Pancho Magno on relationship status with Max Collins: "Exclusively dating."

Paolo Magno explains why friendship is a good foundation for relationships: “Kasi parang masarap po yung kahit kayo na, nandun pa rin rin ang friendship. Na kahit sobrang tagal, kasi parang hindi ka lang maghahanap ng parang as your girlfriend, hahanapin mo rin yung best friend mo, siyempre... So, masarap yung feeling na lahat ng hinahanap mo sa tao, makikita mo sa... alam mo yun, sa gusto mo.”


Medyo mahaba na ang buhok ni Pancho Magno nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso afternoon soap na ang Ang Lihim Ni Annasandra.

Mas bumagay kay Pancho ang mahabang buhok kumpara dati na halos skinhead na ang style ng kanyang gupit.

Biro namin kay Pancho, nagiging fresh ba ang aura kapag in love? In love ba siya?

“Lahat po tayo in love! Hindi, ano naman… happy,” sagot niya.

In love nga ba siya ngayon?

“Okay lang, okay naman, happy! Happy lang, happy, in love.”

Gaano siya kasaya sa one to one hundred percent?

“One hundred ten.”



MAX COLLINS. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang usap-usapan tungkol sa diumano’y relasyon nila ng Kapuso actress na si Max Collins.

Baka ayaw lang nilang umamin?

Diin ni Pancho, “Hindi, wala, ano lang kami… friends lang, date lang kami—siguro exclusively dating.

“Pero hindi naman parang girlfriend-boyfriend.”

Bakit hindi nagle-level up ang relasyon nila ni Max; ano ang pumipigil?

“A, siyempre sa work din, wala ding time talagang mag… alam mo yun?

“Nakakapag-church kami every Sunday, as much as possible.”

Parehong born-again Christians sina Pancho at Max.



MADLY IN LOVE. Sa Ang Lihim Ni Annasandra, bilang si Enrico ay may mga eksena si Pancho na tila nakakaawa siya dahil ang minamahal niyang si Annasandra (Andrea Torres) ay napunta na kay William (Mikael Daez).

Saan siya kumukuha ng emosyon? Naranasan na ba niya sa tunay na buhay na may mahal siyang babae na nawala sa kanya at napunta sa ibang lalaki?

Saad ni Pancho, “Wala pa naman, hindi pa naman.

“’Buti na lang meron kaming acting coach na tinatanong ko kung ano ang puwede kong gamitin na [emosyon].

“Like, kunwari ginagamit ko ‘pag minsan na may mga bagay na kunyari hindi ko nakuha, yung ganun ang gagamitin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kunyari meron akong experience na gusto ko sanang makuha ito, ‘tapos hindi ko nakuha, iyon ang ginagamit ko.

“’Tapos tina-transfer ko na lang yung emotion na yun sa scene.”

Hindi pa niya nararanasan; ibig bang sabihin ay lahat ng niligawan niya ay sinagot siya?

Paglilinaw ng Kapuso hunk, “Hindi, kasi pagka nag-start ako, talagang as friends, e.

“Iyon ang magandang foundation, e, ‘pag nanligaw ka.

“Maganda dapat friends kayo muna, ‘di ba?

“So, kung anuman ang mangyari, kahit… ako kasi, ganun po ako, e.

“Kung kasi ‘pag as friends kami nag-start, so if ever mag-e-end, kung meron talagang hindi kayo, magkaka-misunderstanding, and alam mo na.

“As in, friends pa rin kami. Yung naghihiwalay, as friends pa rin.”



FROM FRIENDS TO LOVERS. Wala siyang niligawan na hindi niya kilalang mabuti; lahat ay kinaibigan niya muna?

“Oo, iyon talaga yung pinakamagandang foundation.

“Kasi parang masarap po yung kahit kayo na, nandun pa rin rin ang friendship.

“Na kahit sobrang tagal, kasi parang hindi ka lang maghahanap ng parang as your girlfriend, hahanapin mo rin yung best friend mo, siyempre.

“Na puwedeng lahat ng problema mo, na talagang… kasi ‘pag sa friends mo, hindi mo kayang magsinungaling, e, ‘di ba?

“Kasi alam mong magbibigay ‘yan ng advice, e, na sobrang hindi biased.

“’Pag friends mo, lahat talagang sasabihin, hindi yung kakampihan ka nun [lagi], hindi ganun, e.

“So, masarap yung feeling na lahat ng hinahanap mo sa tao, makikita mo sa... alam mo yun, sa gusto mo.”



TEAM-UP. Sa susunod ba niyang major project, nais ni Pancho na sila ni Max naman ang pagtambalin ng GMA?

Mabilis na sagot niya, “Oo naman! Gusto ko siyang makatrabaho.

“I mean, why not, ‘di ba? Ang galing niyang artista, ang galing niya sa Innamorata.

“Sobrang proud ako sa kanya kung paano niya na-portray yung mga ganung role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At may rapport na nga naman sila ni Max.

“Iba pa rin kapag kaibigan mo yung katrabaho mo, mas madali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN