Mark Neumann happy about his showbiz career: “I feel blessed na kahit dahan-dahan lang, kumbaga, nakikilala na kami.”

Hindi naman daw nagmamadaling sumikat ang TV5 actor na si Mark Neumann. Dalawang taon na siya sa showbiz at ang mahalaga raw sa kanya ay mabigyan ng mga dekalibreng role at trabaho.


Dalawang taon na sa showbiz ang TV5 talent na si Mark Neumann.

Isa siya sa runners-up ng malawakang talent search ng Kapatid network noong 2012, ang Artista Academy.

Pero hindi naman daw nagmamadali ang 20-year-old actor na makilala o sumikat sa industriya.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman, basta may trabaho, okay na ako.

“That’s what the fun is all about, yung work.

"You know, you get to act in different roles, minsan kontrabida, any role will do for me. I like also doing action.”

Dahil sa pagpupursige ni Mark sa kanyang pag-arte, nabigyan siya ng magagandang role sa mga palabas ng TV5, kabilang na ang The Lady Next Door with Alice Dixson at ang toprating episode ng Wattpad series na Mr. Popular Meets Miss Nobody.

Sa ngayon daw, mas dumami pa ang kanyang mga tagahanga at naramdaman din daw ni Mark unti-unti na siyang nakikilala ng mga tao.

Saad niya, “’Yan yung maganda and I feel happy.

"I feel blessed na kahit dahan-dahan lang, kumbaga, nakikilala na kami, kahit dahan-dahan lang, step by step, pero masaya."

Pagdating naman sa labanan ng networks, aminado si Mark na pagdating sa drama ay lamang ang mga kalabang istasyon ng TV5.

Pero may panlaban din naman daw ang ‘Happy network.’

Sabi ni Mark, “Siyempre, we all know yung talagang drama, there’s Channel 2 and Channel 7.

"We, Happy network, kumbaga, kung gusto niyo kikiligin kayo or gusto niyo tumawa, light rom-com or light dramas, TV5 is the place to go.”

Nakausap ng PEP si Mark sa launching ng Wattpad episodes batch 3 noong Huwebes, November 20, sa Aristocrat restaurant, Jupiter St., Makati City.

MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY 2. Ngayong gabi, November 24, 9:30 P.M., muling mapapanood si Mark sa primetime ng TV5 sa pangalawang bahagi ng popular Wattpad story na Mr. Popular Meets Miss Nobody 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napi-pressure din daw ang Fil-Croatian actor dahil sa success na tinamo ng Part 1.

Aniya, “Excited at kinakabahan din.

"Kasi siyempre, first part, naano naman sila... they were happy.

“And I think they’re gonna be expecting na mas… dapat ano, mas maganda pa yung second part.

"Siyempre, kami may kaba pa rin, na parang sana magugustuhan nila ‘di ba?

"Yung first kasi, successful naman, sana maging okay ang pagtanggap nila sa Part 2.”

Makakasama pa rin ni Mark sa Part 2 ng Mr. Popular Meets Miss Nobody ang kapwa niya TV5 talent na si Shaira Mae at ang Kapuso actress na si Yassi Pressman.

(In photo: Yassi Pressman, Shaira Mae, and Mark Neumann. Photo by Noel Orsal.)

Hindi ba siya nahirapan sa character niyang mayabang?

Pag-amin ni Mark, “Medyo, dapat kasi yabang pa rin, ’tapos drama na sa second.

“May drama na kaya medyo light to medium drama na.

"May iyakan na, may sigawan na.

"Dapat ginawa ko yung best ko at sana magustuhan ng viewers."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN