Angel Aquino reveals turning down marriage proposal, not once but thrice

Angel Aquino on her failed relationships: "Kasi siguro sa pag-ibig, hindi ako masyadong matalino? May pagka-gullible ako sa ganyan. So, hopefully, hindi yun makuha ng mga anak ko sa akin."


Muling ibinahagi ni Angel Aquino ang kanyang pagiging young mom nang mabuntis siya sa edad na 19 anyos at nagkaroon ng anak sa edad na 20.

Naungkat muli ang bahaging ito ng buhay ng aktres dahil sa tema ng kinabibilangan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Bagito.

Ginagampanan dito ng bidang si Nash Aguas ang isang binatilyo na nagkaroon ng anak sa edad na 13.

Si Angel ang gumaganap na ina ni Nash sa istorya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angel sa press conference ng Bagito noong Linggo, November 16, sinabi nitong marami siyang natutunan sa naging kaganapan ng buhay niya noon.

“Kung puwede nga lang, you can turn back time.

“Pero I have now my two beautiful daughters out of that.

“It was a beautiful mistake, it’s a blessing in disguise… ‘buti na lang.

“But, kung maiiwasan sa mga kabataan na maiiwasan nila, iwasan nila. Kasi, it’s a big responsibility talaga.”

Hindi ba mahirap magpalaki ng mga babaeng anak?

Sagot ni Angel, “Oo nga, that’s true.

“You can only control so much with the things going with their lives.

“You just have to pray for you to be able to raise them well para malaman nila kung ano ang tama at mali.”

Paano niya napalaki ang kanyang dalawang anak nang mag-isa?

Tugon ng 41-year-old actress, “With the big help of my nanay.

“My nanay is my angel the whole time talaga.

“Kasi she lives with me kaya she raises my daugthers well talaga.”

Madali lang daw kay Angel na gampanan ang kanyang karakter sa Bagito dahil hindi ito nalalayo sa kanyang imahe bilang ina.

“Kasi ganun ako with my daughters. Ganun yung relationship namin, ganun ka-close, pati yung mga biruan.

“Kahit yung mga tampuhan namin ni Nash, doon ko hinuhugot sa pinagdaanan ko with my daughters.”



NASH AGUAS. Isang sorpresa raw para kay Angel ang matunghayan ang acting ability ni Nash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My god… well, I expected him to be a good actor, but I did not expect na ganun siya kagaling.

“Na talagang as soon as he steps into a scene, alam na niya ang gagawin niya.

“Saka he really affects you.

“Maybe because I’m a mother. He really affects me.

“Natural akong naiiyak sa kanya, hindi ko kailangang pag-isipan, hindi ko kailangang pilitin.”

Hindi ba siya natutulala dahil sa murang edad ni Nash, 16, ay ang galing na nitong umarte?

Pahayag ni Angel, “You know, kasi nga, hindi siya nagga-grandstand, e.

“He acts naturally. Para sa akin, natural yung nakikita ko.

“He elicits the same kind of reaction from me na, as a mother, nagiging natural rin yung reaksiyon ko.

“Hindi ko siya pinapanood, ‘Iiyak kaya ito? Baka hindi niya magawa nang maayos.’

“Kasi nga, natural yung reaksiyon niya for a young boy.”



TEENAGE PREGNANCY. Paano niya pinapaalalahan ang kanyang mga anak tungkol sa teenage pregnancy?

Sabi ni Angel, “Kasi, dahil doon ako nanggaling.

“I never stop reminding them na, you know, with just one little mistake, it’s just one, and it will change your life.

“Hindi ko nga maintindihan kung bakit with all the knowledge we have, na alam nila na puwedeng mangyari yun, they still do it.

“Nong panahon ko kasi, nung mangyari yun [early pregnancy], I felt invincible. It was out of recklessness on my part.

“Ako, nag-aaral pa ako, nasa college. Dapat equipped din ako with that knowledge

“But you can really get stupid, e. It just takes a moment of stupidity.”

Paano nakatulong ang pagiging young mother niya kung ano siya ngayon bilang babae at tao?

Ayon kay Angel, “Yun na nga, all your experiences, and you wanna set a better example to your daughter, you try not to commit as much mistakes as you can.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos ‘pag nagkaroon ka ng mistakes… like me, I had a lot of mistakes, especially sa mga relationships na nakita nilang pinagdaanan ko.

“I have to tell them, I talked to them about it and I apologized.”

Binibigyan niya rin ba ng advice si Nash at ang iba pang young stars na kasama niya sa cast kung paano nila dapat pahalagahan ang kanilang kabataan?

Sabi ng aktres, “When they ask me. I don’t want to volunteer.

“Unless na lang it’s necessary. Baka kasi sabihin nila masyado akong nagiging…you know?

“So, when you become close with… I remember with Kim Chiu sa Ikaw Lamang, we got close and I give her some advice, too, na alam ko namang alam na niya.

“So, ‘pag hiningan lang nila ako ng advice.”



FAILED RELATIONSHIPS. Pagkatapos ng relasyon ni Angel sa actor-TV host na si Lui Villaruz ay inamin niyang nagkaroon pa siya ng tatlong boyfriends, ngunit hindi napabalita ang mga ito.

Sabi niya, “I think kasi siya [Lui] na yung pinaka-known among sa mga naging karelasyon ko, siya na yung pinakakilalang personalities.”

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit madalas hindi nagiging successful ang relationships niya?

Ani Angel, “Well, ano nga ba? Kasi siguro sa pag-ibig, hindi ako masyadong matalino?

“May pagka-gullible ako sa ganyan.

“So, hopefully, hindi yun makuha ng mga anak ko sa akin.

“Nakikita ko naman the way, especially my panganay, sa falling in love, nakikita ko naman na mas maganda yung wisdom niya, mas wise siya.

“Siguro she’s trying to mirror sa mga experiences ko and I always tell her, ‘Don’t be like your mom.’”

Ano ba ang hinahanap niya sa isang makakarelasyon para magtagal ito?

Matatandaang noon ay inalok siya ni Lui ng kasal ngunit hindi niya ito tinanggap.

Paliwanag ni Angel, “I think it’s me, that’s the problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More than me than yung mga karelasyon ko.

“Ngayon, I realized na hindi pa… hindi talaga ako ready.

“I think, one or three had already asked, ‘Let’s settle down.’

“Pero ako yung, ‘I cannot imagine building a home with you, with my kids.’

“I think I really have to prepare for that, na dapat alam ko na when I get into a relationship, I should be ready for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN