Heart Evangelista denies dissatisfaction with GMA over coverage of her wedding to Sen. Chiz Escudero

Heart Evangelista on being compared to other stars: "You have to accept that everybody will have their own opinion about whoever they idolize, so I just have to understand and respect that. Parang ganun na lang yun. And then, I think it becomes a normal thing. We are in showbiz, it’s part of the game."


Nilinaw ni Heart Evangelista ang isyung naglabasan sa social media na may sama raw siya ng loob sa GMA Network dahil tila mas nabibigyan ng importansiya ang nalalapit na kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaysa sa kasal nina Heart at Senator Chiz Escudero.

Sa StarTalk noong Sabado, November 15, ay nagbigay ng kanyang pahayag si Heart hinggil sa usapin.

Saad ng Kapuso actress-TV host, “Unang-una sa lahat, gusto ko ring linawin na wala pong tinanong sa akin na ganung kuwestiyon at hinding-hindi po iyon ang isinagot ko.

“Hindi ko po masasagot yun dahil malaki ang utang na loob ko sa GMA.

“Marami silang naitulong sa akin simula nang lumipat ako dito [mula sa ABS-CBN] and they’ve been very good to me.

“Yung sagot ko dun, actually, gusto ko sabihin na puwede nilang panoorin sa YouTube.

“Ang ita-type nila is Heart Evangelista #StarTalk19 [Part1].

“Nandun po lahat ng mga tanong at sagot ko.

“And I also wanna take this opportunity to Greg Pontejos.

“Maraming-maraming salamat dahil ikaw ang nagbigay ng linaw sa lahat ng ito kasi importante sa akin yun.

“People may say a lot of things about you but, at the end of the day, yung katotohanan ang importante.

“At nang dahil sa iyo lumabas yun, so maraming salamat po.”

Si Greg Pontejos ang naglabas ng video ng full interview ni Heart kung saan nanggaling ang isyu.

IGNORE NEGATIVE ISSUES. Pinayuhan naman si Heart ng StarTalk co-host niyang si Lolit Solis na gaya ng sinasabi nito sa mga alaga nito, kapag hindi totoo ang isang usapin ay hindi na dapat pinapansin dahil lumalaki lamang lalo ang isyu, na don’t dignify the issue.

Sabi naman ni Heart, “That’s true, but sometimes kasi, ‘Nay, minsan yung perception is turned to reality.

“So, it’s important din na, you don’t have to say much, but importante na lumabas din kahit papaano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe not you that has to be the one, pero like yung nag-upload ng video sa YouTube, talagang grateful ako sa kanya na nilabas niya yun.”

Sinabihan din ni Lolit si Heart na sa tulad niyang ikakasal na, dapat ay ipakita niya sa lahat na maligaya siya, na hindi dapat pinapansin ang anumang negativity.

“Totoo yun,” ang pagsang-ayon ni Heart. “Yes, kaya sana tama na, maging masaya na tayo kasi ang saya-saya ng buhay nating lahat.”

PART OF THE GAME. Samantala, sa naturang YouTube video, may pagpapatunay nga na may katotohanan ang sinabi ni Heart na walang napag-usapang sama ng loob, na hindi ganoon ang tanong at sagot niya hinggil sa pagkukumpara sa kasal niya at ni Marian.

Sa naturang tanong kung ano ang masasabi niya sa pagkukumpara ng ibang tao sa kanilang respective weddings, ang isinagot ni Heart ay:

“You know, to be honest, in the beginning, what affected me, because parang I’m such a people-pleaser, I want to make people happy, I want to be friends with everyone.

“But there comes a point that you really can’t do so much, you can’t do much.

“And you have to accept that everybody will have their own opinion about whoever they idolize, so I just have to understand and respect that.

“Parang ganun na lang yun.

“And then, I think it becomes a normal thing.

“We are in showbiz, it’s part of the game.”

Ang kasal nina Marian at Dingdong ay gaganapin sa December 30, 2014; habang ang kina Heart at Senator Chiz ay gagawin sa February 15, 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN