Mark Bautista to spend Christmas in London for the first time

Dahil sa kanyang pagiging bahagi ng musical play na Here Lies Love sa London ay hindi makakasama ni Mark Bautista, sa unang pagkakataon, ang kanyang pamilya sa darating na Kapaskuhan.


LONDON, UK. Pinaghahandaan na ni Mark Bautista ang kanyang first Christmas away from home.

Nandito ngayon si Mark sa London dahil part siya ng cast ng rock musical na Here Lies Love, kung saan gumaganap siya bilang Ferdinand Marcos.

Sabi ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ayon sa mga naririnig niya ay malungkot ang Pasko sa London.

Sarado raw kasi halos lahat sa araw na ‘yon kaya karamihan ay nasa mga bahay lang at tahimik na nagsi-celebrate ng Christmas.

Pati mga kalye raw dito, kadalasan ay sinasarhan sa araw na ‘yon kaya wala kang mapuntahan.

Ganun daw ka-sacred ang Christmas Day para sa mga Briton.

Nang tanungin namin si Mark kung anong plano niya sa Pasko, ang sabi niya ay hindi pa niya naiisip kung ano exactly ang gagawin niya on that day.

Mayroon ba siyang mga kaibigan mula sa Manila na pupunta ng London para makapiling siya on Christmas?

“Wala nga, e!” mabilis na sagot ni Mark, na for the first time in 32 years ay hindi makakasama ang pamilya niya sa Pasko.

Dito rin magpa-Pasko si Rachelle Ann Go na nasa cast naman ng Miss Saigon. Bakit hindi na lang silang dalawa ang magsama sa Christmas?

“Ewan ko, hindi ko pa alam!” natatawang sagot ng singer-actor, na dating nanligaw kay Rachelle.

May kasama si Mark na dalawang Pinoy co-cast members niya sa Here Lies Love sa flat na tinitirhan niya rito.

Napag-usapan daw nila ng flatmates niya na malamang sila-sila na lang tatlo ang magkakasama sa Christmas.

“May relatives ako rito, e, pero medyo malayo sila. Baka doon ako pupunta.”

May Christmas break si Mark sa Here Lies Love sa December 24 & 25. Sa New Year’s Eve ay mayroon silang show, pero may break sila na January 1.

Hanggang January 8, 2015 ang soldout run ng Here Lies Love sa Dorfman Theatre ng National Theatre, na nasa South Bank ng London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COOKING WITH MARK. Nag-aral ng Culinary si Mark sa ‘Pinas kaya marunong siyang magluto at pati mag-bake.

Nagluluto siya rito sa London kahit hindi niya kakainin dahil nag-i-stick siya sa kanyang healthy diet. Mga flatmates niya raw ang kumakain ng luto niya.

Ang suwerte naman ng mga kasama niya sa bahay, may tagaluto!

“E, gusto ko rin naman, e. Pero hindi naman lagi, ‘pag nabu-bore lang ako!” tawa ni Mark.

Kuwento pa ni Mark sa PEP, ang daily routine niya after every show ay diretso siya ng bahay.

Lagi siyang nagsusuot ng sumbrero para huwag siyang mahamugan dahil palamig na nang palamig dito.

Mayroon siyang understudy (o kahalili) sa role ni Marcos sa Here Lies Love sakaling magkasakit siya, pero awa ng Diyos ay hindi pa nagkakasakit dito si Mark.

Ang goal niya ay tapusin ang buong run ng show na wala siyang na-miss na performance.

“Pagdating ko ng bahay, hindi ako masyadong nagsasalita. Kahit sa backstage, talagang nire-reserve ko ang boses ko.

“Kasi, first time ko ‘to na every day ang show, e.

“Nag-Atlantis [Productions, theater company sa Pilipinas] ako, pero weekends lang ang show.

“Dito, dahil sa weather nila, sa oras ng shows namin every day, maingat ako sa boses ko talaga.

“Nagdyi-gym ako, nagba-vitamins ako. Nagpabili talaga ako nung health pack na vitamins.

“Yung pagkain ko, bawal ang fast food. Ako ang nagpe-prepare, so parang protein lahat.

“May carbs, pero brown rice lang, broccoli, puro ganun lang kinakain ko.

“So, talagang iniingatan ko pati pagkain. At saka exercise, sobra!”


VOCAL REST. Physically demanding ang Here Lies Love na most of the time, bukod sa kumakanta at umaakting ay sumasayaw si Mark, tumatalon sa stage at intense ang mga galaw.

Hirap din siya sa quick changes dahil may mga eksenang in just a few seconds ay kailangan niyang makapagpalit ng costume for the next scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Critical kay Mark ang Friday and Saturday dahil parehong dalawa ang shows nila on those days. May time na hindi talaga siya nagsasalita the whole day to conserve his voice.

Every Sunday ang free time niya. Vocal rest siya ‘pag Linggo.

At doon niya ginagawa ang kanyang house chores. Naggu-grocery rin siya at kung lumabas man siya ay umuuwi raw siya agad bago dumilim.

Kapag Saturday night after the show, sila ng castmates niya ay kumakain sa labas o pumupunta sa bar doon sa may theatre for one round of beer.

Yun ang way nila para mag-relax at mag-unwind after ng isang buong linggong trabaho for Here Lies Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN