Young JV unscathed after alleged nude photo scandal: “Hindi naman apektado...”

Young JV on alleged nude photo scandal: “Hindi naman apektado, nagpahinga lang ako to clean out what I did lang, to be a better me sa career ko. ’Di naman ako nag-sorry. I guess in a way nagpakalma lang ako.”


Matatandaang noong June 2014 ay kumalat sa Internet ang nude photo ng isang kabataang lalake na kahawig na kahawig ng singer na si Young JV.

Sa maraming pagkakataon ay sinubukang kunin ng media ang panig ng Star Magic talent pero nanatiling tikom ang kanyang bibig tungkol sa kontrobersyal na larawan.

Sa Gatsby’s Dance competition na ginanap noong nakaraang Sabado, November 15, sa Market! Market! sa Taguig City, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Young JV at dito ay agad naming kinumusta ang singer at kung paano ba siya bumangon sa kontrobersiyang kinasangkutan.

Sabi niya, “Mabuti, nakapagpahinga na tayo. Actually, first show ko ito to perform sa mga kabataan sa colleges.

“Sa lahat ng nangyaring issues, I had to [wait for them to] die down. Saka nag-prepare ako para sa third album ko, saka bagong serye na mag-i-start na sa January.”

Agad naming tinanong si Young JV kung gaano ba siya naapektuhan sa nangyari at kung humingi ba siya ng tawad sa mga tagahanga o sa kanyang pamilya.

Aniya, “Hindi naman apektado, nagpahinga lang ako to clean out what I did lang, to be a better me sa career ko. ’Di naman ako nag-sorry. I guess in a way nagpakalma lang ako.

“Supportive pa rin sila [ang mga fans] sa akin. I am lucky nandiyan pa rin sila sa akin, at sabi nga nila hanggang tumanda daw ako Young JV pa rin daw sila. Very touched ako sa kanila.

“Para sa akin, masarap kalimutan lahat ang problema [at] issues.”

GEARING UP FOR 2015. Ayon kay Young JV ay magiging busy siya sa susunod na taon.

Mga bagong projects ang nagsilbing inspirasyon para maka-focus siya sa magagandang nangyayari sa buhay niya kaysa sa intrigang kinasangkutan.

“Maraming blessings. Sa lahat ng nangyari sa nakaraang year, erase na yun. Bagong taon na.

“Maganda ang mix kasi ng third album ko ito, [it’s a] more matured me. By January din siya ire-release.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos nagpe-prepare kami para sa bagong serye, ’di pa siya napa-plug pero January daw yun.

“’Di siya mabigat, mix siya, inaaral ko pa yun script e, kaya ayoko pang sabihin.”

CHRISTMAS WITH FAMILY. Para sa nalalapit na Kapaskuhan, ipagdiriwang ito ng singer kapiling ang kanyang pamilya, lalo’t wala pala siyang lovelife sa ngayon.

“Yes, excited and happy ’cause I am spending time with my family, saka [maraming] blessings sa trabaho ko kaya masaya ang Christmas ko.”

“Lovelife? Wala pa muna. Dating, pero wag munang i-priority yun, mas maganda kung career muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN