Derek Ramsay looks forward to spending birthday, holiday season with son Austin

Derek Ramsay on spending more quality time with son Austin in the coming holiday season: “I’m going to maximize the time that I have because he’s leaving in December for Dubai. He’ll be starting school in Dubai in January.”


Ayon kay Derek Ramsay, itong darating na Pasko ang pinakamasaya para sa kanya dahil kinikilala na siyang ama ni Austin, ang anak niya kay Mary Christine Jolly.

Pasko ang pinakapaborito niyang panahon dahil nakakapagpahinga siya kasama ang kanyang pamilya. Mas espesyal daw ang Pasko ngayon dahil kasama na niya ang kanyang anak.

Aniya, “I have always said that this is my favorite time of the year, and I’m looking forward to taking some time off work.

“I want to spend time with family and just enjoy the break.”

Baka hindi daw niya makakasama ang kanyang anak sa mismong araw ng Pasko dahil nakatakda na itong umalis patungong Dubai para ipagpatuloy ang pag-aaral niya roon.

Nagkaayos na raw sila ni Mary Christine kaya pumayag na itong makasama niya ang kanilang anak.

Pahayag ng Kapatid actor, “I have an opportunity to be a father which wasn’t given to me before."

Sabi pa niya, “I’m going to maximize the time that I have because he’s leaving in December for Dubai. He’ll be starting school in Dubai in January.”

QUALITY TIME WITH SON. Patuloy niyang kinukuwento na ngayon ay may sapat na panahon na siyang makasama ang kanyang anak.

Masaya niyang sinabi na mapapanood na raw siya na kanyang anak sa paglaban niya sa Frisbee tournament. Baka iyon na raw kasi ang huling pagsali niya sa naturang laro.

Saad ng aktor, “I got to spend two full days with him.

“We did a lot of things.

“Then he’s gonna have three days straight with me. It’s gonna be awesome.

“He’s gonna get to see me perform and maybe idolize me, and maybe I can motivate him to do more sports, because he’s really into videogames. I prefer that he gets more into sports.”

MUSIC TO HIS EARS. Ang isa pang ikinatuwa ni Derek ay tinatawag na raw siyang “Dad” ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He already called me ’Dad.’ That’s great!” natutuwa niyang pahayag.

“When I heard that, it melted my heart. I was like…’Wow! Dad already? Cool!’”

“I thought we’re friends. He was like…’We are friends. But since you know, you’re my blood. You’re my Dad,’” masayang pahayag ng 37-year old na aktor.

BIRTHDAY WISH. Isi-celebrate ni Derek ang kanyang kaarawan sa December 7 at nagpapasalamat daw siya kay Mary Christine dahil pumayag itong makasama niya ang kanilang anak sa espesyal na araw na iyon.

“Mary Christine was nice enough to allow us to spend my birthday with Austin, and he will make a decision if he wants to spend Christmas with me,” saad ng aktor.

REKINDLING FRIENDSHIP WITH EX-WIFE. Hindi daw sila masyadong close ng dating asawa, ngunit umaasa siya na balang araw, mababalik kahit ang pagkakaibigan nila, alang-alang sa kanilang anak.

“We’re civil,” pakli nito.

“Maybe one day we can be friends, I mean, genuine friends.

“For Austin’s sake, I want that to happen, but you can’t do that overnight.

“There are a lot of things that happened; things that were thrown out that hurt me, that hurt Austin.

“It’s gonna be a process wherein the two of us will have to work for the benefit of Austin,” patuloy ng aktor.

Ang pakiusap na lang ni Derek sa lahat, “Huwag na sana nating gawing negative, something that is already positive.

Dagdag pa niyang pahayag, “With all the negativity and the setbacks that I experienced this year, even last year, it’s weird how when the year ends, everything is great.

“I’m looking forward to being a father to Austin in the following years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN