Jed Madela refutes calling ASAP 19 co-performers, Cagayan de Oro residents ‘bunch of monkeys’

Jed Madela on his "bunch of monkeys" Facebook post: “That was purely misunderstood. But I admit that what I posted then was really harsh, was really bad, and I apologized for it already. And, you know, I was not thinking straight, I was tired, I was upset. I also learned my lesson.”


Pinabulaanan ng singer na si Jed Madela na ang mga taga-Cagayan de Oro at co-performers niya sa ASAP 19 ang kanyang pinatutungkulan sa kanyang Facebook post na nagbanggit ng tungkol sa "bunch of monkeys."

Na-misinterpret lang daw ang kanyang sinabi sa kanyang Facebook status.

Ito ang maintrigang Facebook post ng singer na si Jed Madela noong Linggo ng umaga, November 9.

Isang kaibigan naman ni Jed ang nag-comment ng ganito: “Oh no..uminit na naman ulo mo Jed Madela.hahaha.ignore those monkeys na lang.”

Sinagot naman ito ng singer na: “Charie Vega Nakakawalang gana nga eh... Haaaayyy ganun ang ‘welcome back’ na walang kwenta. Hahahahaha tawa na lang at gaguhan. Hahahaha.”

Ang naging konklusyon marahil ng ilang nakabasa nito ay mga kasamahan ni Jed sa ASAP 19 ang kanyang pinariringgan.

Galing kasi si Jed ng Cagayan de Oro noong umagang yun.

Guests sina Jed at Juan Karlos Labajo ng The Voice Kids sa concert ni Lani Misalucha last November 8, Sabado.

“NA-MISINTERPRET PO ‘YUNG POST KO…” Sa kolum ng entertainment writer na si Reggee Bonoan sa Balita noong November 11, ikinuwento ng manunulat ang balitang nakarating sa kanya kung saan isang impormante nito ang nagsabing: “Jed Madela walang utang na loob sa ASAP.”

Ayon pa sa balita, mukhang hindi naman daw taga-ASAP ang pinatutungkulan ni Jed sa “bunch of monkeys” post nito, na sinagot naman ng impormanteng, “Ipinost ito ni Jed habang nasa ASAP studio na siya.”

Dagdag pa sa ulat, sa rehearsal daw ng show noong November 10, “Hinihingi ni Jed yung lines ni Yeng [Constantino] na biglang um-absent kasi maysakit, so silang tatlo nila Erik Santos at Angeline Quinto na lang ang natira sa production number nila.

“Hindi pumayag ang taga-ASAP since yun lang daw ang prod ni Angeline, samantalang sina Erik at Jed ay may second prod pa na after Yolanda song. After that, lumabas na yung post niyang, ‘dealing with monkeys again.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito, nagpaliwanag si Jed kay Reggee.

Ayon sa singer, “Na-misinterpret po yung post ko.

“I was referring po sa staff ng Cagayan de Oro Airport kasi we’re on our way to Manila at lahat nagmamadali, hindi maayos ang check-in nila, sobrang higpit na hindi mo maintindihan.

“Nataon po kasi na nai-post ko ‘yan, nasa studio na ako.”

Tungkol naman sa hinihingi niyang linya ni Yeng na hindi ibinigay, sabi ni Jed, “’Di po totoo ‘yun, sila [ASAP production staff] po nagdi-divide ng mga lines ng songs namin and we work around it.”

Bago pa nito, November 10, Lunes, nag-post si Jed sa kanyang Facebook din kung saan sinabi niya na ang tungkol sa “hassle” na naranasan niya sa airport ng Cagayan de Oro.

Aniya, “Made it through the weekend! Flew to Cagayan de Oro last Saturday... flew back to Manila Sunday... did ASAP... then did a show in Enchanted Kingdom. Aside from the hassle caused in the airport, everything went very well! Thank you Lord!”

PERSONA NON GRATA? Dahil sa pag-amin ni Jed na hindi taga-ASAP ang kanyang pinariringgan, kundi ang serbisyo ng airport personnel ng Cagayan de Oro, may concerned citizens daw na nagalit sa singer.

May mga nagsabi pa raw na ilalapit nila ito sa kanilang mayor upang maideklarang persona non grata sa kanilang lungsod si Jed.

Kagabi, November 17, sa Aquino and Abunda Tonight ng ABS-CBN, nagbigay ng pahayag si Jed tungkol sa lumalaking issue.

Sabi niya, “That was purely misunderstood. But I admit that what I posted then was really harsh, was really bad, and I apologized for it already.

“And, you know, I was not thinking straight, I was tired, I was upset. I also learned my lesson.”

Tungkol naman sa diumano’y nakaambang pagdeklara sa kanya na persona non grata ng mga taga-Cagayan de Oro, pinabulaanan ni Jed ang balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Naku, another issue na walang katotohanan.

"Kasi, oo, nanggaling akong Cagayan de Oro for the Lani Misalucha concert, sobrang enjoy ako sa crowd dun.

“This is a product of some angry person who can make up something like that, which is nakakapikon, nakakairita.

“Wala, I have nothing against the people of Cagayan de Oro which is sobrang-sobrang warm, welcoming.

“With the issue of ‘monkeys’ na pinost ko, it’s not about them, it was some other person, pero it was not about the people of Cagayan de Oro.

“Let us practice responsible journalism naman sana.”

Ayon naman sa isa sa mga host ng show na si Kris Aquino, sinabi raw ng Office of the City Mayor ng Cagayan de Oro na walang ganung usapin tungkol sa pagpapadeklara sa singer na persona non grata sa kanilang lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN