Lovi Poe on being more open to sister Senator Grace Poe: “Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.”

Lovi Poe says previous StarTalk interview with half-sister Senator Grace Poe had a good impact in their communication: “Something good came out of it and it’s being able to say things that I wasn’t able to tell her before.”


“It’s more open now, at saka yung mga hindi namin nasabi noon sa isa’t isa, nasabi din namin.”

Ito ang pahayag ni Lovi Poe nang kamustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa komunikasyon nila ng kanyang half-sister na si Senator Grace Poe, matapos silang ma-interview nang magkasama sa anniversary episode ng StarTalk ng GMA Network ilang linggo na ang nakalilipas.

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng press si Lovi nitong Miyerkules, November 19, sa press conference ng Shake, Rattle & Roll XV, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Si Lovi ay anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. kay Rowena Moran, samantalang adopted daughter naman nina Da King at Susan Roces si Senator Grace.

Read: Lovi Poe feels awkward during interview with half-sister Senator Grace Poe

Kuwento pa ni Lovi, “Parang gumaan yung loob ko, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Kasi nga, yung mga bagay na ’yon, parang siyempre uneasy ako na sabihin.

“Siguro things happen for a reason.

“At first, I was hesitant to do the interview kasi kabado ako, because parang it’s something too personal for me.

"Pero ayun nga, something good came out of it, and it’s being able to say things that I wasn’t able to tell her before.”

Tinanong din kay Lovi kung ano ang reaksiyon ng kanyang inang si Rowena na nabuksan ang komunikasyon nila ng kanyang Ate Grace.

Ayon sa Kapuso actress, “She’s happy about it, although we didn’t know na split pala siya [StarTalk interview] in two parts.

"Hindi na namin napanood yung second part, but mas lalong gumaan.

“Magaan ang loob ko kay Ate Grace, pero parang mas lalo akong naging kumportable sa kanya.

"Things that weren’t said before, parang nasabi namin sa isa’t isa."

ON ROCCO NACINO. Samantala, sinabi ni Senator Grace sa isang panayam na looking forward siyang makilala ang boyfriend ni Lovi na si Rocco Nacino balang-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kunan ng reaksiyon dito si Lovi sa presscon ng Shake Rattle & Roll XV, sinabi ng aktres, “Of course, if given the right chance, the right time, for sure one day mapapakilala ko sa kanya si Rocco.”

Napag-usapan na ba nila ng senadora ang tungkol kay Rocco?

“Yeah, there was a time nga we were talking about him. Nagpakita pa ako ng photos namin,” pagkumpirma ni Lovi.

Read: Senator Grace Poe hopes half-sister Lovi Poe will end up with someone who will truly love her

Ano ang pakiramdam niya na suportado ng kanyang kapatid at pamilya ang relasyon niya sa Kapuso actor?

“Nakaka-pressure,” mabilis na sagot ni Lovi.

“Hindi naman,” sabay-bawi niya. “It’s always a good thing.

"Of course, kung sino man yung karelasyon ko, siyempre ang importante sa akin, nagkakasundo sila ng pamilya ko.

"I’m happy mabait si Rocco.

"My family naman, wala silang masasabi about him, so I’m thankful na rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN