Kristoffer Martin resumes work after eight-month hiatus; earns two nominations at the 28th Star Awards for TV

Kristoffer Martin is paired anew with ex-girlfriend Joyce Ching in their new Kapuso teleserye, Tunay na Ina. Asked about the chances of a reconciliation, he says: “Hindi ko alam, mahirap magsabi. Single pa ba siya? Hahaha! Let’s see. Ayoko kasi magsalita nang tapos, ’tapos at the end iba ang mangyayari.”


Pagkatapos ng walong buwan, muling magkakaroon ng bagong teleserye ang award-winning teen actor na si Kristoffer Martin sa Afternoon Prime soap na pinamagatang Tunay na Ina.

Dito muling makakatambal ni Kristoffer ang dating girlfriend na si Joyce Ching, na siya ring naging ka loveteam niya sa ilang teleserye ng Kapuso Network bago siya nabakante nang matagal na panahon.

Makakasama rin dito ng tambalang KrisJoy sina Mickey Feriols, Tina Paner, Angelika dela Cruz, Krystal Reyes, Ryan Sese, at marami pang iba.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kristoffer kamakailan, bungad niya, “Sobrang saya ko kasi after ilang buwan na wala akong trabaho bukod sa Sunday All Stars, binigyan muli ako ng GMA ng proyekto.

“Akala ko nga next year na ako magkakaroon ng new soap, kaya nga tinatanong namin ng mommy ko yung manager ko kung may naka-line up na ba na new project for me, kasi medyo matagal-tagal na rin akong nakatengga.”

Matatandaang huling napanood si Kristoffer sa Paraiso Ko’y Ikaw kung saan nakatambal nito si Kim Rodriguez.

“Sinasabi naman ng manager at handler ko na may inaayos na project ang GMA for me kaya naman naghihintay lang ako at ito na nga yun, kaya back to work na naman ako.

“Nakaka-miss din pala na almost every day kang nagti-taping, tapos bigla biglang mahihinto ka. Kaya ngayon, feeling ko back to normal na ulit ang cyle ng everyday activities ko kasi magti-taping na ako ulit,” dagdag pa niya.

WORKING WITH HIS EX-GF. Wala bang pressure kay Kristoffer na katrabaho na naman niya ang kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching?

Agad naman niyang sagot, “Wala naman problema sa amin ni Joyce, kasi kahit naman naghiwalay kami, napanatili naming maging magkaibigan.

“’Tsaka may mga projects din naman kaming ginawa sa GMA after ng breakup namin, kaya sa muling pagtatrabaho namin sa soap, okey kaming dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSSIBLE RECONCILIATION? Dahil sa kadalasan at kasanayan nila sa pagtatrabaho, hindi kaya mabuo muli ang dati nilang pagtitinginan bilang magkasintahan?

Natatawa niyang tugon, “Hindi ko alam, mahirap magsabi. Single pa ba siya? Hahaha!

“Let’s see. Ayoko kasi magsalita nang tapos, ’tapos in the end, iba ang mangyayari.

“Basta sa ngayon siguro mas aasikasukin muna namin yung trabaho, ’tsaka na yung tungkol sa lovelife.

“Mas maganda kasi na mag-focus muna kami sa trabaho, lalo na’t kababalik ko lang ulit sa paggawa ng soap.”

TIME MANAGEMENT. Ngayong back to school pala si Kristoffer, hindi ba siya nag-aalala na baka maaapektuhan ang kanyang pag-aaral dahil sa pagbabalik-teleserye niya?

Aniya, “Hindi naman siguro kasi noon pa naman, pinagsasabay ko na yung studies at pag-aartista ko. Siguro nasa pagba-balance lang ’yan ng oras.

“Right now kasi, naayos ko na yung oras ko. Like Monday, Wednesday at Friday ang taping ko ng soap, ’tapos yung pasok ko naman sa school [San Beda College], Tuesday and Thursday.

“Tapos yung Saturday at Sunday ko para sa Sunday All Stars at sa mga shows sa labas.

“’Tsaka alam naman ng GMA na nag-aaral ako, kaya naayos ang sked ko sa school at tapings."

KRISJOY FANS OVERJOYED. Dahil sa pagbabalik-tambalan nila ni Joyce, muling natuwa ang die-hard fans ng kanilang loveteam.

Lahad ni Kristoffer, “Sobrang happy yung mga fans namin kasi matagal na nila sinasabi sa amin na sana daw magsama kami ulit sa soap.

“Kaya siguro ito na yung time na hinihintay nila at natupad na yung wish nila na magkasama ulit kami ni Joyce.

“Simula kasi noong binigyan kami ng iba’t ibang partner, maraming mga fans namin ang talagang nalungkot.

“Pero kahit hindi na kami ang magkapareha noon, lagi pa rin silang nand’yan at sumusuporta sa amin.

“Kaya nga very thankful kami sa kanila kasi 100 percent yung binibigay nilang support sa aming dalawa ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ngayon ngang magkasama kami ulit sa soap ni Joyce, lagpas pa raw sa 100 percent ang suportang ipapakita nila.”

STAR AWARDS DOUBLE NOMINATION. Bukod sa bago niyang project, isa pa sa nakapagpasaya kay Kristoffer kamakailan ay ang kanyang double nomination sa 28th Star Awards for Television na itatanghal sa Solaire Resort and Casino sa November 23.

Nominado si Kristoffer sa mga kategoryang Best Drama Actor (para sa soap na Kahit Nasaan Ka Man) at Best Single Performance by an Actor (para sa “Siga Noon, Beki na Ngayon” episode ng Magpakailanman).

Ano ang pakiramdam niya sa kanyang double nomination?

“Sobrang saya kasi first time ko nagkaroon ng double nomination.

“Sana manalo, pero yung nominasayon pa lang happy na ako, kasi napansin yung trabaho ko.

“Mas nakaka-engganyo magtrabaho nang magtrabaho lalo na’t naa-acknowledge yung effort mo.

“Kaya nagpapasalamat ako sa bumubuo ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa pagbibigay-halaga sa mga naging trabaho ko,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN