PEP EXCLUSIVE. Vicki Belo on wedding talks with Hayden Kho: “Pinag-uusapan namin. Wala pa naman concrete plans.”

After their failed engagement in 2010, elusive couple Hayden Kho and Dr. Vicki Belo are once again considering the possibility of getting married.


“Pinag-uusapan namin.”

Ito ang pagkumpirma ni Vicki Belo nang tanungin tungkol sa pahayag ni Hayden Kho na plano niyang pakasalan ang celebrity doctor.

Magkasamang dumating sina Vicki at Hayden sa baptismal party ni Baby Aria, anak nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico.

Ginanap ito sa Marco Polo Hotel, Pasig City, noong Linggo ng hapon, November 16.

Dito ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Vicki, 58, at Hayden, 34.

LOW-KEY ROMANCE? Unang sinubukan ng PEP na kausapin si Hayden, ngunit agad itong tumangging pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Vicki.

“No, the answer is no. Alam ko na ang itatanong mo. Sorry, next time na lang,” maayos na pakiusap ni Hayden sa amin.

Hangga’t maaari ay nais daw kasing panatilihing pribado ni Hayden ang kung anumang ugnayan nila ni Vicki ngayon.

Read: Hayden Kho elusive on real score with Vicki Belo: "That’s a private matter."

Ngunit sa October 11 episode ng The Bottomline, matatandaang nadulas si Hayden nang tanungin ni Boy Abunda kung pakakasalan ba niya si Vicki.

Sagot ni Hayden, “Yeah! Nahuli mo ako dun, ah!”

VICKI CONFIRMS WEDDING TALKS. Sa hiwalay na pakikipag-usap ng PEP kay Vicki, ina-acknowledge nito ang pagnanais ni Hayden na sila ay makasal.

“Thank you, Hayden!” nakangiting pahayag ni Vicki, na halatang labis ang pagkatuwa sa intensiyon ni Hayden na pasukin nila ang isang lifetime commitment.

Ito ay sa kabila ng pagiging mailap nila sa publiko tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

So, napag-uusapan nila ni Hayden ang kasal?

“Yeah, we’re just talking about it. Wala pa naman concrete plans. Thank you,” sagot ni Vicki.

Tanong ulit ng PEP, opisyal na ba silang nagbalikan ni Hayden?

“No comment na,” paiwas na sagot ni Vicki, na noong mga sandaling iyon ay paalis na ng ballroom sa 7thfloor ng Marco Polo Hotel, kung saan ginanap ang baptismal party ni Baby Aria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol na hirit naman ni Hayden bago sila tuluyang sumakay ni Vicki ng elevator: "Nakakuha ka, ha!"

Ang tinutukoy ni Hayden ay ang hindi inaasahang pag-amin ni Vicki na napag-uusapan na nila ang kasal sa puntong ito ng kanilang relasyon.

Sa loob ng siyam na taon ay makailang-beses na kasing on and off ang relationship nina Hayden at Vicki.

December 2010 nang ma-engaged sina Hayden at Vicki habang nagbabakasyon sila noon sa U.S.

Read: Dr. Vicki Belo and Hayden Kho Jr. are now engaged

Ngunit naudlot ito dahil sa kung anumang tampuhan at pag-aalinlangan nila tungkol sa kanilang samahan.

Read: Vicki Belo finally puts closure on relationship with Hayden Kho: "There’s no future in our relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN