Vice Ganda returns to It’s Showtime; to undergo operation in January to remove polyps

Vice Ganda and Kris Aquino have competing entries in Metro Manila Film Festival but they’re sport about it, apart from the fact that her son Bimby is in Praybeyt Benjamin and she herself has a cameo appearance in the movie.


Ilang araw nang nakabalik sa It’s Showtime si Vice Ganda, taliwas sa naging pamamaalam niya na pansamantala siyang mawawala dahil kailangan niyang ipahinga ang kanyang lalamunan.

Pero sa kabila ng problema sa kanyang kalusugan, lumabas noon ang balitang may malalim daw itong tampo sa pamunuan ng It’s Showtime kaya pansamantalang namahinga noon ni Vice.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Miyerkules, November 19, sa set ng It’s Showtime, nilinaw ni Vice na wala siyang naging anumang problema sa kahit na kanino man sa show.

“Wala akong nakaaway na kahit na sinong host or staff, masayang-masaya kaming lahat.

"Inaaway nila ako pag ’di ako pumapasok.

“Masaya, masaya na may nag-aantay sa akin, masaya na may binabalikan akong pamilya.

"Ang tagal ko na ring walang ginagawa, ang tagal ko rin nakanganga lang sa bahay.

"Bihirang lumabas, pero lumalabas pa rin ako.”

HEALTH ISSUES. Kinumusta namin kay Vice ang kanyang kalusugan, partikular ang polpys na nakita sa kanyang lalamuan.

Saad niya, “Makakasama kaya prolonged yung medications ko kasi kailangan ko ding maoperahan.

"Gusto nila conservative, as much as possible madaan sa gamot.

"E, hindi nadaan sa gamot.

"Nawala na yung pamamaga ng lalamunan, pero yung polpys, nandito pa rin.

“May mga cases na ’di naman kailangang tanggalin na yung polpys hangga’t di nakaka-bother or nagbabago.

"Pero ako kasi, gusto kong tanggalin kasi naba-bother ako."

Ooperahan daw si Vice sa January.

Pero bukod sa polyps ay may acid reflux din siya na nagpapahirap sa kanya.

"Hanggang ngayon, mayroon akong gamot na pang-maintain.”

LIFESTYLE CHANGE. Inamin naman ni Vice na naabuso rin niya ang kanyang kalusugan dahil sa araw-araw na pagpupuyat at gimik. Pero sa ngayon daw ay nabago na ng comedian ang kanyang lifestyle.

“Nabawasan na nang nabawasan, ’di tulad dati gabi-gabi, as in gabi-gabi!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, once a week, minsan wala pa, pero lumalabas pa rin.

"Minsan, ’di na rin ako sinasamahan ng mga kasama ko, ayaw na nila, ’di nila ako kinukunsinti."

Dagdag niya, “Vodka? Oo, bawas.

"Pero sabi nga nung doktor, ’Di ko naman puwedeng sabihin sa iyo na tangggalin mo totally. Kasi malulungkot naman ang buhay mo, pero bawasan nang bawasan hanggang sa mawala.’

"Kaya ayun, binabawasan ko. Saka ’di ako masyadong ma-alak, ’di ako mainom ng alak.

"Sobrang harot lang talaga ang habol ko dun, chikahan with the bekis."



SPECIAL VISITOR. Sa kanyang pagkakasakit, may espesyal bang taong dumalaw sa kanya.

Sagot ni Vice, “Marami sa Showtime, mga kaibigan ko.

"Special someone? Wala naman.

“Lagi naman in love ang puso ko.

"Nagkabalikan kami? Sino ’yan?" tawa niya bilang pagtukoy sa lalaking naugnay sa kanya noon.



FRIENDLY COMPETITION. Samantala, sa 2014 Metro Manila Film Festival ay parehong may entry si Vice at ang matalik niyang kaibigan na si Kris Aquino.

The Amazing Praybeyt Benjamin kay Vice at Feng Shui 2 naman kay Kris.

Ibinalita sa amin ni Vice na may special appearance pala ang kaibigan sa Praybeyt Benjamin, kung saan kasama rin sa cast ang anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.

Sabi ni Vice, “Proud mama si Kris, ’no!

"Si Kris, laging nakabantay sa shooting namin at abangan ninyo, mayroon siyang special appearance.

"So, Pryabeyt Benjamin at Feng Shui ang pelikula niya... nandun din siya sa Praybeyt.

"Masaya kasi wala kaming kumpetisyon ni Kris, sobra kaming suportahan na dalawa.

"Sabi nga niya, ’O, pa’no ang gagawin natin sa Pasko? O unahin na ang Benjamin pagkatapos diretso tayo ng Feng Shui.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN