Nash Aguas on playing a teenage dad in Bagito: "Talaga pong nangyayari na ’to sa totoong buhay."

Nash Aguas (in photo, with Alexa Ilacad) on getting the lead role in Bagito: “Akala ko sobrang dali lang, pero now na-realize ko na sobrang dami palang responsibilities na ibinibigay.”


Labis-labis ang kasiyahan ng teen actor na si Nash Aguas dahil sa unang pagkakataon ay magiging bida na siya sa isang teleserye.

Ang title role ang gagampanan ng dating child star sa bagong ABS-CBN teleserye, ang Bagito, na magsisimula ngayong gabi, November 17.

“Sa tagal ko na pong artista sa ABS-CBN, ngayon ko lang po naranasan maging bida, ang tagal ko pong hinintay at sobrang kaba ko po,” sabi ng 16-year-old actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa press conference ng show kahapon, November 16.

Dagdag pa niya, “Bata pa lang po ako, gusto ko na ’yon.

“Akala ko sobrang dali lang, pero now na-realize ko na sobrang dami palang responsibilities na ibinibigay.

“Sobrang pressured po ako, pero natutuwa naman po ako na nagustuhan ninyo.”

TEENAGE DAD. Isang 13-year-old dad ang magiging role ni Nash sa Bagito. Hindi ba siya nag-alangan na tanggapin ang proyekto?

Sagot niya, “Noong una po, nagulat po ako kasi 13, ’di ba?

"Pero noong in-explain po nila sa akin, mayroon po silang ipinakita sa akin na 13 years old nagkaanak.

“Parang sa akin, 16 na naman ako, talaga pong nangyayari na ’to sa totoong buhay.

“Alangan naman pong tanggihan ko, marami po kaming matutulungan kapag ginawa namin itong teleserye dahil marami pong magiging aware sa problem.”

Sa tingin ng LUV U star, maganda ang mensahe ng Bagito na maipararating nila sa fans ng loveteam nila ni Alexa Ilacad, na karamihan ay mga teenager.

Sabi ni Nash, “Noong una po, kinabahan po kami dahil sensitibo yung teleserye.

“Pero noong pinalabas yung trailer, nakita po namin yung mga tweets ng mga fans namin, ng mga taong sumusuporta.

“Hindi na po sila yung tao noon sinaunang panahon. Parang ngayon, mas open-minded na po sila.

“Alam naman po nila na ginawa itong teleserye para maging aware ang mga tao, hindi para i-encourage ang mga tao na gawin ’yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiwala rin daw si Nash na may kaukulang research ang production team para sa sensitibong tema ng kanilang teleserye.

“Mayroon po silang research na ginawa talaga na nangyayari na ito sa totoong buhay. Hindi po malayong maka-relate sila sa totoong buhay,” paniniguro ni Nash.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN