Sef Cadayona not expecting to win against Vic Sotto and Michael V for Best Comedy Actor

Sef Cadayona pleased about the reaction towards his gay roles. He says, "Mostly naririnig ko, ’Grabe! Ang galing mong mag- bading!"


Isa si Sef Cadayona sa sobrang natuwa, bilang mainstay ng Kapuso gag show na Bubble Gang, na mai-elevate this year sa Hall of Fame ng 28th PMPC Star Awards for Television, na gaganapin sa Sunday, November 23.

Nakapagtala na kasi ng 15 panalo ang Bubble Gang bilang Best Gag Show, at proud si Sef na mapabilang sa show sa nakaraang ilang taon na rin.

"Opo, masayang-masaya ako! Katatapos nga lang ng anniversary namin, e!" sambit ni Sef sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang live airing ng SAS (Sunday All Stars) last Sunday, November 16.

Bukod dito, nominated din si Sef as Best Comedy Actor para din sa participation niya sa Bubble Gang.

Nang una niyang malaman ang tungkol sa nominasyon, sabi ni Sef, "Naku, hindi po ako makatulog!

"Hindi naman po ako nag-e-expect [na manalo] kasi mabibigat ang mga kalaban.

"E, mga teacher ko po yun, e... sina Bossing [Vic Sotto] at Michael V! Paano naman po ako makakalusot dun?" tawa niya.

Sa Bubble Gang at sa isa pang toprating GMA sitcom, ang Vampire Ang Daddy Ko, nagpu-focus si Sef.

"Yun nga po, si Bossing, malaking tulong po siya sa akin mula nang magkasama kami sa Vampire...

"Marami po akong natututunan sa kanya sa pagku-comedy.

"Mahirap po kasi ang magpatawa, kailangan makuha mo yung perfect timing," saad ni Sef.

ON GAY COMEDY ROLES. Sa Bubble Gang ay karaniwan na ang ginagawa nila ni Michael V. na nagbabading-badingan.

At tanggap na tanggap sila ng manonood sa ganitong gay portrayals.

Wika ni Sef, "Yun nga po yung maganda dun, kasi tinatanggap ako ng mga tao, na nagku-comedy lang ako [by doing gay roles].

"Hindi nila sinasabi na parang, ’Ay, ganyan naman ’yan... bading naman yan!

"Ang mostly naririnig ko, ’Grabe! Ang galing mong mag- bading!" at natawa uli si Sef.

Hindi ba nag-alala noon si Sef na baka mapagkamalan siyang isang gay dahil sa husay niyang gumanap sa ganitong character?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, "Hindi nama. Kahit sino namang komedyante, dumaan din doon, e."

At importante rin, ayon pa kay Sef, ay confident siya sa kanyang masculinity o pagkalalaki.

Naging inspirasyon ba ni Sef ang tulad nina Vic Sotto at yumaong Dolphy sa pagiging onscreen gay persons or characters?

"Oo, yes. So, I think, I’m on the right track naman, bilang yun ang pinili kong linya ng trabaho dito sa GMA.

"Choice ko din na sa comedy malinya.

"Nag-independent films din ako, ’tapos nagte-teleserye, pero ang puso ko ngayon... siguro papaghusayin ko pa ang sarili ko sa comedy.

"Siguro, year per year, gagawa ako ng mga once or twice na drama para maiba.

"Pero sa comedy pa rin ako magku-concentrate."

MMFF 2014 ENTRY. Sa darating na Metro Manila Film Festival 2014, kasali si Sef sa cast ng My Big Bossing na bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Banggit niya, "Trilogy siya, ’tapos, sa pangatlo kami, sa ’Prinsesa.’

"Masuwerte ako dahil sa isang episode, halos kami ni Bossing Vic yung magkasama.

"Ako yung kasamang doktor ni Bossing, ’tapos nung nalaman namin na ipapapatay yung bata, si Ryzza, kami ang nagkupkop sa kanya.

"So, ako ang nag-alaga kay Ryzza hanggang sa paglaki niya.

"Period [comedy-fantasy] ang movie, so mag-e-enjoy yung mga bata.

"Kasi puro costumes, magaganda yung lugar, may mga magic..."

HAPPY WITH KAPUSO. Ilang taon nang nakakontrata si Sef sa GMA, sa pamamahala ng GMA Artist Center.

"Masaya ako kasi doon nga, sabi ko, gusto kong magpatawa, gusto kong mag-comedy.

"We take advantage of the commercial [aspects] para mapansin ng mga tao sa comedy productions.

"Fortunate naman na binigyan ako ng pagkakataon sa Bubble Gang, ’tapos inalok nga ako nina Bossing sa Vampire Ang Daddy Ko... so masaya!

"’Tapos, yung pelikula pa ngayon [My Big Bossing], pang-festival uli," overwhelmed pang sambit ni Sef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE LIFE. Naugnay romantically si Sef last year sa kanyang naging leading lady na si Yassi Pressman nang gawin nila ang MMFF 2013 entry na Kaleidoscope World.

Pero balitang hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

"Sandali lang naman ’yon," sabi ng komedyante.

Pero nangiti lang si Sef at hindi sinagot kung ang namagitan sa kanila ni Yassi ay isa lamang ’fling.’

Tanda ba ito ng pagiging tunay na gentleman niya, na katangian ng iba pang komedyante?

Nangiti uli si Sef, sabay-birong, "’Eto nga, kakatapos naming mag-shoot [ng My Big Bossing], bakante na... mambababae muna ako!"



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN