Ella Cruz uneasy about erotic scene with Nash Aguas in Bagito

Her portrayal of a sexually adventurous teenager in Bagito has piqued the interest of Ella Cruz for more sassy roles. She says, "Siyempre nasimulan na po... I can still play tweetum and wholesome roles po. Pero mas gusto ko po talaga yung challenging, yung talagang matsa-challenge ako."


Matindi ang pagtutol at ayaw isipin ng Kapamilya teen star na si Ella Cruz ang posibilidad na mangyayari sa kanya sa totoong buhay ang nangyari sa character niya sa Bagito na mabubuntis at magiging young mom.

Ang Bagito ang bagong primetime teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na pinagbibidahan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Sabi ni Ella, “Dyusko, huwag naman po sana! Ang dami ko pa pong pangarap.

"Ayoko talagang mangyari iyon. Hindi ko po hahayaang mangyari kasi marami pa po akong pangarap sa buhay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ella sa special celebrity screening at presscon ng Bagito, na ginanap kahapon, Nobyembre 16, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.



UNEASY. Ginagampanan ni Ella sa Bagito ang role ni Vanessa, na magugustuhan at liligawan ni Andrew played by Nash.

Pero sa isang pagkakataong nalasing si Vanessa ay mangyayari ang hindi dapat mangyari sa kanila ni Andrew na maghahatid ng problema sa kanilang dalawa.

Dito nga naganap ang suggestive love scene na wala namang ipinakitang hubaran, at naitawid nang maayos ng dalawang Kapamilya young stars ang eksena.

Pero hindi mapakali si Ella sa kanyang upuan nang ipalabas na ang eksena sa celebrity screening. Lalo siyang nag-react nang ilang beses itong naulit ipakita bilang flashback scene.

Paliwanag niya, “Kasi po habang pinapanood ko kanina kinakabahan akong sobra.

"Siyempre first time kong ginawa yun, nagpa-flashback-flashback pa.

"Sabi ko, hindi ko kaya, hindi ko ma-take. Parang nasa-shock pa po ako hanggang ngayon.

"Hindi ako makapaniwala na nagawa ko na yung ganung scene, parang shock pa rin ako."

PUBLIC SCRUTINY. Ito raw ang pinaka-mature at pinaka-challenging role na tinanggap ng 18-year-old actress so far.

Hindi ba siya nag-alala sa magiging reaction ng mga manonood na tumanggap siya ng ganitong role, lalo na’t lumaki siya sa mga mata nila bilang child star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Nag-alala rin po kasi after nung explanation sa akin ng character ni Vanessa, yung mga gagawin niya, na-realize ko rin po na, ‘A, for sure, may masasabi’t masasabi ang mga tao rito.’

"Pero as long as nagagawa ko yung character, yung drama…

"Kaya ko siya kinuha mismo dahil sa character niya, sobrang challenging po. Binalewala ko lahat.

"Kailangan lang po talagang maging professional.”

Nagdalawang-isip ba siyang gawin ang eksena?

“Hindi po kasi darating at darating din naman sa punto na gagawin ko rin yung ganung eksena na yun.

"Medyo sabihin natin na napaaga lang, pero maganda naman kasi yung show talaga.

"Yun ang talagang inisip ko na ang ganda ng character ni Vanessa para i-let go ko siya.”

APPREHENSIVE. Mas kabado raw ang co-star niyang si Nash para kay Ella noong gawin nila ang eksena.

“Totoo, kasi parang umaga pa lang nung nalaman namin na kukunan yung eksena na iyon, kinakabahan na siya.

"That time, puro ako yung kinukunan and medyo konti lang siya. So ako, medyo nakakalimutan ko.

"Siya, umaga pa lang hindi na niya ako pinapansin, sorang kabado na siya.

"Sabi ko, ako lang ito, parang hindi naman tayo magkakilala simula noong bata pa tayo."

Nag-usap naman daw sila bago gawin ang eksena.

"Sabi ko, ’Tulungan naman tayo.’

"Ganun naman talaga kami sa lahat ng eksena, tulungan talaga kami.

"Pero nung time na kukunan na, ‘Oh, my God! Eto na! Direk, tulungan mo ako!’

"Pero si Nash, sobrang tahimik lang.”

MORE DARING ROLES? Hindi rin daw isyu kay Ella na main support siya ng loveteam nina Nash at Alexa kahit na nga naging bida na siya noon at title role pa sa Aryana.

“E, kasi siyempre silang dalawa po yung ini-launch dito.

"Pero ako, ang masasabi ko lang po, hindi naman so-so lang yung role ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una po, medyo inisip ko na, ‘Ay, hindi ako yung bida.’

"Pero siyempre, kahit papaano, magkakaroon ng time na hindi ikaw yung bida. Medyo second bida ka lang.

"Pero this time, hindi ko naman inisip na medyo so-so lang si Vanessa.

"Hindi rin sukatan ng pagiging aktres kung malaki o maliit ang role.

"Ang inisip ko lang just do your job, yung pangarap mo, and do your best para umangat yung character mo."

Dahil nasimulan na ang pagtanggap niya ng mature at daring role, handa na ba siya kung masusundan pa ito ng parehong offers o mas daring pa?

Sagot ni Ella, “E, siyempre nasimulan na po, ayoko naman na sabihin nila nag-iinarte ako.

"Siyempre po I can still play tweetum and wholesome roles po.

"Pero mas gusto ko po talaga yung challenging, yung talagang matsa-challenge ako.”

Paano kung biglang may offer na mag-pose siya sa isang sexy magazine?

“Sexy mag? Grabe naman! Ayoko po muna ng ganun.

"Sa ngayon yung mga ganyang pa-sweet na sexy muna!" sabay tawa ni Ella.



ELLA-NLEX TRIANGLE. Sa istorya ng Bagito, magiging ka-love triangle si Ella nina Nash at Alexa (NLex). Hindi ba siya natatakot na baka magalit ang fans ng NLex (Nash-Alexa) loveteam?

Aniya, “Actually, naisip ko po iyon.

"Pero mas naisip ko yung role na gagampanan ko kasi nga very challenging and very iba sa mga previous na ginawa ko po.

"And kasama naman talaga sa buhay natin na meron talagang mangba-bash at mangba-bash kahit walang loveteam.

"Kahit wala kang ginagawa, kasama talaga iyan sa buhay.

"So, just accept the fact na mangyayari po talaga iyon.

"For sure naman, in the end, mamahalin din nila si Vanessa."

Magsisimulang umere ang Bagito ngayong gabi, Nobyembre 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN