PEP EXCLUSIVE. Ervic Vijandre admits breakup with Ariella Arida

Ervic Vijandre on breakup with beauty queen Ariella Arida: "Almost two years nga kaming nagdi-date. Sobrang matagal. Well, siguro better off as friends lang talaga kami. Sobrang cliché, pero yun talaga, e. Hindi ko naman puwedeng ipilit kung may iba siyang daan at ako dito rin..."


Bagamat hindi nila kailanman inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ipinagtapat ni Ervic Vijandre sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na sila ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida.

Biro pa nga ni Ervic sa kasalukuyang estado ng lovelife niya, “Malamig ang Pasko.”

Gaano na siya katagal single ulit?

“Mga months na rin,” sagot ng Kapuso actor.

Gaano katagal ang naging relasyon nila ni Ariella?

“Nag-date kami almost two years.”

Naging official ba ang kanilang relasyon?

May alinlangang sagot ni Ervic, “May naging conflict kasi, e.”

Sinabi ni Ervic sa PEP ang tunay na rason ng kanilang breakup, pero nakiusap siyang huwag na naming itong isulat dahil baka may mag-react sa paligid nila, partikular na sa kampo ni Ariella.

Gusto lang daw niyang maging honest sa interview na ito kaya ibinahagi niya sa amin ang rason ng naging estado ng relasyon nila ng dating beauty queen.

Pero ayaw raw niyang mapag-usapan ito sa press at baka masalang silang dalawa sa kumplikasyon.

Ano pa ang ibang dahilan ng paglamig ng kanilang samahan?

Ayon kay Ervic, “Well, naging busy rin siya at ako naman naging busy rin nang konti.

“Parang iba siguro yung path na pupuntahan namin.

“Nandiyan pa rin naman… friends naman kami. “

Nag-uusap pa ba sila?

“Sa ngayon, hindi. Pero we’re okay.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic pagkatapos ng guest appearance niya sa GMA News TV lifestyle talk show na Mars.



SHORT-LIVED RELATIONSHIPS. Bakit tila yata hindi nagtatagal ang mga relasyon ni Ervic?

Bago naging sila ni Ariella ay naging girlfriend din niya ang Kapuso actress na si Rich Asuncion, pero hindi rin sila nagtagal.

Sabi ni Ervic tungkol dito, “Well, hindi ko alam, e.

“Actually, iniisip ko rin. Parang… ano ba?

“Nakakapagod din yung ganito na back to zero. Yung dating na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, wala, e. Hindi ko naman puwedeng ipilit yung mga bagay-bagay kung hindi talaga possible.

“Kung nagiging busy, mahirap naman.

"Puro sa trabaho naman e. Trabaho nila, trabaho ko.

“Hindi nagmi-meet yung schedule, mga ganyan.”

Hindi ba siya nanghinayang na sa tagal ng panliligaw niya kay Ariella ay nauwi lang din ito sa hiwalayan?

Saad ni Ervic, “Almost two years nga kaming nagdi-date. Sobrang matagal.

“Well, siguro better off as friends lang talaga kami. Sobrang cliché, pero yun talaga, e.

“Hindi ko naman puwedeng ipilit kung may iba siyang daan at ako dito rin… paano ba?”

Inisip niya bang magsakripisyo o mag-give in noon para lang mag-work ang relasyon nila?

“A, well, siyempre hindi naman ako mapupunta sa ganung sitwasyon kung…

“Well, kung nandun na ako… trinay [tried] ko rin naman lahat.

“I think siya rin naman, trinay niya rin.

“Well, I think hindi naman puwedeng ipilit ang hindi puwede.”

Ingat na ingat sa Ervic sa mga bibitiwan niyang pahayag, kaya madalas ay napapahinto siya sa pagsasalita at minsan ay nalilihis sa nais niyang sabihin.

Na-trauma ba siya? Magpapahinga muna ba siya sa panliligaw? O hindi siya susuko at manliligaw uli?

Ani Ervic, “Well, may nag-advice sa akin na, sabi niya, i-try ko munang ako lang.

“Maging happy na ako lang muna. Huwag hanapin.

“Ang iniisip ko ngayon, more on career at family ko ngayon.

“Kung darating siya, tingnan natin. Kung hindi pa, okey lang.

“Gusto ko munang maging happy muna on my own.”



MARIAN-DINGDONG WEDDING. Naging kasintahan ni Ervic ng ilang taon si Marian Rivera, na ngayon ay ikakasal na kay Dingdong Dantes.

Ano ang nararamdaman ni Ervic sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang ex-girlfriend at ni Dingdong?

Sagot niya, “Siyempre, best wishes.

“Happy ako sa kanila… yun lang naman, e. Kahit paano may pinagsamahan kami.

“Alam ko sobrang importante nito sa kanya [Marian]. Ito ang hinihintay niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, wala… happy ako sa kanya dahil na-reach niya yung pangarap niya.

“Nandun yung fame, nandun na lahat.

“’Eto na lang, yung family.”

Hindi na sila nagkakausap ni Marian?

“A, hindi na, never na.”

Nagkaroon ba ng chance na magkita sila after their breakup?

“May mga times na nag-hi lang.”

Nagkita at nagkausap na ba sila ni Dingdong?

“Si Dingdong lang, nagkasama kami sa trabaho, sa Genesis, nag-guest ako sa show. Wala namang problema.

“At first, may awkward moment.

“Actually, para sa akin, sobrang tagal na. Feeling ko, ganun din naman sa kanya.

“Kasi kung may something pa, hindi naman para mapunta ako sa project na yun.

“So, feeling ko, kahit yung production, hindi nila inisip yung sitwasyon naming dalawa.”

Samantala, susunod na mapapanood si Ervic sa bagong teleserye ng GMA Network, ang Kailan Tama ang Mali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN