Governor Vilma Santos still can’t say if she’ll run or not in 2016; misses doing movies

Batangas Governor Vilma Santos-Recto on hidden wealth issue among politicians: "Naku, magulo tayo ngayon. Magulo ang pulitika ngayon… but this is a good sign. Magandang senyales ito. Which means, ang tao, nakikialam na ngayon, para alam nila kung saan napupunta ang buwis nila. Kung saan napupunta ang binabayaran nila."


Noon pang November 3 nagdiwang ng kanyang 61st birthday ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos.

Pero kasabay ng presscon para sa Ala Eh! Festival ng Batangas kahapon, November 24, ay ang belated birthday celebration na inihanda ni Mother Lily Monteverde para kay Vilma, sa 38 Valencia Events Place.

Pagdating ni Governor Vi sa venue ay nagulat siya nang inawitan siya ng “Happy Birthday” ng entertainment press, habang mismong si Mother Lily ang tumutugtog sa piano.

“Nagulat ako, Mother!” masayang pahayag ng actress-politician nang hingan ng reaksiyon sa sorpresang inihanda sa kanya ng Regal matriarch.

Patuloy niya, “Humingi ako ng tulong for Ala Eh! Festival, si Mother, sinorpresa ako na November pa naman daw, birthday ko pa.

“So, sinalubong ako ng isang malaking ‘Happy Birthday!’

“Sa totoo lang, Mother, hindi ako nag-party. Ito pala! Ang laki pala!

“Sa totoo lang, hindi po ako nag-party noong birthday ko.”

Paano niya ipinagdiwang ang nakaraang kaarawan, at ang biro pa nga niya sa entertainment press ay “36 years old” pa lang daw siya.

Saad ni Governor Vi, “I spent my birthday sa family lang.

“Yun din ang time na stress-free muna.

“Huwag munang masyado kasi importante rin na mabawasan din ang stress at pagod.”



NO PLANS YET FOR 2016. Muli namang iginiit ni Vilma na wala pa siyang plano kung tatakbo ba siyang muli sa pulitika o titigil na siya.

Nasa huling termino na ang Star For All Seasons bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas, at may usap-usapang tatakbo raw siya sa mas mataas na posisyon sa 206.

Pero sabi niya, “No plans for 2016 but, definitely, I miss show business.

“2016, eighteen years na rin akong nagsisilbi.

“Now, at the end of the day, I still believe in destiny. Kapag ginusto, hindi mo naman malalabanan.

“Pero kung ako ang tatanungin niyo, I miss doing films also. Nami-miss ko po ang gumawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nanonood ako, parang, ‘Ako dapat ‘yan, a!’” natawa niyang sabi.

Patuloy ni Governor Vi, “Inggit ba… parang, kaya ko yun.

“Nami-miss ko talaga ang show business.

“But, at the end of the day, if it’s meant, it’s meant. I really believe on destiny.

“You can never tell. Tomorrow is another day.”

Totoo bang magge-guest siya sa Darna movie ni Angel Locsin, girlfriend ng anak ni Vilma na si Luis Manzano?

Tugon ng Star For All Seasons, “Hindi ko pa alam.

“With Angel... pero kung hihilingan ako ni Angel, okey lang. Si Angel pa!”

Natatawang paglilinaw niya, “Pero hindi naka-Darna, ha! Excuse me! Baka naman kapag naka-Darna, huh!”

Isa si Vilma sa nagpasikat ng Pinoy superhero character na Darna, na ginampanan niya sa apat na pelikula—Lipad, Darna, Lipad! (1973), Darna and the Giants (1973), Darna vs The Planet Women (1975), at Darna at Ding (1980).

Si Angel naman ay unang gumanap bilang Darna sa hit fantasy series ng GMA Network noong 2005, at muli niyang isusuot ang Darna costume para sa isang pelikula sa 2015.



HINDI AKO SI DARNA. Aminado naman si Govenor Vi na marami siyang tinanggihang offers sa showbiz dahil sa kanyang katungkulan bilang isang pulitiko.

Saad niya, “Pagod din ako sa trabaho ko, e, sa Batangas.

“Doon ko nga nakita, akala ko ako si Darna. Yun pala, hindi, nambabawi rin.

“Lahat kayo tinatanong, ‘Saan mo kinukuha ang energy mo, Vi?’ ‘Di ba?

“Kapag nakikita niyo ako, ‘Saan mo kinukuha ang energy mo? Bakit ang sigla mo?’

“Naniningil din. Space-space muna.”

Kung sakali raw na hindi matuloy na tumakbong muli si Vilma sa anumang posisyon sa pulitika, ang gusto raw niya ay makapag-produce ng pelikula.

“Puwedeng indie. Parang yung pagiging artist mo, gusto mong ilabas.

“Anyway, that doesn’t mean na hindi ho ako nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay sa akin.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagtitiwala sa akin that I can serve you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Again, I can’t promise anything.

“Kapag hindi ko ho kayang magawa… so, I’m praying for it.

“Kung saan ako dalhin ng Panginoon, I’ll just do my best—whether I’ll run or I may not run.”

May isang taon at kalahati pa raw siya para manilbihan bilang governor ng Batangas.



ALA EH! FESTIVAL. Sa isang banda, pitong taon na raw ang Ala Eh! Festival sa Batangas, ‘tulad ngayong taong ito na gaganapin mula December 1 hanggang sa December 8.

May mga artista na raw nangakong darating at magpapasaya sa mga taga-Batangas, kabilang na si Angel Locsin.

Ang anak naman ni Governor Vi na si Luis Manzano at si Ai-Ai delas Alas ang maghu-host ng Voices, Songs, and Rhythm.

Naitanong din si Governor Vi tungkol sa isyu ng hidden wealth ng mga pulitiko.

Nabalita kasi noon na sa Rosario, Batangas daw kasi ay may malaking lupain o hacienda si Vice President Jejomar Binay.

Sabi ni Governor Vi, “Naku, magulo tayo ngayon. Magulo ang pulitika ngayon.

“Pero ang sa akin lang… but this is a good sign. Magandang senyales ito.

“Which means, ang tao, nakikialam na ngayon, para alam nila kung saan napupunta ang buwis nila. Kung saan napupunta ang binabayaran nila.

“Yung awareness lang.

“But I hope, everything will be settled, kasi hindi rin magandang tingnan ang dirty politics.

“Huwag naman. Kasi, at the end of the day, hindi yung mga politician po ang maaapektuhan, mamamayan ang maaapektuhan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN