Piolo Pascual wants son Iñigo to realize how hard it is to be in showbiz

Piolo Pascual on being joined by son Iñigo at the Sunpiology Run 2014: “Having Iñigo with me made it more special. Ang sarap lang na kasama siya sa ginagawa ko.”


Mukhang tuluy-tuloy na ang pagsabak sa showbiz ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual.

Sa kabila ng pahayag noon ni Piolo na una at huling pelikula na ni Iñigo ang Relaks, It’s Just Pag-ibig, nasundan ito ng isa pa.

Ginagawa na ngayon ni Iñigo ang Para Sa Hopeless Romantic, para sa Viva Films, kung saan makakasama niya sina James Reid, Nadine Lustre, at Julia Barretto.

Bukod dito ay lumalabas na rin ang binata sa ilang programa ng ABS-CBN, katulad ng ASAP 19 at Wansapanataym.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo sa Sunpiology Run 2014, na ginanap sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Sabado, November 15, tinanong namin ang aktor kung bakit napapayag siyang sumabak na nang tuluyan ang anak sa showbiz.

Saad ng Kapamilya heartthrob, “Sabi kasi, couple of days lang, cameo lang, just the same like with Relaks.

“Usapan namin nila Erickson [Raymundo], nila Joyce [Bernal], no promos, no interviews. Iñigo wil do the movie, that’s it.

“I was stupid enough to believe na puwede yun.

“Obviously, when he got back [from the States], puro guestings, puro interviews, pure presscons.

“So, I was stupid to think na puwedeng kumita ang movie na walang interview.

“They need to do a lot of promos, then he complained to me na hindi siya nakakatulog.

“Sabi ko, ‘Ginusto mo ‘yan, e.’

“He’s having a taste of it. He realizes how hard it is.

“Nagte-taping siya ng Wansa, may pelikula siya, nagpo-promo pa siya, he hardly getting sleep.

“Sabi ko, ‘O, gusto mo pa ba?’ Nag-aaral pa siya.”

Patuloy pa ni Piolo, “I’ll be selfish kung hindi ko siya papayagan.

“Basta ang deal namin, kaya siya nahihirapan, kasi kailangan niyang isabay yung pag-aaral.

“He’s doing online schooling na mas mahirap.

“Kasi yung time na tinutulog niya, he has to report to school, he has to do to his assignments, kaya mas mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero even the cut-off, ‘di ko mai-implement ang cut-off kasi he has to learn the hard way.

“Otherwise, he will feel nice and privileged ‘coz he’s my son. So, nakikita niya ang hirap.

“Hindi ko siya hinahatid, he’s with his mom.

“Hindi ko siya puwedeng i-pamper. Ayokong isipin ng mga tao na because he’s my son, he’s privileged.

“He’s going through hard time, kasi kailangan niyang ma-realize ang hirap ng pagiging artista.”



IÑIGO-JULIA. Kung noon ay sina Piolo at Claudine Barretto ang magkapareha sa ilang teleserye ng ABS-CBN at pelikula ng Star Cinema, ngayon ay ang anak ng aktor na si Iñigo at ang pamangkin ng aktres na si Julia na ang ipinapareha.

Natutuwang kuwento ni Piolo, “They even did the pictorial na ginaya ang Milan [2004].

“Nakakatuwa, nakakataba ng puso, because parang you’re passing the baton.

“Active ka pa rin, pero nakikita mo how they are blossoming."

Dagdag niya, “Nag-usap kami ni Marjorie [Barretto, Julia’s mom] sa L.A., sabi ko, ‘Ang hirap nito, ang mga anak natin, pinapanood natin.’

“’Tapos nakita ko si Julia, naka-midrib siya. Sabi ko, ‘Baba mo ‘yan, bata ka pa.’

“You have to step up to the plate and you have to make them feel it’s not easy to be here.

“You have to be careful, not because you are royalty doesn’t mean you are privileged.

“That’s what we are trying to teach them, para alam din nila hindi yun pribilehiyo, may kasamang responsibilidad.”

SUNPIOLOGY. Samantala, naging matagumpay ang Sunpiology Run 2014, kung saan sinuportahan si Piolo ng mga kasamahan niya sa Star Magic at ng anak na si Iñigo.

Saad ng aktor, “Honestly, surreal pa rin ang pakiramdam.

“Surreal pa rin na ‘di ako makapaniwala na six, seven years with them, and now, kasama na ang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Originally, dapat hindi siya kasama.

“After premiere [of Relaks, It’s Just Pag-ibig], aalis na siya, ‘di ba? But he was able to extend for couple of weeks.

“Nag-post nga ako sa Instagram na parang it’s so different, parang everyone is coming together for a day, everyone is doing it for free.

“Some of them are running, some of them are performing for the sake of Christmas spirit and, at the same time, camaraderie.

“As siblings, nakakatuwa yung support nila na if I can only thank them one by one…

“And, at the same time, thanks to Sunlife, you brought us together.

“His first exposure, his first endorsement…” pagtukoy niya sa anak na si Iñigo.

“And you see all the scholars, you see all the people coming together, soldout pa yung run.

“It’s overwhelming. Words are not enough para i-describe yung… parang birthday mo, ‘di ba? Napakasaya mo.”

Dagdag niya, “First time din naming ma-reunite ni Coach Rio [dela Cruz].

"I started running because of him, because of Timex.

“Now, I have Sunlife supporting my cause.

"And now, running with Rio, na parang after five years, nakita ko how organized he is and how happy the event was.

“It was a good turnout and it’s really a success.

“Having Iñigo with me made it more special.

“Ang sarap lang na kasama siya sa ginagawa ko.”



COURTESY. Sa kabilang banda, sinabi ni Piolo na hindi na dapat gawan ng isyu ang pagpapadala niya ng bulaklak nang namatay ang lola ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion na si Elaine Cuneta, ina rin ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Sabi ng 37-year-old actor, “Courtesy lang naman yun.

“Hindi kailangang hanapin sa puso mo yun, it’s courtesy.

“Kahit sinong namatayan, magandang nakikiramay tayo.

“You express it, but you don’t brag about it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN