Martin Escudero admires Coco Martin’s down-to-earth attitude: “Bow talaga ako sa taong yun.”

Martin Escudero admires Coco Martin’s humility and down-to-earth attitude: “Siyempre, nakakaano, ’di ba? Kasi kahit big star na siya, malaking artista na, ganun pa rin siya. Hindi lahat ng artista ay ganun.”


Noon pa man ay hinahangaan na raw ni Martin Escudero ang award-winning actor na si Coco Martin dahil bukod sa husay nitong umarte ay ang ayus-ayos raw ng career at personal na buhay nito.

Patuloy niya itong iniidolo lalo na ngayong magkasama sila sa pelikulang Feng Shui na bukod kay Coco ay pinagbibidahan din nina Kris Aquino at Cherry Pie Picache.

Isa ito sa mga official entries sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Bungad ni Martin, “Si Coco lagi ang nakaka-eksena ko, at masasabi ko na deserving pala talaga sa kanya yung maging malaking artista siya dahil napakabait at napaka-down-to-earth niya.

“Bow talaga ako sa taong yun.

“Si Kris, gusto ko rin sana siyang maka-eksena kaya lang, dun siya sa mayaman na part, at sa mahirap ako, kaya kami lagi ni Coco ang magkasama.”

COMPARING NOTES. Ano naman ang pinag-uusapan nilang dalawa sa set, lalo na nga’t halos may hawig ang paglalakbay nila sa showbiz?

Si Coco ay nagsimula sa indie movie na Masahista. Dito niya napatunayan na may potensiyal siya sa pag-arte.

Samantalang si Martin naman ay ginawaran ng Best Actor award para sa indie movie na Zombadings: Patayin Sa Shokot Si Remington.

Aniya, “Marami kaming napag-uusapan pero, tungkol doon sa mga eksena.

“Hindi pa naman kami umabot sa advice-advice kasi, feeling ko, kumbaga, yung respetong ibinibigay namin sa isa’t isa, tulungan dun sa mga eksena mismo.

“Kasi, hindi pa naman kami nakakapagkuwentuhan tungkol sa personal, e. Puro tungkol sa trabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media ang aktor sa "Outback Gives Back" charity campaign na itinaon sa opening ng Outback Steak House sa Blueway Walk, Macapagal Avenue, Pasay City kagabi, November 22.

Ang event na ito ay idinaos bilang pagtulong ng Outback chairman na si Prasoon Mukherjee sa SOS Children’s Village, na mga biktima ng bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-donate ang kompanya ni Mukherjee ng 250,000 pesos sa SOS Children’s Village. Sabi ng butihing executive, inspirado raw siya sa kabutihan ng “King of Primetime Teleserye.”

TOUCHED BY COCO’S HUMILITY. Sa patuloy na pagpuri ni Martin sa kanyang co-star, dagdag pa nito, “Makikita mo talaga kung gaano siya kabait.

“Lahat ng mga nakakahalubilo, inaasikaso, kahit halimbawa grupo ng art department, asikaso pa rin.

“Grupo ng ganito, asikaso pa rin, pinapansin niya, kinukumusta niya.

“Sa mga eksena rin, nag-uusap kami, ’Pare, ganito yun,’ tinuturuan pa niya ako, tinutulungan.

“Siyempre, nakakaano, ’di ba, kasi kahit big star na siya, malaking artista na, ganun pa rin siya.

“Hindi lahat ng artista ay ganun.”

Dugtong pa niya, “Siyempe, lahat tayo, hindi man sumikat na kasing sikat niya, at least, magkaroon ng trabaho na tuluy-tuloy, okey na ako.

“Kasi, ’pag artista ka naman, hoping na maging sikat kasi, andun yung trabaho, lalapit sa ’yo.

“Normal, siyempre, gusto nating maging ganun pero, ang habol ko na lang talaga ay makatrabaho ang lahat ng magagaling at sikat.”

HAPPY WITH CAREER. Sa parte naman niya, kumusta naman ang takbo ng kanyang career?

Ayon sa 25-year-old Kapatid actor, "Ngayon, ang masasabi ko, [I’ve] never been happier, sobrang enjoy ako sa buhay ko.

“Nandun na ako, may mga mangyayari na may mawawalang opportunities, pero napapalitan naman yun.

“Okey naman, kahit papaano, may work na dumarating.”

BACK TO SCHOOL. May iba pa nga raw siya ngayon na pinagkakaabalahan, bukod sa pag-arte.

Rebelasyon niya, “Nag-aaral ako ngayon, sinasabay ko sa trabaho ko kasi kailangan ko yun.

“Nagkakaroon pa rin naman ako ng trabaho kahit papaano kaya sobrang wala na akong mahihiling pa sa Diyos.

“Lahat yun ay inaayos Niya, ibinibigay Niya.

“Nakakontrata pa ako sa TV5, two years pa.”

Kursong Hotel and Restaurant management ang kinukuha niya kaya yung pagiging “waiter” niya sa OutBack Steak House para sa charity kagabi ay naging makabuluhan sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First year student si Martin sa STI, sa Alabang branch.

Napapangiting saad ng student-actor, “Heto, pagsi-serve sa customers, sobrang na-enjoy ko ngayong gabi.

“Gagawin ko rin kasi ito, magiging part ito ng buhay ko, okey naman, enjoy.”

Bakit nga naisipan niyang bumalik sa pag-aaral?

Aniya, “Maraming rason, e.

“Hinahanap din ng utak ko—bagong learning, bagong skill, bagong mundo.

“Kailangan kasi, ayokong nai-stuck ako, e.

“Gusto ko laging may ginagawa, para maging productive ang buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN