Marian Rivera says Dingdong Dantes will shoulder all wedding expenses: "Ni isang kusing po wala po akong ginagastos!"

Marian Rivera is experiencing an explosion of happiness as her wedding to Dingdong Dantes nears, "Sobrang kinikilig ako, na-e-excite talaga ako. Mas dun ako e kesa sa kinakabahan. More on talagang sobrang excited na excited. Kung puwede ko lang hatakin yung December 30, hinatak ko na.”


Ayaw magbigay ni Marian Rivera ng detalye tungkol sa design ng gown niya lalo na tungkol sa presyo nito.

“Dun po sa sinasabing mahal ang gown ko, tanungin niyo na lang po sa magiging asawa ko kasi siya po ang gumagastos para sa kasal namin.

“Ni isang kusing po wala po akong ginagastos.

“Totoo po, iyon po talaga ang katotohanan, wala po talaga akong ginastos.

“Kaya nga po nagsa-shopping ako, e,” at tumawa si Marian.

“Nagsa-shopping! Hindi, joke lang, pero totoo yun.”

Nalalapit na ang kasal nila ng kasintahan niyang si Dingdong Dantes, ano ang feeling?

“Nakakakilig, nakaka-excite. Sabi ko nga, nung nagpunta ako sa Dubai, nung sinukat ko yung wedding gown ko, parang naiiyak na ako.

“Sabi ko, ‘Eto pa lang yun, what more kapag nasa simbahan na ako at totoong suot ko na talaga yung wedding gown ko?’

“So iba-iba yung feelings, parang basta masaya na hindi ko maipaliwanag.

"Kung puwede ko lang hatakin yung December 30, hinatak ko na sa sobrang ka-excited na ko!”

Hindi siya ninenerbiyos o nate-tensiyon?

“Hindi! Sobrang kinikilig ako, na-e-excite talaga ako.

"Mas dun ako e kesa sa kinakabahan, baka ganito, baka ganun...

"Hindi, e. Mas more on talagang sobrang excited na excited na ako.”

Hindi raw nakita ni Dingdong ang style ng gown niya.

“Ayoko! Nandun siya, sinamahan niya ako pero hindi niya nakita yung style ng gown ko.”

PAMPERING DINGDONG. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launch niya bilang endorser ng Nailandia Nail Salon & Body Spa noong November 14 sa Cerchio restaurant.

Ang ibang babae, bilang paglalambing ay mina-manicure o pine-pedicure ang kanilang boyfriend, nagawa na ba niya ito kay Dingdong?

“Nagupitan ko lang siya ng kuko pero hindi ko pa naman siya nama-manicure.

"Ay! One time yata pumunta kami sa isang mall, tina-try ko kung ano ang magandang polish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, naka-polish ako e ’di sa kanya ko tiniray.

“Wala naman siyang arte sa ganun, e.”

Kasama ba sa kontrata niya bilang endorser ang magkaroon ng sarili niyang franchise ng naturang nail salon at body spa?

“Next year pa yun,” at tumawa si Marian.

“Gradual muna, step by step. Mas maganda siguro yung unti-unti kesa biglaan, ito muna.”



MARIAN’S DAD. Ikinuwento ni Marian na pupunta ang ama niya dito sa Pilipinas mula sa Spain para dumalo sa kasal nila ni Dingdong.

"Uuwi po siya sa December 26. Dapat Christmas, sabi ko, kawawa naman yung mga kapatid ko.

"Christmas muna siya doon, sa akin na siya sa New Year.”

Walang raw kasamang mga kapatid niya sa pagdating ng kanyang ama niya, "Gusto ko po siyang masolo," biro ng aktres.

“Hindi, kasi naawa naman ako kay Papa, tatlo yung mga kapatid ko, e.

"Mamaya e wala namang…sila lang dalawa pati asawa niya.

"Makulit kasi yung mga bagets ’tapos ikakasal pa ako.

"Ayaw ko siyang ma-stress.

“Sabi ko, ’Gusto ko sa araw ng kasal ko e ang iniiisip lang niya ay ako.’”

Dadalhin din daw nila ang kanyang ama sa Boracay dahil ito raw ang wish nito, ang makarating specifically sa Station 2 ng naturang island paradise.

HONEYMOON. Hindi naman raw nila isasama ito sa honeymoon.

Sambit niya na may kapilyahan, “Hindi na, out na siya.

"Paano kami makakabuo kung nandun siya,” at tumawa si Marian.

Mga isang linggo raw mamamalagi sa Pilipinas ang kanyang ama.

“Gusto nga niyang magtagal pa, ang problema, aalis na kami ni Dingdong.

"Siyempre kailangan naming mag-unwind. Unwind!”

Saan ang honeymoon?

“Kung saan? Babalitaan ko po kayo kasi bukas may meeting kami [sa mga taga-travel agency] kung saan kami pupunta.

"Kasi halos lahat ng magagandang lugar, winter.

“So wala pong labasan ng bahay, mahirap po yun.”

Gusto kasi ni Marian na makakagala sila ni Dingdong sa lugar na pupuntahan nila at mahirap nga namang gawin iyon kung winter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENTOURAGE. Samantala, ilan sa mga pangalang kasama sa entourage nila ay sina KC Concepcion, Bianca Gonzalez, at Ai-Ai delas Alas.

“Actually si Kath [Kathryn Bernardo] talaga e kasama.

"Ang problema, ang sabi niya, wala siya dito so ayoko namang bungi yung entourage ko.

“Si Ate Charlene [Gonzalez] talaga, tinawagan ko, dapat kasama siya sa entourage ko.

"Ang problema, aalis sila ni Kuya Aga [Muhlach] kasama yung mga anak nila.

“Okay lang.”

PROJECTS. Tapos na raw mag-shooting si Marian para sa My Big Bossing’s Adventure.

“Pero may isa akong gagawin, ano lang, maliit na role lang, movie din.”

Ayaw munang i-reveal ni Marian ang pelikula kung saan may cameo appearance siya pero pagkatapos raw nito ay susunod ang isa pang movie project na siya na ang leading lady.

Siya rin ang leading lady ni Vic Sotto sa episode na "Taktak" ng My Big Bossing’s Adventures, ang trilogy na entry sa Metro Manila Film Festival.

Sabi ng aktres, “Isa ako doong pinaka-producer ng isang talk show ’tapos siya yung host ko na medyo may something kaming dalawa.

“Pero wholesome po siya, wala pong kissing scene, bawal.”

Biniro namin si Marian na kung si Dingdong ay may pelikulang Tiktik, siya naman ay may pelikulang Taktak.

Tumawa ang Primetime Queen at dagdag pa niya, “Kubot yung kanya. Hindi na Tiktik, Kubot na.”

Entry rin sa MMFF ang Kubot (The Aswang Chronicles) ni Dingdong.

Isa rin sa mga pinagkakaabalahan ni Marian ay ang Saturday dance show niyang Marian sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN