Sunshine Cruz wins her first acting award after 13 years in showbiz

Sunshine Cruz is adjusting well to her new life as a single woman, like travelling solo, and recently she bought her own house from her own earnings. “I am enjoying life now with my three children. Sa awa ng Diyos, ’di tayo nawawalan ng trabaho. Tuluy-tuloy lang dun tayo naka-focus ngayon," she says.


Nakamit ni Sunshine Cruz ang kauna-unahan niyang award na kumikilala sa husay niya sa pag-arte.

Ito ay ang Best Single Perfomance by an Actress mula sa Star Awards para sa pagkakaganap niya sa isang episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalala Mo Kaya.

Labintatlong taon na pansamantalang namahinga sa showbiz si Sunshine para harapin ang pagiging maybahay ni Cesar Montano at ina ng kanilang tatlong anak na babae.

Ngunit nang maghiwalay sina Sunshine at Cesar, binalikan ng aktres ang pag-arte sa pamamagitan ng mga teleserye ng ABS-CBN.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News pagkatapos na 28th Star Awards for TV kagabi, November 23, na ginanap sa Solaire Resort and Casino.

Dito ay nagpahayag ng sobrang kaligayahan at pasasalamat ang aktres sa karangalang nakamit.

Sabi niya, “Parang umiikot kanina yung feeling ko dun sa stage, parang ang dami kong nakalimutan.

"Isa na dun ang mahal na mahal kong manager na si Tito Alfie [Lorenzo]...

"Sorry ’di kita nabati, pero alam mo naman yun.

"If not for you, wala ako ngayon dito. Ikaw yung pumansin lamang sa akin nung nasa That’s Entertainment ako.

"Maraming-maraming salamat for the love, trust, and support.

“This is my first award. I want to thank ABS-CBN for giving me that wonderful story, ang galing niya talaga.

"Kailangan palang magpahinga muna ako ng thirteen years sa showbiz dahil pagbalik ko, mas marami palang blessings na ibibigay sa akin ang Panginoon.”

Ayon kay Sunshine ay wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya ngayon dahil sa sunud-sunod na blessings na tinatanggap niya.

“Grabe, sabi ko nga, ano pa ba ang irereklamo ko sa buhay ko? I have three loving children, I have friends who are real.

"Mayroon akong teleserye, pang-apat na, may mga endorsements ako na mahal na mahal ako, yung mga bosses namin...

"I couldn’t ask for more."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GOSH! Galing sa Hong Kong si Sunshine kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbakasyon siya kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Dagdag niya, "It was exciting at the same time I was nervous, kasi ako lang umuwi mag-isa dahil gusto kong mag-attend ng Star Awards. Dapat bukas pa ang balik ko.

"Ang sa akin, it was the first time na ma-nominate ako, for the category pa of Best Single Performance By An Actress for MMK.

"Parang sa akin, my gosh! Dati pumupunta lang ako sa awards night kapag magpe-presentor or magpe-perform.

"Siyempre, kakarerin mo ang gown dati para manalo ka as Star of the Night, yung mga ganun.

"Ngayon, nakakatuwa na after thirteen years, kababalik ko lang, magtu-two years pa lang, heto ako, napansin ang ginawa namin sa MMK. Sobrang happy.

"Pero kanina nga, ang laki-laki kasi ng airport sa Hong Kong, ’di naman ako sanay na umaalis mag-isa.

"Ang aga-aga ko sa airport kasi baka maligaw ako! So, nakakatawa.

"I was with my best friend for sixteen years, she’s a manager of Ayala Land, si Ate Jun... puro kami girls.”

Dagdag niya, “I am enjoying life now with my three children.

"Sa awa ng Diyos, ’di tayo nawawalan ng trabaho.

"Tuluy-tuloy lang dun tayo naka-focus ngayon.

"Yung mga kids, yung isa ko rin nagdadalaga na, thirteen na.

"’Tapos ang daming oportunidad na ibinibigay ng ABS-CBN sa akin.

"So, ayoko naman silang ipahiya, ayokong mapahiya sa kanila kaya ginagawa ko ang lahat.”

HAPPY FOR EX. May balitang may bago na raw kasintahan ang estranged husband ni Sunshine na si Cesar Montano.

Ano ang masasabi ng aktres dito?

“I don’t know... of course, everybody deserves to be happy.

"Kung saan siya masaya, he’s happy sa life niya, I wish him well."

Pero pakiusap niya rin, “Huwag na natin siyang pag-usapan, move on na tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If he says na friends kami, why not, ’di ba?

"Okay na yun, huwag na natin siyang i-involve.

"Marami naman akong puwedeng ikuwento aside from my past.”

SINGLE. Dati ring nabalitang may boyfriend na raw si Sunshine, pero itinatago lang daw niya ito sa publiko.

Pero sinabi ng 37-year-old actress na hindi pa siya nag-e-entertain ng manliligaw ngayon dahil hindi pa annulled ang kasal nila ni Cesar.

“Ongoing siya...

"Hindi naman sa pagiging maarte o conservative, pero we all know dito sa ’Pinas, ’pag ang lalaki nakikitang may babae, kahit sampu pa ‘yan, okay lang.

"Pero ’pag ang babae kasi kahit sabihin mong hiwalay, pero sa papel ’di pa hiwalay, ’pag nakitang ka-date mo, masamang babae ka na.

“Boyfriend? E, nasaan na? Hanapin ninyo, hanapin ninyo kung mayroon.

"Kasi ang masasabi ko, walang-wala.

"Sa akin naman kasi, it will be be unfair for the guy kung kunwari magbo-boyfriend ako. Ano ang mangyayari, itatago ko?

"Ultimo coffee, ’di ako puwedeng mag-coffee, kawawa naman siya.

"Kung magkaroon ka ng boyfriend o inspirasyon, dapat proud ka dun, dapat dini-display mo yun, dapat may escort ako ngayon dito.

"Wala talaga.”

Muli ring iginiit ni Sunshine na walang namagitan sa kanila ni Ejay Falcon higit pa sa pagiging magkaibigan.

“Hindi naman ako napikon. Of course, nung una, ’O, ang bata sa akin ’tapos nanay niya ako sa Dugong Buhay.

"Pero, come to think of it, at least kung mali-link ako sa guwapo, ’di ba?

"Wala talaga, we are all friends... Arjo Atayde is my friend, Ejay.

"Lahat kami very close kami talaga dun sa very first serye ko na ginawa, so huwag na lang ganun."

NEW HOUSE. Mula sa sariling pawis ay nakabili na rin ng sariling bahay si Sunshine, at ito ang kauna-unahang Pasko na magseselebra dito ang aktres kasama ang mga anak.

Kuwento pa niya, “Bumili na ako ng bagong Christmas tree para sa bagong bahay namin, my first Christmas tree para sa bagong bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa, nakaka-excite!

"Simple lang, dun lang kami sa bahay.

"First time ko silang makakasama after maghiwalay.

"We’ll be together kahit simpleng Noche Buena."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN