantao sa anak nila ni Ali Khatibi.

Ginawa ni Cristine ang pag-amin sa live airing ng Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP 19.

Read: Cristine Reyes reveals: “I’m having a baby.”


PREGNANCY ANNOUNCEMENT. Kaninang hapon, sa live episode ng The Buzz, nagbigay na ng detalye ang Kapamilya star tungkol sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.

Si Boy Abunda, isa sa mga hosts ng show, ang nag-interview kay Cristine.

Bakit nga ba nag-desisyon na siyang aminin sa publiko na siya ay nagdadalantao?

Pahayag nito, “Uhm, kasi right now Tito Boy, andito na ako sa stage na I’m sure na, 100 percent safe ako and our baby.

“I made sure na safe muna kami. Because nung first three months ko po na akala ng lahat ay nagtatago ako, critical po yung stage ko [ng pagbubuntis].”

Gaano ka-critical ang unang tatlong buwan ng kanyang pagdadalantao?

Pagbahagi pa ng actress, “Advice ng doctor kailangang bed rest po ako, ’cause nagkaroon ako ng bleeding, and kailangan kong alagaan ang sarili ko.”

Dahil daw dito, pinili nitong magpahinga. Saad pa niya, “Yes, hindi po ako nagwu-work and all.”

NOT A SURPRISE. Ano ang naging reaction niya noong malaman niyang buntis na siya sa anak nila ni Ali, ang half-Pinoy, half-Persian boyfriend nito?

Sino ang una niyang sinabihan at ano ang naging reaksiyon ng kanyang pamilya?

Tugon nito, “Una kong sinabihan, well kaming dalawa ni Ali ang magkasama, nag-pregnancy test kaming dalawa.”

Anong reaction ni Ali? Aniya, “We’re happy, Tito Boy, kasi it was planned. And it’s not a surprise, actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First test namin, first day, morning yun. Akala namin negative pa so na-sad kami.

“Nung gabi, nag-test ulit kami, positive na. And then after that, ang inuna namin ay yung family namin... Family first.

“They were happy and excited.”

Sinabihan din daw nila ang ilan nilang kaibigan.

Tungkol sa nakaplano niyang pagbubuntis, kuwento niya kay Boy, “Yes, napag-usapan na po namin, Tito Boy.”

Sa ngayon daw, sobra daw siyang inaalagaan ng ina ni Ali.

Aniya, “Yeah, and I’m very happy. Thank you Tita, Tita Marina.”

ARA MINA’S REACTION. Buo naman ang suporta ng kapatid nitong si Ara Mina.

Kasalukuyan ding buntis si Ara sa anak nila ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Sa VTR (video tape recording) interview ng The Buzz kay Ara, sinabi niyang, “Proud na proud ako sa kanya kasi hindi naman lahat umaamin.

“And happy ako, kasi matagal na talaga niyang gusto ‘to. Parang last year pa niya sinasabi sa akin.

"And [I’m] excited for her also, ang saya-saya, maraming babies ngayon, sa family. It is a blessing, yung baby, blessing.”

Mensahe naman niya sa kanyang half-sister, “Alam mo namang mahal na mahal kita, nagkaaway na tayo, nagkabati na tayo, pero andito pa rin ako, andito pa rin ang ate mo.

“Kung saan ka masaya, masaya ako, masaya kami para sa iyo. O, love you! Take care of yourself, huwag kang magpapapaka-stress para hindi ma-stress ang baby.”

FEAR FOR HER CAREER? Madalas sa showbiz, kapag nag-asawa na ang isang artista mahihirapan na itong makabalik, o hindi kaya, ay lalamlam na ang karera nito.

Hindi ba siya natakot para sa kanyang karera? Naisip ba niya ito?

Sagot niya, “Yes, Tito Boy. But, confident naman po ako kahit ano pong mangyari, babalik at babalik po ako.

“Kasi, I know andiyan po ang ABS-CBN family for me, lahat ng Kapamilya natin and hindi rin po ako pababayaan ng Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sa akin kasi, Tito Boy, ano e, I’m happy and contented now sa lahat ng nagawa ko, lahat ng na-achieve ko sa buhay ko and sa career ko.

“So right now, wala naman po akong winu-worry.”

Tinanong din ni Boy kung may sapat na ba siyang ipon. Ang sinagot naman ni Cristine ay meron naman daw siyang sapat na ipon para magsimula ng pamilya.

MARRIAGE COUNSELING. Sa ngayon daw ay sumasailalim sina Cristine at Ali sa isang marriage counseling.

Lahad niya, “In preparation po for the marriage and para meron po kaming heads up kasi hindi lahat kailangang ikakasal na agad.

“Kailangan meron kang knowledge about it.”

Paghahanda raw nila ito sa pagpapakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN