Matteo Guidicelli handles with care any talk about Sarah Geronimo’s Mommy Divine

Matteo Guidicelli reveals that he and Sarah Geronimo manage somehow to have their private moments.


Ang darating na Kapaskuhan ang kauna-unahang Pasko nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo bilang magkasintahan.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Matteo sa Sunpiology Run 2014, na ginanap sa Bonifacio Global City, noong Sabado, November 15, kung may Christmas plan na ba sila ni Sarah at may naisip na ba siyang iregalo para sa girlfriend?

Saad niya, “Nasa Cebu kami ng pamilya ko at yung parade namin sa MMFF [Metro Manila Film Festival].

"Okay naman kami, ayos, masaya.

"Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Wala pang plano.

"Kaka-career-in ko yung gift? Siyempre, pero wala pa, research-research pa, ’di ko pa alam."

Naikuwento ni Matteo na matagal nang nakilala ng mga magulang niya si Sarah at sa lahat nga ng naging girlfriends na naipakilala niya sa kanila, botong-boto ang mga ito sa Pop Princess.

“They know each other na.

"Masaya naman, okay naman lahat, siyempre boto naman.

"Mabait na tao siya, she’s a very nice person.

"My parents know best what’s good for me, ’di ba? Okay naman lahat, masaya.

“’Di ko alam kung bakit sa kanya boto, tatanungin ko sina Mama at Papa mamaya."

Ayon din sa aktor ay ilang beses nang nagkita ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni Sarah.

“They bumped into each other a few times.”

Kumusta naman si Sarah noong ipakilala niya ito sa kanyang mga magulang?

Ayon kay Matteo, “Okay naman, she’s confident naman, she’s a confident woman.

"So, naging maayos naman ang lahat."

Tungkol naman sa pakikitungo ni Matteo sa mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin Geronimo, matimbang ang pahayag ng binata.

May lumabas kasing balita na naglabas daw ito ng hinaing tungkol sa paghihigpit ni Mommy Divine sa kanilang relasyon.

Saad ni Matteo, “Okay naman lahat.

"I don’t wanna say too much about my relationship dahil siyempre may mga bagay na gusto kong i-private pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One day, malalaman ninyo.

“Parang wala... ’wag na nating pag-usapan yun.

"Wala na yun, basta, better to say nothing, ’di ba?"

Ikinuwento rin ni Matteo na nakakalabas pa rin sila ni Sarah na sila lamang.

Para nga sa aktor, kapag mahal mo ang isang tao ay lagi kang makakahanap ng paraan para mapanatiling matatag at matibay ang isang relasyon.

“Siyempre naman, siyempre girlfriend ko ’yan, solo ko ’yan, ’di ba?

“There are ways naman.

"If you love something or somebody, you will do everything it takes to protect and take good care of it."

Huling napanood si Matteo sa seryeng Galema at sa ngayon ay naka-focus si Matteo sa paggawa ng mga pelikula.

“Wala akong soap ngayon, nagsu-showing pa lang yung Moron 5.2 The Transformation.

"Sa December 25 naman yung Shake, Rattle & Roll 15 para sa MMFF."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN