Jonalyn Viray admits coming close to giving up showbiz: "Parang stagnant yung pakiramdam ko noon."

"Kasi may time talaga na parang masyado akong naging affected sa mga pangyayari sa career. Parang feeling ko, hanggang dito na lang," says Jonalyn Viray about her nine years in the entertainment business.


“I’ve settled for less, but I’m ready for more.”

Hango sa lyrics ng kantang "This Is My Now" ni Jordin Sparks, ito ang caption ni Jonalyn Viray sa kanyang Instagram post kamakailan.

Naging matagumpay at positibo ang reviews ng kanyang Fearless: The Repeat concert na ginanap sa Music Museum, noong November 14.

Malaking bagay ito para kay Jonalyn, lalo pa’t may panahong muntik na niyang isuko ang kanyang singing career dahil sa kawalan ng big break.

“Kasi may time talaga na parang masyado akong naging affected sa mga pangyayari sa career.

“Parang feeling ko, hanggang dito na lang. Parang stagnant yung pakiramdam ko,” saad ni Jonalyn.

Kuwento pa ng 25-year-old Kapuso singer, naapektuhan ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili noong mga nakaraang taon.

Ngunit laking-pasasalamat niya ngayon dahil nagbunga ang pagsisikap ni Jonalyn pagkatapos ng siyam na taon na pagtatrabaho sa music industry.

“Kasi first major concert ko yung Fearless, e. So, nung ’di pa dumarating yung mga ganung klaseng project, nakaramdam ako ng ano, pa’no ko idi-describe yun? Basta, parang OK, OK lang,” balik-tanaw ni Jonalyn.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonalyn sa kanyang birthday/outreach activity kasama ng Payatas Kids Choir.

Ginanap ito sa Ina ng Lupang Pangako Parish sa Phase 1, Payatas B Quezon City, ngayong araw, November 19.

Lahad pa ni Jonalyn, ang nagbigay-inspirasyon sa kanya na ipagpatuloy ang pagkanta ay si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Si Regine ay isa sa itinuturing na mentor ni Jonalyn, dahil nagsimula ang singing career ng huli matapos manalo sa GMA Network singing contest na Pinoy Pop Superstar noong 2005.

Sabi ni Jonalyn, “Ang pinakatumatak sa akin na advice na ibinigay niya sa akin, ’Never stop singing.’

“Kasi yun ang ultimate gift na ibinigay sa ’yo ni Lord na dapat i-share mo sa mga tao.”

Mula noon ay mas naging determinado ang Kapuso singer na ipagpatuloy ang pag-abot sa kanyang pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Jonalyn, “Feeling ko, ito talaga yung path ko.

"Kaya hanggang ngayon nakaka-receive ako ng magagandang blessings kasi hindi ka tumigil."

RIVALRY WITH FELLOW SINGERS. Sa kabilang banda, aminado si Jonalyn na matindi ang pressure na umangat sa music industry, lalo na sa dami ng magagaling na mang-aawit sa Pilipinas.

Sa home network pa lang ni Jonalyn ay nariyan sina Julie Ann San Jose at former fellow La Diva members na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Ngunit mas gusto raw pagtuunan ng pansin ni Jonalyn ang pag-improve ng sarili niyang kakayahan.

“Hindi maitatanggi na may pressure talaga kasi maraming competition ang nag-a-arise, maraming bagong talent ang pumapasok.

"Plus maraming kasamahan sa industry na pareho ng path na pinagdadaanan mo.

“May pressure po pero hindi ako masyado nagpo-focus dun kasi kapag nagpadala ako sa pressure, sa worries, at sa takot, wala akong time para sa improvement at iba pang magagandang bagay,” paliwanag niya.

NO TIME FOR LOVE? Samantala, ibinahagi ni Jonalyn na hanggang ngayon ay wala pang nagpapatibok ulit ng kanyang puso.

Hindi pa siya nagkaroon ng bagong karelasyon mula nang maghiwalay sila ng kanyang huling boyfriend na si Arran Phil Sese, commercial model, limang taon na ang nakakaraan.

Ayaw pa ba niyang magka-boyfriend ulit?

Sagot ni Jonalyn, “Hindi naman sa ayaw ko. Sino ba ang may ayaw ng lovelife?

"Pero sa ngayon, hindi ko siya masyadong iniisip.

“Mas pinagtutuunan ko ng pansin yung mas importanteng bagay, which is relationship ko with God, relationship ko with my family, and sa trabaho ko.”

Kung mayroon man daw siyang natutunan sa pakikipagrelasyon, iyon ay ang huwag itong madaliin.

“Marami akong crush. Pero hanggang pag-admire lang talaga.

"Ayoko na sabihin. Nahiya ako.

“Pero yung totoong love, feeling ko ’pag hindi ka nagmadali, ’pag hinintay mo, at dumating sa tamang panahon, mas worth lahat ng paghihintay at pagpapasensiya mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN