Honduras beauty queen, sister found dead

Natagpuang patay ang Honduras beauty queen na si Maria Jose Alvarado at ang kanyang kapatid na si Sofia matapos mawala ang mga ito noong November 13.


Pinag-uusapan ngayon sa buong mundo ang pagpatay sa beauty queen na si Maria Jose Alvarado at ng kanyang kapatid na si Sofia.

Si Maria ang 19-year-old official candidate ng Honduras sa Miss World 2014 na pinatay ni Plutarco Ruiz, ang boyfriend ng 23-year-old primary school teacher na si Sofia, na pinaslang din ni Ruiz.

Natagpuan ng Honduran Police noong Miyerkules, November 19, ang mga bangkay ng magkapatid na nakalibing sa riverbank ng kabundukan ng Santa Barbara, Tegucigalpa.

Inamin ni Ruiz ang krimen na ginawa at siya ang nagturo mga pulis sa lugar na pinaglibingan niya sa magkapatid.

Selos ang ugat ng pagpatay ni Ruiz dahil nagalit siya nang makipagsayaw sa ibang lalaki si Sofia sa birthday party niya na ginanap sa La Aguagua spa noong November 13, ang gabi na nawala ang magkapatid.

Ayon sa mga saksi, nakita sina Maria at Sofia na umalis mula sa spa at sumakay sa isang champagne colored car, kasama ang tatlong lalaki.

Ipinagtapat ni Ruiz sa mga imbestigador na binaril niya sa likod sina Sofia at Maria nang magtangka ang dalawatng akasan sila ng kanyang kasama na si Aris Maldonado.

Sinubukan nina Ruiz at Maldonado na dalhin sa ospital ang magkapatid pero nang makita nilang wala nang buhay sina Sofia at Maria, nagpasya silang ilibing ang dalawa sa riverbank para mabilis mabulok ang mga katawan ng mga nasawi at hindi mabulgar ang krimen na kanilang ginawa.

Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ni Alvarado sa London trip niya noong Miyerkules, November 19, isang linggo bago naganap ang karumal-dumal na insidente, dahil excited na siyai-rng epresent ang kanyang bansa sa Miss World 2014, na magaganap sa December 14 sa ExCel London.

Bilang pagluluksa sa sinapit ni Alvarado, nagpasya ang Honduras na huwag nang magpadala ng kapalit niya sa Miss World.

MIOSS WORLD STATEMENT. Naglabas naman ng official statement si Julia Morley, ang chairman ng Miss World Organisation, bilang pakikiramay kay Alvarado at sa mga naulila nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To everyone around the world who has been touched by the awful news from Honduras this morning.

“We are devastated by this terrible loss of two young women, who were so full of life.

“Our thoughts and prayers are with the family and friends of María José Alvarado & Sofía Trinidad at this time of grief.

“We are receiving messages of condolences and support from our Miss World family across the world, who all share our sadness at such a tragedy.

“We will be holding a special service with all of the Miss World contestants on Sunday, where we will be honoring the lives of María José Alvarado and Sofía Trinidad, and say prayers for them and their family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN