Ogie Alcasid puts up his own talent management team

Ogie Alcasid says he decided to put up his own talent management to help new and struggling music artists. “The things that made you happy and the things that made you alive as a person, the things that you feel you can help, I think you should go for it,” he says.


Gusto raw ni Ogie Alcasid na makatulong sa mga baguhang music artists kaya siya nagtatag ng kanyang sariling talent management—ang A Team (Alcasid Talent Entertainment Artist Management).

Ipinakilala ng singer-songwriter sa entertainment reporters ang unang batch ng talents ng A Team kahapon, November 17.

Kabilang dito ang dating Pinoy Dream Academy contestant na si Davey Langit; ang PhilPop Music Festival finalist na si Lara Maigue; ang hip-hop duo na sina Cedric Bondoc at James Palma, na mas kilala bilang Q York; at ang kasamahang komedyante ni Ogie sa Tropa Mo Ko Unli na si Empoy.

Sabi ni Ogie, “Mayroon akong emotional investment sa kanila kasi parang naging tatay o kuya nila ako.

“Mahirap na rin kasi for them ang humanap ng manager. Kasi ngayon, puro artista ang mina-manage, bihira na talaga ang singer.”

Dagdag pa niya, “Siguro sobra lang din akong mag-invest sa ginagawa ko, kasi hindi ko naman makikilala ang mga ito nang walang dahilan.

“Alangan namang hindi ko sila mabigyan ng pagkakataon na matupad ang dreams nila.

"It’s an opportunity that you can’t pass.”

Ayon kay Ogie, palagi niyang iniisip kung paano siya makatutulong sa tuwing may gagawin siyang bagong proyekto.

“Anything that I did in my life, like falling in love, you can’t let any opporunity pass.

“Of course, there are a lot of bad things that you can dismiss.

“But the things that made you happy, and the things that made you alive as a person, the things that you feel you can help, I think you should go for it.

“Lahat ng mga ginawa ko, ’yon lang din naman ang naging basehan ko.

“Enjoy, e, and may time din naman ako para gawin ’yon,” pahayag ng singer-actor.

Kasama ni Ogie sa pamamahala ng A Team ang ilang kaibigan, kabilang na ang director-writer na si Paolo Bustamante at kapwa talent manager na si Cathy Nazareno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WITH PERMISSION FROM TV5. Samantala, natutuwa naman si Ogie dahil nagagawa niya ang pagma-manage ng talents dahil pinapayagan siya ng TV5, ang kanyang home network.

Pahayag ng Kapatid star, “Dahil sa TV5, nakakagawa ako ng ganito.

“Hindi ganun kaluwag [ang oras], pero nakakagawa ako ng ganito.

“’Tapos, kaibigan ko ang [ABS-CBN], kaibigan ko ang [GMA]. Maganda yung relasyon ko sa lahat.

“Hindi naman sila [TV5] naghihigpit."

Dahil napag-usapan ang TV5, nabanggit ni Ogie ang tungkol sa sakop ng market ng TV5 network sa ngayon.

Aniya, “Talagang napakaliit pa ng market ng TV5. Ang liit-liit, except for basketball.”

Gayunman, sabi niya, pursigido siyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para makatulong sa pagpapalaki pa ng third largest network sa Pilipinas.

Sabi ni Ogie, “Matagal pa ako diyan [sa TV5].

“Balak ko na gawin ang lahat para matulungan ko ang boss ko, na napakabait at napaka-sympathetic sa mga artist.

“Alam mo ba na siya ang nagpa-fund sa PhilPop Music Foundation?

“Alam mo ’yon, ninanais ko na si Boss naman, kahit ’di kumita, ay masara naman ang pagkakalugi ng TV5.”

Ang tinutukoy ni Ogie na "boss" ay si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, na ninong din sa kasal nila ng asawang si Regine Velasquez.



NO TO POLITICS. Dahil sa dami ng kanyang ginagawa, maliban sa pagiging artista, magkakaroon kaya ng pagkakataong pasukin na rin niya ang mundo ng pulitika?

“Ayaw ko talaga. Hindi ko ’yan linya,” mariing sagot ni Ogie.

"Naniniwala kasi ako na ang isang politician, kailangang ipinanganak kang politician.

“Kaya nga tayo nagtatrabaho dito para iba ang trabaho natin, iba yung trabaho nila.

“Tumulong puwede, pero yung maging pulitiko, hindi.”

Aminado si Ogie na minsan na siyang inalok na mamuno sa isang sangay ng gobyerno, ngunit tinanggihan niya ito.

Sa ngayon, si Ogie ay tumatayo bilang pangulo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM). Ngunit nilinaw niyang hindi ito konektado sa anumang sangay ng gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Noong simula nang maging Pangulo si Mr. President [Noynoy Aquino], ang una kong gawin ay maging president ng OPM.

“Ang OPM po ay hindi sangay ng gobyerno, ha. Baka akala niyo ito’y ina-appoint ni PNoy, hindi po.

“Ito po ay isang adbokasiya. Hindi po kami binabayaran dito at kami po ay tumutulong sa katulad nila [new music artists].

"Mas nagustuhan ko ’yon kaysa bigyan ako ng posisyon ni PNoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN