Carlo Aquino not pressuring himself to settle down

Carlo Aquino admits that he used to have a crush on Jolina Magdangal. He says, “Crush lang naman. Ano ba naman yun, ‘di ba? Ang ganda niya kasing tingnan sa screen, sobrang lakas ng humor niya.”


Parehong may “Liza” sa titulo ang magkasunod na teleserye ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino—ang Anna Liza at ang malapit nang ipalabas na FlordeLiza.

Kaya natatawang biro ni Carlo, “Lahat na ng Liza, gagawin ko na, kahit ano pa!”

Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa Anna Liza noon, may pressure ba sa bagong seryeng kinabibilangan niya?

Sagot ng 29-year-old actor, “Siyempre may pressure, kahit saan may pressure.

“Pressure is good. Kasama talaga ‘yan sa trabaho mo.

“Napi-pressure ka, nai-stress ka, pero ini-enjoy ko.

“Kasama ko nga sina Jolina [Magdangal] at Marvin [Agustin].”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo sa grand launch ng FlordeLiza noong November 12.



CRUSH ON JOLINA. Nagulat naman ang marami nang aminin ni Carlo na crush niya noon si Jolina Magdangal.

Natatawang sabi ng dating child actor, “Alam niya yun, alam niya!

“Crush lang naman. Ano ba naman yun, ‘di ba?

“Ang ganda niya kasing tingnan sa screen, sobrang lakas ng humor niya.”

Ano ang reaksiyon niya nang malamang magkakasama sila ni Jolina sa FlordeLiza?

Sagot ni Carlo, “Hindi nga ako makapaniwala kasi nagpa-book ako ng vacation sa States.

“Matutuloy, pero umikli na dahil dito sa project.

“E, siyempre, hindi ko naman puwedeng hindian dahil kasama ko si Direk Wenn [Deramas].

“’Tapos, first time kong makakasama si Jolina.”

Throwback ang dating ng pagbabalik-tambalan nina Marvin at Jolina.

Kaya tinanong si Carlo kung game din ba siya kung sakaling pagtambalin sila ng dati niyang kasintahang si Angelica Panganiban.

“Oo, oo naman,” nakangiti niyang sagot.

“Sobrang magkaibigan kami ni Angel. Nakapag-MMK na kami.

“Sana… sana… hopefully next year, kung mabibigyan ng chance, gagawin ko talaga.”

Kung sakali, anong genre ang gusto niyang gawin nilang proyekto ni Angelica?

“Dramedy. Kasi, usually, kapag magkasama kami, kapag nag-MMK, drama-drama. Mas maganda kung mas light, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GRATEFUL TO ABS-CBN. Pagdating naman sa kanyang acting career, okey raw si Carlo ngayon.

Nabakante man daw siya ng ilang buwan, madalas naman siyang nagge-guest sa Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.

Sabi pa ni Carlo, “Sobrang grateful nga ako sa ABS kasi tinanggap nila ako ulit.

“Meron akong contract sa kanila, two years.”

Noong 2006 ay lumipat si Carlo sa GMA Network at gumawa rin ng ilang proyekto sa TV5. Pero bumalik siya sa bakuran ng ABS-CBN noong 2012.

Ang kasabayan ni Carlo na si John Prats ay balitang lilipat naman daw sa GMA. Ano ang reaksiyon niya rito?

Ayon kay Carlo, “Well, kung lilipat siya at sa tingin niya makakaganda sa career niya, okey. Kaibigan ko si John.”

May balita ba si Carlo sa kasamahan nila noon ni John na si Stefano Mori?

Sabi ni Carlo, “Wala rin, e. Nababalitaan ko lang sa handler ko.

“Minsan, umuuwi siya rito sa Manila. Gusto naming kitain, pero hindi pa raw muna.

“E, okey lang naman.”



NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Samantala, apat na taon na ang relasyon ni Carlo sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Masaya naman daw siya.

Dagdag niya, “Siyempre, may mga arguments, pero natural naman yun sa isang relationship.

“Healthy nga yun kasi mas nakikilala mo pa ang tao.”

Wala pa silang planong magpakasal?

“Wala pa, wala pa.

“Lalo na ngayon, ang tagal ko rin kasing nabakante kaya nag-iipon pa ako.”

Ang girlfriend daw niya ang nagma-manage ng food truck business nila na Big Bite Avenue.

Dalawa hanggang tatlong taon pa raw ang hihintayin ni Carlo bago siya lumagay sa tahimik. Pero gusto raw niyang ang kanyang girlfriend ngayon ang makatuluyan niya.

“Siyempre, hindi ka naman makikipagrelasyon ng hindi, ‘di ba? Sasayangin mo lang ang oras ng babae.”

Bonggang wedding ba ang gusto niya kaya matagal na pag-iipon pa ang gusto niya?

Saad ni Carlo, “Hindi naman, para lang settled ka para sa future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman porke’t emotionally ready ka, gagawin mo na.

“Dapat iniisip mo kung ano ang puwedeng mangyari.

“Matanda na ako.”

Nag-propose na ba siya sa kanyang girlfriend?

“Hindi pa, mahirap ma-top yung kay Pratty [John]!” natawang sabi niya.

Dagdag ni Carlo, “Pero hindi, simple lang. Alam niyo naman ako.”

Masaya naman daw si Carlo para kay John at sa mapapangasawa nitong si Isabel Oli, pero ayaw raw niyang magpa-pressure dahil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN