Rita de Guzman reveals brief romance with Alden Richards

Rita de Guzman on why her romance with Alden Richards did not bloom: “Siguro it’s not meant to be. I mean, mas okay. Kung ako rin, inano ko rin ang sarili ko, mas okay din na friends kami. Kasi kung na-push yun, siguro baka hindi kami okay ngayon.”


Sa unang pagkakataon ay inamin ng Kapuso actress-singer na si Rita de Guzman na nagkaroon sila ng "mutual understanding" noon ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards.

Ginawa ni Rita ang pag-amin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kinabibilangan niyang teleserye sa GMA Network, ang Strawberry Lane, kahapon, November 19.

Nagsimula ang paglalabas ng saloobin ni Rita nang tanungin namin siya kung sino ang pinaka-close niyang young male star sa bakuran ng GMA.

Sagot ng 19-year-old actress-singer, “Sino ba? Si Alden, iyan... iyan ang close ko.

“Iyan ’yang kahit ano napag-uusapan namin.”

Paano sila naging close ni Alden?

“Sa One True Love,” pagtukoy ni Rita sa pinagsamahan nilang teleserye ni Alden sa GMA noong 2012.

Hanggang ngayon ay tuloy ang closeness nila?

“Oo. ‘Pag nagkikita kami, ganyan, pagka nagkikita kami, nagkakasalubungan kami sa GMA, agad-agad ‘yan, kung makapagyakapan kami, akala mo kung ano, e!

“Alam mo, tuwing makikita niya ako, always ‘yan, tatakbo siya sa akin, yayakapin niya ako nang mahigpit, ‘tapos iaangat niya ako, ‘tapos bubuhatin niya ako paikot.

“Ganun si Alden always.

“Hindi nagbabago yun. Always.”

Masaya raw sila kapag nagkikita sila at binubuhat siya ni Alden.

“Siyempre isa yun sa paglambing niya as a friend, as a true friend.”

Nagsasabihan din daw sila ni Alden ng mga sikreto.

Sabi ni Rita, “Ganun, ganun kami ka-close.

"Kumbaga, si Alden kasi yung tao na talagang mapagkakatiwalaan mo.

“Kasi masasabi ko, isa si Alden sa pinaka totoong tao sa show business. Totoo talaga.

"‘Tsaka hindi lang siya sa ano... alam mo yung siya yung totoo na masarap kasama, yung ganung klaseng totoo na tao.”

Bonus na guwapo pa si Alden.

“Oo! Humble pa, grabe!” bulalas ni Rita.

MUTUAL UNDERSTANDING. Was there a time na nagka-crush si Rita kay Alden?

“Oo! Nung One True Love, medyo nagka-something kami nun,” rebelasyon ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon sila ng MU (mutual understanding) ni Alden?

“Oo!” pag-amin ng dalaga.

Gaano katagal?

“Gaano ba? Basta yung ano, nung cycle ng One True Love.

“So, nung nag-end yun...

"Pero nagka-work din kami sa Mundo Mo’y Akin [2013], ‘di ba?

“Pero wala na yun, wala na nung Mundo Mo’y Akin. Pero friends.”

Paano ilalarawan ni Rita ang pagkakaroon nila ni Alden ng MU dati? Lumalabas ba sila on dates?

Ayon kay Rita, “Hindi, hindi kami lumalabas.

“Siyempre halos parati kaming magkasama, ‘di ba?

“Siyempre kung paano, minsan... parehas kasi kaming malandi!

“So, siyempre pagka ganun, minsan, ayun, ganun lang, sa usap-usap, ganyan.

“So, iyon, parang... wala minsan, parang pagka ano, excited magkita, mga ganun. ’Di ba ganun, usually?”

So, mag-MU nga talaga sila dati?

“Oo,” ulit niya.

Bakit hindi umabot sa seryosohang relasyon?

“Siguro it’s not meant to be.

“I mean, mas okay. Kung ako rin, inano ko rin ang sarili ko, mas okay din na friends kami.

“Kasi kung na-push yun, siguro baka hindi kami okay ngayon.”

Dahil?

“Ewan ko. Kasi it’s… ano niya yun, e. Time niya yun, e, ’di ba?

“Time niya yun, and isa rin yun sa time ko na medyo nakabawi ako nun.


“Iyon yung, boom, na parang, ‘Ay, na-recognize ako ng tao sa comedy!’

“So, siyempre, ‘pag inano namin yun, alam mo yung, may maaapektuhan.”

Lalo pa nga at ka-loveteam noon ni Alden si Louise delos Reyes.

Dagdag ni Rita, “’Tsaka ano na yun, e, kumbaga nandun na talaga yung ano ni Alden, e.

“Actually, iyon talaga nagbigay sa kanya ng break, yung show na yun. So, alam mo yun?

“Okay lang yun, masaya, friends naman kami.”

SECOND TIME AROUND. Paano kung this time around ay magkaligawan sila nang seryosohan ni Alden?

Sabi ni Rita, “Let’s see. Siyempre marami nang pagbabago ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Ilang… anong taon ba nangyari yung One True Love? Matagal na yun.”

Pagbabagong ‘tulad ng?

“Siyempre kung paano kami mag-isip. Isa na yun.”

Meaning, mas importante sa kanila ang kani-kanilang career?

“Oo, always ‘yan, e. Kasi pagka bago ka pumasok sa isang bagay, ‘di ba, meron kang isa-sacrifice, e, meron kang pipiliin.

“Meron kang ibabagsak, so…

“’Tsaka feeling ko kasi, kahit na dumating man, hindi talaga, hindi pa namin maano ‘yan.

“Kasi parehas pa kaming bata at alam mo yung nae-enjoy pa namin yung nangyayari.

“Tsaka nag-aaral pa ako, e.”

Kaya naging masaya na rin sila sa MU nila noon ni Alden.

“Oo naman, masaya, masaya!” bulalas ni Rita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN