Edu Manzano lambasts suspended OMB Chairman Ronnie Ricketts anew

Muling nagsalita si Edu Manzano tungkol sa unfinished business nila ni Ronnie Ricketts dahil sa awa raw niya sa mga inosenteng tao na nadawit sa mga kaso na isinampa ng Ombudsman laban sa aktor na humalili sa kanyang puwesto bilang OMB chairman.


“Don’t keep on talking about me. Talk about what you will do for the people na naipit dahil sa kagagawan mo.”

Ito ang mensahe na nais iparating ni Edu Manzano para kay suspended Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, November 14, sa A Taste of L.A. restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Matapos makatanggap noon ng mga death threat, muling nagsalita si Edu tungkol sa unfinished business nila ni Ronnie dahil sa awa raw niya sa mga inosenteng tao na nadawit sa mga kaso na isinampa ng Ombudsman laban sa aktor na humalili sa kanyang puwesto bilang chairman ng OMB.

Saad ni Edu, “Very clear yung investigation of the Office of the Ombudsman.

“Sinasabi niya, ‘A, wala, neglect of duty lang ‘yan at administrative.’

“Hindi, may criminal pa for graft and corruption.

“So, ayaw niyang ipaalam sa tao ‘yon. Bakit sa akin sinisisi?

“Kaya ako nadamay because wala siyang ibang maituro.

“The people in the office, apparently, hindi siya gusto.

“Yung sinabing makukumpiska, ‘tapos nawawala yung mga items, hindi na-inventory, siyempre isusumbong sa akin.

“Pero sinasabi ko sa kanila, ‘Kung meron kayong reklamo, kayo ang magreklamo.’

“Wala akong personality para ma-influence yung Ombudsman.

“The point is, puro internal, wala akong kinalaman.

“So, in other words, inamin na ni Glenn Perez na siya [Ronnie] ang nag-utos na ilabas yung items. Bakit hindi nagalit si Ronnie Ricketts?

“Why are you getting mad at me? Magalit ka kay Glenn Perez because idinamay niya ang pangalan mo.”

Si Glenn Perez ang computer operator ng OMB na kasama ni Ronnie na nasuspinde at sinampahan ng graft charges ng Ombudsman.

Patuloy pa ng actor-TV host, “Sinasabi niya na ako ang nag-uudyok.

“Tapos na ako, hindi ko na puwedeng kunin yung posisyon.

“Kung hindi naman siya guilty, bakit siya matatakot?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanilbihan bilang OMB chairman si Edu mula 2004 hanggang 2009.



HOLDOVER. Muling iginiit ni Edu na expired na ang appointment ni Ronnie bilang OMB chairman.

“In other words, holdover na lang siya.

“Kinasuhan siya ng Ombudsman. He was suspended.

“Lumabas ngayon yung next memorandum mula kay [Executive Secretary] Paquito Ochoa, ‘You’re suspended from the service six months without pay.’

“Walang OMB ngayon.

“Hopefully, the President would appoint someone soon, pero hindi naman kailangan na artista.

“Lawyer, puwede. Ang daming abugado sa OMB.”

RONNIE HAS TO EXPLAIN. Dagdag pa ni Edu tungkol kay Ronnie, “He has to explain.

“Tatlong milyon ang halaga ng nawala.

“Sa report ng dzMM, tatlong milyong halaga ng pirated DVDs nasamsam sa raid ng OMB.

“Tatlong Chinese national arestado, pero sa report, pinakawalan. Hindi sila kinasuhan.

“Yun ang importers ng pirated DVDs.

“Saan sila nagpunta? Bakit nawala sila? Nagkaroon ba ng usapan kaya pinakawalan yung mga Chinese?

“Hindi niya puwedeng sabihin na dumating siya, na siya ang nag-lead ng raid, kasi hindi totoo ‘yon.

“Meron akong DVD na ipinakikita, nung tapos na ang lahat, saka lang siya dumating.

“I have the DVD. I am willing to share.”

Saad pa niya, “Lahat ng mga kinasuhan diyan, they have been with the agency for many years.

“All their retirement, benefits, ‘tapos ikukulong pa kasi it’s criminal and administrative [case].

“Ngayon, mawawalan sila ng trabaho.

“Yung ibang 15-20 years na sa serbisyo, lahat sila matatanggalan ng benefits. They will forfeit their retirement pay.

“Ang point ko, kawawa yung maliliit na tao."

Pahayag pa ni Edu, “Sa dami ng problema ngayon, walang nagsasabi na there is a vacuum sa OMB.

“Wala naman ginawa si Ronnie.

“Ang ginawa ni Erap [Manila City Mayor Joseph Estrada], tinanggal lahat ng DVD sa kalsada at sa mga sidewalk.

“Ang ginawa nila, pumasok sa mga building.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinalimutan ni Ronnie yung mga tao. Tinalikuran niya.

“Ginamit ni Ronnie ang OMB.

“Gusto niyang gumawa ng batas. May campaign siya na ‘stop buying pirated DVDs.’

“Ang ginawa niya, basketball. Kumuha siya ng mga tao, pati artista, mga stuntmen.

“He paid each 10,000 per game. Ten thousand pesos.

“It’s for their own cause. Mga artista ang nagsabi sa akin.”



POSSIBLE ENCOUNTER. Sa kabila ng mabibigat na akusasyon niya laban kay Ronnie, nagawa pa ni Edu na magbiro sa kanyang sagot nang tanungin tungkol sa possible chance encounter nila sa bakuran ng ABS-CBN dahil mga Kapamilya actor na sila.

Cast member si Ronnie ng Dream Dad, at malapit nang mapanood si Edu sa upcoming teleserye na Bridges.

Sabi ni Edu, “E, di saktan niya ako.

“Senior citizen na ako, ‘di ba? Makakasuhan ko pa siya.

“E, baka bugbugin siya ni Luis!” pagtukoy pa niya sa anak na si Luis Manzano.

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ni Ronnie Ricketts kaugnay ng mga pahayag ni Edu Manzano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN