Boy Abunda praying for peace between his friends Ai-Ai delas Alas and Kris Aquino

Already a Hall of Famer for excellence in hosting showbiz talk shows, Boy Abunda brings home the trophy for Best Public Affairs Program Host from PMPC Star Awards. Flustered, he remarks, "It’s always like you’re getting it for the first time... It strengthens your resolve to get better."


Si Boy Abunda ang nanalong Best Public Affairs Program Host sa PMPC Star Awards For Television na ginanap kagabi, Linggo, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort And Casino.

Ito ay para sa kanyang programang The Bottomline, na nagwagi namang Best Public Affairs Program.

Sabi ng tinaguriang King of Talk sa PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “After all these years, sabi ko nga, I have this Hall of Fame award for showbiz-oriented talk show as a host.

"Akala ko noon masasanay ako sa mga pagtanggap ng mga parangal.

“Hindi. It’s always like you’re getting it for the first time.

“So, sabi ko nga kanina sa aking speech, parang every time na nakakatanggap ka ng award na ganito, mas nagiging malakas.

“It strengthens your resolve to get better.

"Kasi, utang na loob mo sa sambayanan, yung mga producers, sa network, sa iyong staff ang anumang performance na iyong ginagawa sa harap ng camera.

“So, we should be better. We don’t have an excuse not to be better.

“Tuwing pinapanood ko ang aking sarili at kini-critic, ‘ika nga, yung aking performance sa iba’t ibang mga palabas, lalo na sa The Bottomline, there’s always a question that’s left unanswered.

"There’s always a question that you forgot to ask, a portion in the interview that you were not very attentive or you overthought.

“So, parang kapag nakakatanggap ka ng ganitong parangal, it humbles you.

"You remain a student and you keep on learning."

HEALTH RESTORED. Kampante ang sagot at maganda ang ngiti ni Boy nang kumustahin ang health condition niya ngayon.

Matatandaang ilang buwan naospital si Boy dahil sa pagkakaroon niya ng sakit.

“I’m fully-restored. I am fully recovered. Praise God!

“Sa lahat ng nagdasal, maraming-maraming salamat.

"Sobrang okey na ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko na po ang araw ngayon kapag umaga!” natawang biro pa niya.

Nakikita ang dedikasyon at energy ni Boy pagdating sa kanyang propesyon. Parang wala siyang kapaguran kahit sobrang stressful ang ginagawa niyang trabaho.

Saad niya, “Tayo kasi, when we start a job, we give our all, ’di ba?

“At saka, mahirap naman talaga ang trabaho natin.

"Pero dahil mahal natin ang trabaho natin, hindi siya nagmumukhang mahirap.

“I’m not hard on myself. I just feel na your public deserves more.”

KRIS & AI-AI. Christmas is fast approaching pero nananatiling may gap ang pareho niyang close friends, ang dating magkaibigang sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

May wish ba siya para sa kanila?

Sabi ni Boy, “Peace and prosperity. And love.

“Sino ba naman ang hindi magdadasal na sana ay magkaayos-ayos ang magkakaibigan?

"That’s one of my prayers."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN