Pops Fernandez enjoys “the other side” of showbiz

Pops Fernandez now prefers producing shows for fellow celebrities. She says, “This still gives me an opportunity to be mingling in the same crowd, but now, I’m on the other side. I’m enjoying this a lot kasi lumalabas yung creativity ko, lumalabas yung pagiging business-minded ko.”


Pinili raw talaga ni Pops Fernandez na mag-lie low muna sa pagiging performer dahil mas nagugustuhan niya ngayon ang pagpo-produce ng shows at concerts.

“I’m actually okay with what I’m doing now,” bungad ni Pops nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng The Penthouse... Live! Reunion kaninang tanghali, November 21.

Kasama ni Pops na humarap sa media ang dating asawa at kasamahan sa kilalang variety show noong ’80s na si Martin Nievera.

Gamit ang production company na itinayo ng kanyang ina, ang DSL Events and Production House Inc., nakakapag-produce si Pops ng shows para sa mga kasamahan sa industriya.

Ayon sa tinaguriang Concert Queen ng bansa, mas nae-enjoy niya ngayon ang bagong trabaho.

“I love to sing, don’t get me wrong.

“I’m so grateful with my showbiz path that I took.

“But I just think I want to grow in a different field, but still showbiz-related.

“Kasi, kapag showbiz naman, ang hirap umalis.

“So, this still gives me an opportunity to be mingling in the same crowd, but now, I’m on the other side.

“I’m enjoying this a lot kasi lumalabas yung creativity ko, lumalabas yung pagiging business-minded ko.”

Aminado ang singer na nakakapanibago ang pagiging producer.

Aniya, “It’s not totally different, but it’s a whole new talent that I need.

“It’s a whole new different world and iba na rin ang pakikipag-usap.

“Now, it’s different if you wanna talk to artists that you want to produce. It’s a totally different way.”

Simula nang mag-takeover siya sa DSL production, nakapag-produce na si Pops ng shows para kina BB Gandanghari, John “Sweet” Lapus, Aiza Seguerra, at ang pinakahuli ay ang major concert ni Toni Gonzaga na Celestine.



PENTHOUSE LIVE! Ang panibagong ipo-produce ni Pops ay reunion concert para sa kilalang ’80s variety show na The Penthouse... Live.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa dating host ng programa, marami siyang naalala habang pinaplano nila ang mga gagawin para sa naturang concert, na gagawin sa December 12 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

“I miss doing Penthouse, now that we’re preparing for the reunion.

“It brings back a lot of good memories kasi nga dito talaga kami nag-start.

“Dito talaga kami napansin. Dito talaga nag-take-off ang individual careers namin as well as our careers together.

"It started new things for us."

Sa naturang programa rin unang nagkakilala sina Pops at Martin.

Dahil madalang na humarap sa camera, sabi ni Pops, “Nami-miss ko yung hosting, yung buong concept ng ng Penthouse...

"Interviewing people and then you’re gonna look back then, guesting new talents na first time naming nakikilala, pero nagiging friend namin eventually.

“There’s so much pride in it.

"Again, we’re just part of that pride because we are also just chosen to do the show."

Dagdag pa niya, “Ako, ang dami kong natutunan when I did the show.

"I became a little bit more confident. Kasi dati, baby pa ako.

"Ngayon, iba ang mga showbiz talents, mas confident na ang mga talent—marunong na silang kumanta at marunong nang sumayaw.

“It’s nice to reminisce, it’s nice to bring back a lot of good memories while we’re discussing Penthouse.”

Bagamat gusto raw niyang magbalik sa pagkanta at paghu-host, naisip naman daw ni Pops, “Aside from the noontime shows, parang kakaunti na lang din ang variety show ngayon. Unless they come up with a new concept.”



MORE ME TIME. Dahil focused na siya sa pagiging producer, mas marami raw oras si Pops para sa sarili.

“Kasi, di ba, I started so early?

"So, parang now, I have a little bit more time for myself, which I never had when I was a teenager."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay biro pa niya sa katabing si Martin, “I was never a teenager. I just got married right away.

"Then, I was a mom right away.

"’Eto pa, I was annuled right away!”

Sa hiwalay na panayam, seryosong sinabi ni Pops na mainam na ang kanyang ginagawa ngayon dahil, “I promised myself kasi that I’m gonna experience more of my life.

“Kasi, back then, it’s just really work, work, and work.

"Now, at least, marunong na akong magbakasyon.

“Mayroon na akong Pop’s days when I can just really relax.

"Noong araw kasi, I had too much pressure.

“Every time wala akong work, nagpa-panic ako kung bakit wala akong work.

"Kasi, ’di ba, you just wanna keep on working, you wanna keep earning, parang feeling mo you have to do something."

Diin pa niya sa huli, “Now, I appreciate yung mga free days ko naman!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN