Grae Fernandez wants to make a name for himself

Grae Fernandez enjoys his closeness to co-star Nash Aguas: "Parati po kaming nagkukulitan at nag-aasaran, para lang kaming mga bata lang talaga... from a child actor at ngayong binata na siya, grabe ang transition niya!"


Gusto ni Grae Fernandez na mag-enjoy lang muna sa kanyang career at sa pagiging teenager.

Ito raw ang payo sa kanya ng amang si Mark Anthony Fernandez nang pumasok siya sa showbiz.

Si Grae ay Grade 7 sa School of Tomorrow sa Parañaque City. Isa siya sa miyembro ng grupong Gimme 5 na kinabibilangan din nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at ng teen star na si Nash Aguas.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Grae sa grand presscon ng pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Bagito, noong Linggo, November 16.

Inusisa namin ang 13-year-old actor kung ano ang payo sa kanya ni Mark Anthony sa pagpasok niya sa showbiz.

Sagot ni Grae, “Sabi po niya, huwag na huwag pong lalaki ang ulo at dapat ay always down to earth.

"At saka huwag kakalimutan ang past mo at kung paano ka nakapunta roon sa taas po."

Ang Bagito ay ukol sa isang binatilyo na maagang haharapin ang responsibilidad ng pagiging isang ama dahil sa isang malaking pagkakamali. Tampok dito ang tambalan nina Nash at Alexa Ilacad.

Ang role ni Grae rito ay si Carlo, "Ako ang pinaka-vain sa lahat sa grupo namin.”

Bilang teenager, ang ipinakitang ilang kapilyuhan dito sa Bagito ay yung paninilip sa babaeng nagsa-shower. In real life, nasubukan ba niya ito?

“Ay, hindi po! Bawal na bawal po iyon!” pahalakhak na sagot ni Grae.

Strict ba ang father niya?

“He is not that very strict. But may strictness siya na layered, na bawal mag-ano… yung mga bad things.

"Pero kapag fun naman at safe naman po, okay na okay naman po sa kanya.

“He likes to make me feel very good,” sabi niya.



A NAME FOR HIMSELF. Aware ba siya sa dating grupo ng ama niya, ang Guwapings?

Ayon kay Grae, “Sa akin, parang throwback lang po, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, grabe! Parang he wants me to watch… the older movies, his old movies.

"Kasi, since pumasok din ako sa business, para malaman niya kung ano ang gagawin ko rin kapag nag-act na ako.

“Siyempre po, gusto ko rin sumunod sa yapak ng dad ko.

"Kasi, grabe, sobrang I look up to him.

"Since I was a kid po, I watched him sa TV."

Gusto ba niya na parang maging version siya ng Guwaping?

“Gusto ko rin po. Pero ngayon po, we have our group [Gimme 5] din po.

“But I also want to make a name for myself, not just the son of Mark Anthony.

"But just my name, Grae Fernandez. But of course, I would like to acknowledge my father…”

Totoo bang hindi pa niya nasusubukang manligaw?

“Hindi pa po, kasi ang gusto po ng dad ko ay maging bata muna raw po ako.

"Siguro mga 15 or 16 po [manliligaw]…

“Gusto niya ay to have fun and to enjoy your life while you have it.

"Parang iyong sa Bagito rin po,” nakangiting paliwanag ni Grae.

Siyempre, ayaw niya matulad kay Drew, karakter ni Nash sa Bagito, na 14 pa lang ay nakabuntis na?

“Ay, hindi po! Siyempre po ay ayaw kong mangyari iyon sa akin,” mabilis na reaction ni Grae.

"Dahil ang gusto ko po ay mag-enjoy muna with my career at sa school po.

"Iyon po ang priorities ko."

LEARNING STAGE. At 13, ang tingin ba niya sa sarili ay bata pa rin o papunta na sa pagbibinata?

Sabi ni Grae, “Ayun po, kasi ang gusto ng daddy ko ay i-enjoy ko muna raw po.

"Palagi niya akong ini-influence na, ‘Huwag mong masyadong seryosohin ang buhay.’

“Gusto niya ay maging bata muna ako, kaya sa isipan ko po ay parang bata pa rin ako.”

Paano kapag babae na ang lumalapit sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For now, it has to wait, maghihintay muna…”

Ano’ng aral ang mapupulot ng viewers sa TV series nila?

“Ang Bagito po kasi, kuwento ito ng isang pagkakamali. Dahil doon, it could ruin your whole life.

“So, dapat, just enjoy your life and don’t think about the future that much.

"But think about your decisions very wisely."

Dagdag pa ng binatilyo, “Dapat din po na mag-ingat ang mga kabataan sa peer pressure, sa pre-marital sex…

“Kids need to be aware para mas malaman nila at para mas ma-understand nila, so that they’ll know how to handle that kind of situation.”



PRAISE FOR NASH. Sumisikat na ang Gimme 5, mayroon na bang rivalry sa grupo nila?

“I can’t say that po, wala naman pong ganoon. Friends po kaming lahat,” nakangiting sagot ni Grae.

Ipinahayag din ni Grae na masaya siya sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng katropa niyang si Nash.

“I’m very, very happy po kay Nash.

"Noong bata pa po ako, lagi akong nanonood ng Goin’ Bulilit at nakikita ko po doon si Nash.

“So, from a child actor at ngayong binata na siya, grabe ang transition niya!

"From kid to a teenager, iyong transition po niya ay nakakabilib.”

Katropa ba niya talaga si Nash?

“Opo, parati po kaming nagkukulitan at nag-aasaran, para lang kaming mga bata lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN