Martin del Rosario learns the art of deadma in dealing with persistent gay rumor

Positibo na ang pananaw ni Martin del Rosario kaugnay ng mga isyung hindi pa rin siya tinatantanan, lalo na ang tungkol sa pagkuwestiyon sa kanyang kasarian. Good vibes na lang daw dahil nalalapit na ang kanyang kaarawan.


Wala na raw pakialam ang Kapuso actor na si Martin del Rosario sa mga pagkutya at pagdududa sa kanyang pagkalalaki.

Pahayag ni Martin sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Basta ako, mahalaga naman kung ano yung tingin ko sa sarili ko, e.

"Kung sa tingin nila… hinayaan ko na lang.”

Isa pang usap-usapan sa Internet ay ang seksing larawan ni Martin kasama ang singer-actor na si Markki Stroem para sa isang newspaper feature.

May ilang nagkomento na diumano’y nagsama ang dalawang kinukuwestion ang kasarian.

Sabi ni Martin tungkol dito, “Hinayaan ko na lang. Hindi ko naman nababasa.

“Good vibes na lang dahil birthday ko naman.

"Huwag na tayong mag-isip ng problema."

Nakausap ng PEP ang aktor sa kanyang advance birthday celebration kaninang hapon, November 18, sa Reception and Study Center for Children (RSCC), sa Quezon City.

BIRTHDAY WISHES. Sa November 25 pa ang ika-22 na kaarawan ni Martin.

Matapos ang kanyang pakikisaya sa mga bata sa RSCC kanina, nabanggit ng aktor na sa Macau gaganapin ang kanyang birthday salubong.

Dalawang araw lang daw ang plano nilang selebrasyon kasama ang ilang kaibigan.

Ano ba ang wish niya para sa kanyang nalalapit na kaarawan?

Saad ni Martin, “Siyempre magkaroon ng projects, mga projects, next year… this year, sana magkaroon.

“And siyempre, magiging happy with family and matapos ko yung school ko.”

Sa ngayon ay naka-leave of absence (LOA) daw muna siya sa kanyang pag-aaral.

Pero balak niyang tapusin ang kanyang Broadcasting course sa University of the Philippines sa susunod na taon.

Pagdating naman daw sa mga proyekto, may mga plano naman daw na nakalatag, pero hindi pa raw ito konkreto.

Huling napanood si Martin sa teleseryeng Rhodora X. Kasunod nito ay mga guest appearances na lamang.

Habang wala pa raw siyang pinagkakaabalahang proyekto, sinusulit muna ni Martin ang kanyang oras sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sa ngayon, nag-spend muna ako ng time sa family and friends. Tsini-cherish ko na bago magsimula ulit.

“Sa ngayon, more on nagta-travel ako mag-isa.”

LOVELIFE. Matagal nang walang balita tungkol sa lovelife ng binata.

“Siguro, wala e. Ganun talaga.”

Natatawa pang dagdag nito, “E, di pag dumating ang oras.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN