Michael V. proud of Bubble Gang co-star Sef Cadayona for winning Best Comedy Actor at Star Awards for TV

There is a magic formula to keeping the audience in stitches in the 19 years of Bubble Gang. "Hindi sa pagmamayabang, kami lang yata ang grupo ng creative ng isang show na nakikinig talaga sa gusto ng audience namin,” says the master rib-tickler Michael V.


Ginawaran ng Hall of Fame award ang longest-running gag show ng GMA Network na Bubble Gang sa PMPC Star Awards for Television, na ginanap noong Linggo ng gabi, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Nandoon halos lahat ng cast ng show, sa pangunguna ni Michael V.; kasama sina Rufa Mae Quinto, Betong, Sef Cadayona, Max Collins, Sam Pinto, Ellen Adarna, at ang direktor na si Uro dela Cruz.

Ang Bubble Gang ang ika-apat pa lang na naluklok sa Hall Of Fame ng PMPC Star Awards For Television.

Ang naunang tatlong iba pa ay ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN sa larangan ng drama anthology noong 2009, si Boy Abunda sa larangan ng pagiging showbiz-oriented talk show host, at ang Eat Bulaga! sa variety show noong 2011.

Pabirong sabi ni Michael V nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasabay ang crew ng GMA News, “Medyo nalulungkot ako kasi next year, hindi na kami puwedeng manalo.

“Pero natutuwa rin kami dahil hindi na namin puproblemahin every year yung isusuot namin sa Star Awards.

“Unless ma-nominate ulit si Sef,” pagtukoy niya sa kasamahan nila sa Bubble Gang na si Sef Cadayona, na nanalong Best Comedy Actor.

Nominated din sa nabanggit na kategorya si Michael V for Pepito Manaloto; gayundin sina Harvey Bautista (Goin’ Bulilit), Bugoy Cariño (Goin’ Bulilit), John Lloyd Cruz (Home Sweetie Home), Clarence Delgado (Goin’ Bulilit), at Vic Sotto (Vampire Ang Daddy Ko).

Si Sef ang parang sumusunod sa yapak ni Michael V., at ikinatutuwa naman daw ni Bitoy kung ganito ang opinyon ng marami.

“Hindi ko nga alam kay Sef, e. Ang dami namang puwedeng sundan, ako pa!” natawang biro niya.

“But kidding aside, proud ako kay Sef. Proud ako para sa kanya.

“Lahat naman actually ng nasa Bubble Gang, yung mga baguhan, yung bagong gang at saka yung mga medyo bagong gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Proud ako sa lahat ng mga ‘yan, lahat sila kumu-contribute sa table.

"May ino-offer rin sila para makakain kami nang maayos."

KEEPING IT FRESH. Nineteen years nang umeere ang Bubble Gang. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong tinatangkilik at tinututukan ng maraming viewers.

Pananaw ng marami, lagi raw kasing may bagong brand of gags and comedy sa show. At palagi ring may bagong characters na nagiging epektibong pangiliti sa mga manonood.

Si Michael V., bukod sa pagiging pangunahing mainstay ng Bubble Gang, ay ang ang creative head o consultant nito.

Pahayag niya, “Para sa akin, inspirasyon kasi namin ay yung audience. Kasi ang audience for me ang number one.

“Sila ang nagdidikta kung ano ang dapat naming gawin. Sila ang nagdidikta kung ano yung dapat naming ihain para sa kanila.”

May masasabi ba siyang secret formula ng Bubble Gang para umabot ng ganito katagal ang pagiging toprating gag show?

Sagot niya, “Siguro nga dahil laging bago yung ino-offer namin.

"Hindi sa pagmamayabang, kami lang yata ang grupo ng creative ng isang show na nakikinig talaga sa gusto ng audience namin.”

UNBELIEVING. Si Sef naman, kahit hawak na ang napanalunang Best Comedy Actor trophy, ay hindi pa rin halos makapaniwala na siya ang nanalo.

Aniya, “Again, ang pasasalamat ko sa lahat ng bumubuo ng Bubble Gang.

“Kasi yung impact ng ’Ikaw At Ang Ina’ na ginawa namin ni Kuya Bitoy, iba, e.

"Nagkaroon siya ng matinding recall sa tao.

“From then on, inaral ko kung ano yung mga dapat na aralin.

"Kung ano yung mga sinasabi nina Direk Uro at Direk [Cesar], sinusundan ko lang.

“At saka, hindi porke’t bago kami, e, parang magpa-plateau kami.

"Kailangan, kung ano yung ginagawa ng mga veterans, sabayan natin.

“Kasi dun kami gagaling. Dun kami matututo.

“So, dahil nga kay Kuya Bitoy, ’eto," pagpupugay ni Sef kay Michael V. sa hawak nitong tropeyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Kaya masaya... masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN