Ariel Rivera admits being strict to his teenaged sons

Despite the wish of his wife Gelli de Belen for him to sing again, Ariel Rivera is just not up to it, "Pana-panahon ’yan, wala akong hilig ngayon... Marami akong ginagawa, and music right now is taking a backseat."


Si Ariel Rivera ay gumaganap bilang isang madrasto kay Nash Aguas sa ABS-CBN teleserye na Bagito, na magsisimula ngayong gabi, November 17.

Ang pinakahuling offering na ito ng Dreamscape at ABS-CBN ang siyang pumalit sa timeslot na binakante ng Pure Love, na nagwakas noong Biyernes, November 14.

Ang Bagito ay tumatalakay sa maraming isyu sa buhay ng isang nagbibinata ’tulad ng puppy love, teen pregnancy, peer pressure, at ang relasyon niya sa kanyang ina at pangalawang ama.

Dahil may dalawang "bagito" na sila ni Gelli de Bellen—sina Joaquin, 15, at Julio, 14—inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ariel kung kabado ba siya bilang ama sa teen issues na ganito.

Pahayag ng singer-actor, "No, that’s not my greatest fear. I don’t worry about that.

"I work on it and I feel that I raised them well from the very beginning.

"So, umaasa ako na lalaki silang matitino.

"Ang fear ko ay yung lumaki sila na hindi good persons, yun ang sa akin.

"We can handle those problems.

"Pero when they become as not good persons, that’s the problem that we have to fix, that’s it."

Nakausap ng PEP si Ariel sa grand presscon ng Bagito sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS CBN kahapon, November 16.

BEING STRICT. Sa panahon ngayong mas accessible ang mga paraan para mas mapaaga ang kaalaman ng kabataan tungkol sa sex, dagdag pa ang alcohol at hindi magandang impluwensiya ng mga kabarkada, istrikto ba siya sa kanyang mga bagitong anak?

Sagot ni Ariel, "Kanya-kanya ’yan, e.

"Ako naman, ever since na nung wala pa akong mga anak, sa mga pamangkin ko pa lang, disciplinarian na ako.

"So, yeah, lalo na siguro kapag mga anak ako ngayon na kasing-edad nila, mas kailangan nila ngayon ng guidance, mas tututukan mo."

Kung sakaling makabuntis nang maaga ang isa sa dalawang anak nila, paano niya ito tatanggapin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 48-year-old singer-actor, "Ano’ng magagawa ko, ’di ba?

"Magulang ka, e, and that becomes your territory, that becomes your responsibility.

"Tutulungan mo siya, guide him more to become, hopefully, a better father than me."

Napag-uusapan na ba nila ng mga anak niya ang tungkol dito?

Sagot ni Ariel, "Hindi pa, pero I’m sure alam na nila ’yan.

"Siyempre sila, may mga kaibigan na ang mga ’yan, pinag-uusapan na nila ’yan.

"I’m sure, they are are aware of it."

Ano naman sa palagay niya ang pananaw ni Gelli tungkol dito?

Napapangiting reaksiyon niya, "Naku, ’pag yun, mas malaki ang reaksiyon nun.

"Kasi ako, mas kalmado ako. Siya, ’Ay naku!’ ganun yun.

"I’m sure, maghi-hysterical yun kapag nalagay kami sa ganung posisyon."

Sa puntong ito, inalam namin sa kanya kung papayagan nila ni Gelli na pumasok sa showbiz sina Joaquin at Julio.

Aniya, "Wala silang interes, wala silang hilig talaga.

"Hindi naman namin ini-encourage, pero kung sakali, hindi namin idi-discourage.

"Basta, gusto namin na gawin nila ang gusto nilang gawin."

STILL TOGETHER. Maraming showbiz couples ang naghihiwalay, pero sina Ariel at Gelli, mula nang ikasal sila noong 1997, ay napapanatili pa nila na buo ang kanilang pamilya.

Paano napapanatili ni Ariel at Gelli ang kanilang magandang pagsasama?

Saad ng singer-actor, "I guess, it’s mutual respect for each other.

"At saka communication, yun lang.

"Kahit matagal na kayong mag-asawa, iba pa rin kayo sa isa’t isa.

"So, kailangang tingnan mo kung saan siya nanggagaling and at the same time, respetuhin mo yun."

Pagkatapos nito ay nabanggit namin sa kanya ang tungkol sa nasabi ni Gelli sa isang panayam namin na gusto na raw nitong marinig muli ang boses ng asawa sa isang album o sa isang musical-variety show.

Pero mukhang nag-iba na ng priority si Ariel sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkontra ng dating top recording artist, "Hindi naman.

"Siguro, pana-panahon ’yan... wala akong hilig ngayon.

"Music is always there, I love music.

"Ang hirap ding pagsabayin sa iba pang trabaho.

"Marami akong ginagawa ngayon, and music right now is taking a backseat.

"There are times na gusto kong kumanta, there are times na ayaw ko, depende."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN