Christian Bautista not pressured to star in a Broadway or West End musical

Christian Bautista reveals, "One of my dreams also, kung magkaroon ng right role for me, e, dadating din siguro sa tamang panahon. So, kung ngayon wala pa, magpo-focus ako sa Philippines."


Balik-OPM scene ang Kapuso star na si Christian Bautista dahil muling naglabas ang balladeer ng panibagong album matapos ang dalawang taon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa press launch ng kanyang Soundtrack album, sa Livestock restaurant, sa Quezon City, kahapon, November 20.

Kabilang sa album na ito ang kantang “Up Where We Belong” na siyang ginamit bilang theme song ng hit Korean drama series na Empress Ki.

Bahagi ni Christian, “It has lots of movie theme songs na paborito nating lahat..."

Ikinatuwa din ni Christian na nag-number one sa album chart ang kanyang album matapos lang ang isang linggo.

Malaki ang naging partisipasyon ng singer para sa kanyang bagong album dahil isa siya sa mga pumili ng mga kantang isasama rito.

“Parang collaboration kami ng Universal [Records] and my management. And napili talaga namin yung appropriate for this season,” sabi niya.



COMPARISONS. Kaugnay ng kanyang karera sa showbiz, hindi maiiwasang maitapat si Christian sa iba pang singers, lalo na sa kanyang mga kasabayan, partikular na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go.

Kabilang si Mark sa theater play na Here Lies Love sa London, habang si Rachelle naman ay kabilang sa cast ng West End production ng Miss Saigon.

Inamin naman ni Christian na isa rin sa kanyang mga pangarap ang makapag-perform sa Broadway or West End musical productions.

“One of my dreams also, kung magkaroon ng right role for me, e, dadating din siguro sa tamang panahon.

“So, kung ngayon wala pa, magpo-focus ako sa Philippines.

“I’m very happy with what I’m doing with GMA also, three shows.

“So, talagang dito muna, home base muna, ’tapos baka next year..."

Ano naman kaya ang kanyang masasabi sa patuloy na pagkukumpara sa kanila ng kapwa niya singers?

Sagot ni Christian, “Kanya-kanyang view naman ’yan, ’no, kanya-kanyang pananaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi ko rin sinasabi na kapag nag-compare kami sa isa’t isa, talo rin kami.

“So, dapat, kahit na hindi maiiwasan na i-compare kami, ang iniisip na lang namin, may kanya-kanya kaming daan na kailangang daanan.

“So, baka nauuna yung iba ngayon, baka yung iba nag-pit stop muna.

“So, depende sa kanya-kanyang daan.”

Hindi naman daw nape-pressure si Christian na maging bahagi ng isang Broadway o West End musical production.

Paliwanag niya, “Yung international break nga is iba-iba also.

“So, some are focused in Asia, some in London, some in worldwide.

“So, sabi ko nga kanina, may pressure ba? Hindi naman.

"May longing? Yeah, may longing.

"So, sana someday, kung para sa akin, maabot ko rin."

Nabanggit naman ni Christian na pupunta siyang London sa January 2015 upang magbakasyon at mapanood ang mga musical na kinabibilangan nina Mark at Rachelle Ann.

“I’ll be there from January 1 to 14 so panonoorin ko sila.

“Sana makakuha ng ticket kasi nagkakaubusan na daw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN