Stars of the ’50s, ’60s, and ’70s reunite at "Senior Prom"


Ang Sampaguita Events Place ang venue ng "Senior Prom," ang reunion ng mga artista noong dekada ’50, ’60 at ’70, kagabi, November 16.

Brainchild ni former President turned Manila City Mayor Joseph Estrada ang "Senior Prom," na naisakatuparan dahil sa tulong ni Sampaguita Pictures producer Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda.

Dumalo sa "Senior Prom" ang 50’s stars na sina Mila del Sol, Lilia Dizon, Gloria Romero, Susan Roces, Eddie Gutierrez, Jose Mari Gonzales, Eddie Garcia, Celia Rodriguez, Boots Anson Roa, Pepito Rodriguez, Divina Valencia, Caridad Sanchez, Nova Villa, German Moreno, Gloria Sevilla, Nora Aunor, Gloria Diaz, Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Ai-Ai delas Alas, Wing Duo, Herminio Bautista, Nino Muhlach, Elizabeth Ramsey, Carmen Patena, Carmen Soriano, Edgar Mortiz, Ernie Garcia, Mitch Valdes, Herminio Bautista, Maggie dela Riva, at marami pang iba.

Nagmistulang fan si Ai-Ai na nagpakuha ng litrato na kasama ang mga artista na hinahangaan niya.

Starstruck na starstruck si Ai-Ai dahil nakaharap nito ang mga veteran actor na napapanood lamang niya noon sa mga sinehan.

Highlight ng Senior Prom ang “class picture,” ang pagsasama-sama sa isang entablado ng lahat ng mga imbitadong artista at ang tribute ni Erap sa kanyang pumanaw na matalik na kaibigan na si Fernando Poe Jr.

Pinalakpakan ang interactive duet nina Erap at FPJ sa “Doon Lang,” ang favorite song ng King of Philippine Movies.

Nag-recording at nag-shoot ng music video si Erap at sa tulong ng modern technology, naging posible ang duet nila ng kanyang kaibigan na sampung taon nang namamayapa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN