Bea Binene on Jake Vargas: "...I trust him a lot. I know that he will not break my trust."

Bea Binene remains confident that her boyfriend Jake Vargas will not stray: “Because I trust him. And siguro I know that he is not that kind of person. And I trust him a lot. I know that he will not break my trust.”

Taken during her recent charitable event at Haven for the Elderly in Tanay, Rizal.


Nominated si Bea Binene at ang co-host niya na si Vicky Morales bilang Best Magazine Show Host sa PMPC Star Awards For Television na gaganapin bukas, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort And Casino.

Ang programa nilang Good News ay nominado rin bilang Best Magazine Show.

“Dati sa Lovely Day, we have received several awards na rin from different award-giving bodies,” sabi ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Pero siyempre ngayon, masaya pa rin kasi after three years namin sa Good News, na-recognize kami.

“Do’n sa nomination pa lang kasi, malaking recoginition na iyon and siyempre, we hope na sana manalo kami.

“Maganda po siyang pang-encourge sa amin sa Good News.

"At saka maging inspirasyon sa amin na mas pagbutihin pa ‘yong pagbibigay ng good news sa mga viewers dahil sa ganito na nari-recognize kami ng mga award-giving bodies.

“And siyempre, sobrang proud ako na si Ms. Vicky Morales ang kasama ko sa show.

"Opo naman, it’s an honor po talaga working with her and being in a show with her.

"Siyempre sa news na talagang ‘yong ginagawa ko na paghu-host ay isa sa mahal ko, sobrang masaya po.”

THREE SHOWS. Hindi ba nakakapagod para sa kanya na kung saan-saan siya nagpupunta para makahanap ng good news na maibabahagi sa viewers? To think na meron siyang dalawa pang shows, ang Sunday All Stars at ang primetime series na Strawberry Lane.

“Hindi naman kasi masaya po, e.

“Masaya siyang gawin ’tapos marami akong nadi-discover.

“At saka it’s fun din na ang mga segments ko ay puro tungkol sa mga pagkain.

"So ang saya talaga na nakakatikim ako ng mga unique na dishes, mga iba’t ibang dishes, gano’n.”

Alin ang mas na-i-enjoy niyang gawin—acting o hosting?

“Pareho po, pero mas nauna ako sa hosting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sila ng boyfriend niyang si Jake Vargas ang magkatambal sa Strawberry Lane.

At exciting daw ang pagpasok ng isang bagong character na magiging kaagaw niya sa young actor.

“Abangan na lang nila kung ano ang mangyayari sa amin ni Jake.

"Kung paano magkakaroon ng conflict sa magandang pagtitinginan namin.”

SECURE WITH JAKE. Paano kaya kung sa totoong buhay biglang may pumasok din na third party na makakagulo sa kanilang relasyon?

“Wala po. I don’t think mangyayari iyon.

“Confident po ako na hindi mangyayari iyon.”

Feeling secure siya kay Jake?

“Confident!” sabay tawa ni Bea.

“Because I trust him. And siguro I know that he is not that kind of person.

“And I trust him a lot. I know that he will not break my trust.”

Nagsimula na rin daw ang preparation nila ng kanyang pamilya sa darating na Kapaskuhan.

“Actually nagpagawa na kami ng mga gift cards, ng mga greeting cards.”

Plano rin ba niyang magbakasyon?

“I hope. Kaya lang medyo mahirap kasi gaya no’ng nakaraang Undas, October 31, nagti-taping pa kami.

“Hindi pa sure kasi ang schedule kaya mahirap mag-plan ng holiday vacation na mag-a-out of town o out of the country ka.

“Kaya siguro kung makakapagbakasyon man, ‘yong mga mabilisan lang na ilang oras lang ay mararating na ng sasakyan.”

Pupunta ba sila sa Olongapo City kung saan naka-base ang pamilya ng boyfriend niya?

“Si Jake kasi sobrang family person, e. Pero last year, magkasama naman kaming nag-Christmas.

“Pero ngayon hindi pa sure, hindi pa namin napag-uusapan.

“Kasi ‘yong taping, ang hirap magplano nang hindi mo pa alam ‘yong schedule mo.”



THRILLER. Samantala, excited din sa Bea sa ginawa niyang horror film na Liwanag Sa Dilim kung saan kasama rin niya si Jake.

Ginagampanan niya rito ang role ng isang probinsiyanang dalaga na naninirahan sa isang baryo na may mga aswang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napanood na namin ‘yong dummy trailer nito. Wala pang effects o scoring pero nakakatindig-balahibo na.”

Kailan ang playdate nito?

“Early next year po, baka last week ng January o baka abutin ng Valentine’s Day which is okay lang naman.

“Kasi maganda rin namang manood na may kasama ka habang natatakot-takot ka!” natawang biro pa ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN