Christian Bautista looks forward to second season of Marian; jokes the show will go on until Marian Rivera gets pregnant

Christian Bautista resolves to take up dancing lessons seriously, "Hindi naman yung… hindi ko naman ini-expect na maging Gary [Valenciano] or Billy [Crawford]. Confidence lang ba na kahit hindi malinis basta makagalaw.”


Sinadya ni Christian Bautista na magpatubo ng balbas para sa papel niya bilang si Richard sa Strawberry Lane na primetime series ng GMA.

Halos dalawang buwan raw niyang pinatubo ang kanyang balbas para maging mas effective ang medyo gray character niya sa nabanggit na soap opera.

“Paminsan-minsan inaaahit ko, kasi [kapag masyadong humaba], si Jay Manalo na yun, yung puro bigote,” ang natatawang pagtukoy pa ni Christian sa isa pang co-star niya sa teleserye.

Nakausap namin si Christian sa taping ng Strawberry Lane sa Multinational Village sa Parañaque City noong October 19.

“Well sa character kasi, yung dating Richard, bago siya dumating e medyo bad boy, medyo rebelde nang konti.

“’Tapos pagdating dito, ako pala yung taga-ayos sa kanilang dalawa kasi lagi silang merong disagreements.”

Isa pang madalas na kaeksena ni Christian sa show ay si Sheryl Cruz.

At dahil nga medyo gray ang kanyang karakter, tinanong namin si Christian kung hindi ba siya nahihirapan dahil wholesome ang kanyang image bilang artista at male balladeer?

“Yun nga, parang ngayon ’di ba parang... hindi naman ang role ko ngayon bad boy, parang transformed, parang ganun.

“So parang ironic kasi pagdating ko dito sa role, imbes na yung maging ako tipikal na ano, ako pala yung peacemaker.

“So medyo may conflict minsan nang konti.”

THEATER VS TV. Paano niya idi-differentiate ang acting sa singing at hosting?

“Siyempre iba yung sa stage, sa TV, kailangan mas on-the-ball ka, kailangan mas ready ka.

"Una, hindi mo alam kung ano yung isu-shoot sa araw na ito.

“Minsan ibibigay sa iyo, ito na yung isu-shoot so kailangan mabilis ka.

“Sa stage acting, ito na yung materyal mo, hindi na mababago ’yan.

“Sa TV makakapag-adlib ka, may take two. Sa stage dire-diretso."

Happy naman daw si Christian na na-nominate siya noon sa Aliw Awards para sa ginawa niyang Ghost The Musical.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nanalo na ako,” bulalas pa ni Christian tungkol sa kanyang nominasyon bilang Best Actor.

“Parang, ‘Yehey!’ Okay na ako dun.

“Dito naman sa TV, parang kailangan mabilis ka talaga, yung mabilis mong makuha yung emosyon mo na ganun.

"’Tapos putul-putol, minsan bukas mo na gagawin bigla, gagawin mo iyon ngayon.

"’Tapos gagawin mo yung flashback so dapat alam mo kung saan ka nanggagaling, ganyan.

"Kaya nga ang galing din ng mga TV actors, mga movie actors na nagagawa nila yun."

CHALLENGES. Mas kilala si Christian sa husay nito bilang mang-aawit, “Singing naman, thank God, hindi ko na kinailangang aralin."

Kuwento pa niya, “Parang nung bata pa lang, ‘Uy, nakakakanta na!’

“So sali agad sa choir, sali agad sa ibang events. Naging madali, mas natural sa akin.

“’Tapos ang sarap kapag nami-mix ko yung sa musical [play], yung acting and singing.

"Mas lumalabas pa kasi ,singing is also acting with music.

"Ang challenge lang is minsan kapag nagsu-show ka, nagiging masyadong routine.

"Nakakalimutan ko na kailangan mo nga palang lagyan ng emosyon din yung mga kanta mo.

“Kasi puwede mo namang kantahin ’yan na wala lang pero mararamdaman naman ng tao ’yan, e.

“Yung parang pagod ka na ’tapos gusto mo kantahin na lang para matapos.

"Unfair naman sa tao yun kasi dapat binibigyan mo pa rin ng connection.”

Alin ang mas nakakapagod?

“Ito, sa soap, sa TV acting, ang hirap.

"Ngayon medyo paos ako, medyo may sipon ako nang konti kasi pag medyo paos ka sa singing, medyo puyat, mahirap.”

Ano ang remedyo niya sa mga ganoong pagkakataon?

“Pray,” at tumawa si Christian. “Prayer.”

Binabawi rin naman raw niya sa tulog.

“Nare-request naman po namin, halimbawa meron kaming concert the next day, na puwede ba kaming magpa-cut off?

“Huwag lang naman yung biglaan.”

STEPPING UP. Host din si Christian ng Saturday dance show na Marian, kung saan kelangan niyang magpakitang gilas sa dance floor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First, thank you sa GMA na lahat ng areas, binigyan ako ng chance! So I’m very grateful.”

At sa Marian, lagi siyang pinipilit ni Marian Rivera na sumayaw sa bandang huli ng show, at sumasayaw naman nga si Christian.

“Si Marian, parang nakakatuwa na nagkaroon kami ng connection especially sa hosting ’tsaka sa dancing.

“Lagi niya akong, ‘O, Christian, ikaw naman, Christian!’

“Kasi nung una, ’di ba, parang awkward.

"Ngayon parang katuwaan na lang, na ‘Halika, magsayaw tayo!’”

Kumuha ba siya ng dance lessons?

“Hindi pa seryoso kasi meron pa ito [Strawberry Lane], ginagawa ko pa ito.

"Siguro pagkatapos nitong soap baka puwede na akong alam mo yun.

"Hindi naman yung… hindi ko naman ini-expect na maging Gary [Valenciano] or Billy [Crawford].

“At least, confidence lang ba na kahit hindi malinis basta makagalaw.”

Nilinaw naman ni Christian ang Twitter post niya na last two taping days na lang nila para sa Marian.

Sinabi mismo ni Marian sa launch nito as celebrity endorser ng Nailandia Nail Salon & Body Spa na tuloy ang show hangga’t kaya pa ng Primetime Queen.

Paglilinaw ni Christian, “What I meant sa post ko is this season. So this season.

“Kasi blessing na rin itong second season ng Marian kasi akala namin one season lang, e.

“So ang running joke nga habang hindi pa buntis si Marian, e magkakaroon ng third season,” at tumawa si Christian.

“So yung second season, medyo malapit na [matapos] by the end of the year.

“’Tapos yung third season, depende. Iyon ang we’ll see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN